Georgina's POV
One month na ang nakakaraan noong makilala ko si Lady. Buti na lang at siya ang nakilala ko dahil manhater siya. Pabor kay Mommy dahil ayaw niya akong mag boyfriend. She's perfect cause she doesn't like na umistambay kami sa court. Kaya gustong gusto siya ni Mommy na makasama ko. Lagi siyang nasa bahay tuwing Sabado. Bestfriend na talaga kami.
Naglalakad ako ng makasalubong ko si Paul. "Hi George!" Nginitian niya ako. Malimit niya akong batiin pero pogi naman siya kaya okay lang.
"Hi." Nginitian ko din siya dahil nakakakilig naman talaga siya. Nagtitigan lang kami nang dumating si Lady.
"Hey! Time na, bakit ngayon ka lang?" Hinila niya ako papunta sa room.
Ayaw niyang may nanliligaw sa'kin. Gusto ko naman pero ang gwapo kasi ni Paul eh. Manliligaw ko siya kaso lahat ng manliligaw ko ay hinaharang ni Lady. Okay lang naman dahil ayoko naman na dumating 'yung time na ma-in love ako sa guy at palihim akong magjojowa 'di ba? Maigi na rin 'yung nandiyan si Lady. "I'm going to buy drinks, what's your drink?" Tanong ni Lady. Ganiyan siya ka supportive. Pag alam niyang busy ako, hindi niya ako iniistorbo, instead, tinutulungan niya pa ako.
Bestfriend material talaga. Minsan naman bumabawi ako pero lamang parin 'yung effort na ginagawa niya. Isang araw may bitbit akong mga libro. "Those books are so heavy, I'll bring it at bumalik ka sa upuan mo." Utos ni Lady.
Kinuha niya ang tatlong makakapal na libro at dinala sa desk ko.
"Kaya ko naman ah." Reklamo ko kasi parang jowa ko kung umasta. Kahit kaya ko naman siya na ang gumagawa.
"Kaya? Hirap na hirap ka? Ano ba ang gagawin mo sa mga libro na 'yan?!"
"Wala! May kokopyahin lang ako. Hahanapin ko na lang sa tatlong 'to."
"Ano ba 'yon? Tutulungan kita?"
Ganiyan siya kaya ayokong mapunta sa iba ang atensyon niya. Gustong gusto niya kasi ako at ayaw kong mabura 'yon. Bumabawi na lang ako sa kaniya minsan like, bigla ko na lang siyang bibigyan ng burger, pizza and whatever na favorites niya. Sabay ikikiss niya ako sa chick. Ang sweet niya 'di ba? Perfect siyang bestfriend ko.
Tapos lagi pa siyang nagtetext at inaalam kung kumain na ba ako o ano ba ang ginagawa ko. Minsan tuloy naiinis na ako dahil para ko na din siyang boyfriend na bantay sarado ako. Usapan nila ni Mommy na isumbong ako pag nag entertain ako ng manliligaw. I enjoyed what's Her doing pero minsan nasasakal na ako. Kahit may katext lang ako or may nagtext sa aking lalake ay nagagalit siya.
"Bakit ba nagagalit ka?"
"Nangako ako sa Mommy mo na babantayan kita. Tsaka sinisigurado ko lang po na hