Louise
"Huy.. pupunta ka ba?" Napakunot naman ang noo kong napatingin kay Chantelle. Nandito na naman siya. Wala ba siyang trabaho? Hindi ba siya busy?
"Last week pa ang reunion ng Ushering ah?" Nagtatakang sabi ko habang taimtim siyang pinapanood kumain ng cupcake na galing sa ref namin. Bago pa siya makasagot ay bigla siyang nabulunan.
"Bhie, penge ngang juice." Utos niya pa. Napataas naman ang kilay ko.
"Juice pa talaga at hindi tubig?" Sarkastikong sabi ko at tumayo para kumuha sa ref namin. Bumalik ulit ako at tumayo sa harapan niya, hindi pa sure kung ibibigay ba sa kanya.
"Hoy, akina! Mamatay na 'ko!" Angal niya habang pilit inaabot ang basong may laman na juice. Agad ko naman nilayo ito sa kanya at tumawa.
"Mangako ka muna na hindi mo na uubusin ang stocks namin dito sa bahay." Mariin na pag-uutos ko. Bigla siyang napalunok sa sinabi ko habang nakatingin sa 'kin. Sinuntok niya ang dibdib niya at huminga ng malalim.
"Ay, okay na pala. Thanks, Louise!" Sabi niya at sinimulang lumamon ulit. Laglag ang panga kong pinanood ito at pinatong na lamang sa coffee table ang kinuhang juice. Pasimple naman niya itong kinuha at ininom.
Umupo na lamang ako ulit at napailing. Tangina talaga nito ni Chantelle. Kulang yata sa aruga kaya nandito palagi.
"As I was saying," Maarte niya pang winagayway ang isa niyang kamay habang ang isa ay may hawak na namang cupcake. "Postponed nga bhie! This weekend daw gaganapin." Sagot niya. Napatango nalang ako at hindi na sumagot pa.
"Ano na? Punta na kasi tayo, pleaseeeeeee?!"
"Ay, tangina ka Chantelle!" Gulat na sambit ko nang asa tabi ko na 'to at hindi ko man lang napansin. Ang lapit pa ng mukha ng gaga. Kamukha pa naman niya si Dory.
"Aray ko bhie, ganyan ka na ba talaga ka-hard?" Kunwaring nasasaktan na sabi niya pero mahahalata mo na may halong pangangasar. Pinalapit ko siya at umakmang may ibubulong. Lumapit naman siya agad at parang tuwang-tuwa pa habang nakangiti.
"Tangina mo Chantelle," Sweet na bulong ko. Mabilis naman siyang lumayo at sinamaan ako ng tingin.
"Dahil diyan, uuwi ko 'yung isang box ng cupcake na nasa ref mo." Umirap pa nga.
Magsasalita pa sana ako nang biglang bumaba si Phyllis habang yakap ulit ang teddy bear niya at mukhang bagong gising ito habang suot pa rin ang pajamas niya. Napatingin tuloy ako bigla sa relo ko at magtatanghali na pala. Anong ginawa ng batang 'to at ngayon lang gumising?
Dumiretso ito sa 'min ngunit nilagpasan lang kami at umupo sa bakanteng sofa. Tahimik nitong kinuha ang remote at binuksan ang TV. Nang bumungad ang balita ay agad niyang nilipat sa Disney at saktong barbie ang palabas. Ang gagang Chantelle ay mabilis na tumakbo pa-ikot para tabihan si Phyllis at sinabayan manood ng Barbie.
"You like barbie too?" Dinig ko pang tanong ni Chantelle kay Phyllis na may halong tuwa. Agad namang tumango si Phyllis habang ang tingin ay nasa palabas pa rin. Tumili sa tuwa si Chantelle, "OMG! Ako din!" Maingay niyang sabi.
"Ate, you're so loud po." Iritang komento ni Phyllis kaya mabilis na sumimangot si Chantelle at parang batang lumayo ng kaonti kay Phyllis at tumingin sa 'kin, nagsusumbong. Tinignan ko naman siya at nagkibit-balikat.
"Magkapatid nga sila, parehas suplada amp!" Dinig ko pang bulong niya at sabay pa kami ni Phyllis na napalingon sa kanya. Nahihiya tuloy siyang napapatingin sa 'ming dalawa at nakuha pang mag-peace sign at nanood nalang ulit.
Umakyat nalang ako sa taas at dumiretso sa k'warto ko para mag-update sa story ko online. Bago pa man ako makapag-type at simulan ang bagong kabanata ay may biglang nagpop-up na notification. Hindi ko napansin na naka-open pala ang IG ko rito.
primolopez: pupunta ka dba?
Nagulat ako nang makita ang DM niya. Napa-isip tuloy ako kung dapat ko ba siyang replyan o wag nalang.
ms.louperez: hindi.
primolopez: awit naman bho:((
ms.louperez: tigilan mo nga ko.
ms.louperez: bat ka ba nagmemessage dyan?
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang reply kaya mukha tuloy akong tangang nag-aabang pa rin sa reply niya, hanggang sa nairita ako at muling nag-type.
ms.louperez: oh bat hindi ka nagrereply dyan?
primolopez: typing...
ms.louperez: tagal naman. lsm ba 'yan at napakatagal?
primolopez: sabi mo tigilan kita.
ms.louperez: ok.
primolopez: jk lang baho hahahhahaha
primolopez: i miss you
Bigla akong natigilan at mariin na napatingin sa huling DM niya. Seryoso ba siya dyan? Ano na namang kagaguhan ito?
ms.louperez: don't say it so quickly, baka may magselos.
primolopez: sino naman? wala ahh
ms.louperez: girlfriend mo.
primolopez: wala akong girlfriend.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba kasabay ng maraming katanungang namumuo sa isipan ko.
ms.louperez: asawa?
primolopez: kausap ko ngayon.
ms.louperez: tangina mo pala eh, tapos sasabihan mo ko ng 'i miss you'?
primolopez: eh ikaw lang naman kausap ko baho ka hahahaha
Napatitig ako sa naging reply niya. Pilit kong kinakalma ang pusong nagwawala mula sa loob ko. Nakita ko nalang ang sarili ko mula sa repleksyon, nakangiti ako.
Tangina, nakangiti ako.
Tumayo ako at napatalon bigla sa kama ko, Humiga ako at nagwala habang pinagmumura ang sarili ko sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
"Tangina ka Louise!!!!" Bwiset na sigaw ko.
"Anyare sa 'yo, teh?" Mabilis akong napaayos ng upo at masamang tinignan si Chantelle. Tumatawa pa ito at tuwang-tuwa sa nasaksihan. Bigla itong napalingon sa Laptop kong nakabukas pa rin, agad siyang pumasok at naglakad papunta doon.
Mabilis akong tumayo at tumakbo roon para isarado ang Laptop bago niya pa makita ang messages namin.
"LOKARET KA LOUISE!" Galit na sabi niya. "Eto na nga bang sinasabi ko eh. Ano na nangyari sa, 'Tanga nalang ang magmamahal ulit sa isang tulad niya." Ginaya niya ang itsura ko noong sinabi ko ang linyang 'yan. "Namo ka, Louise!" Iritang tili niya pa.
Agad ko naman siyang binatukan.
"Pwede ba manahimik ka!" Inis kong sabi. Hinila naman niya ang buhok ko sa pikon. Saglit lang 'yon pero ang sakit!
"Pota ka!" Galit na hiyaw ko at ginantihan siya. Hindi nagpatalo ang gaga at sinabunutan ako ulit hanggang sa natumba kami sa kama ko. Sinasapak ko nalang siya para hindi ako lugi. Mamaya lang ay para kaming tangang nakatulala habang nakaupo sa kama ko.
"Paano kung pwede pa?" Tulalang tanong ko.
"Paano kung masaktan ka ulit?" Tulala din niyang sagot. Para akong shungang tumingin sa kanya.
"Worth it naman sigurong sumugal ulit diba?" May halong takot na tanong ko.
"Pero kapag sinaktan ka niya ulit, hindi na worth it 'yun, Louise." Matinong sabi niya. "Kapag nangyari 'yon, ikaw na sanang magkusang tumigil sa kahibangan niyong dalawa."
Hindi ako nakasagot.
Kaya ko nga ba?
To be continued...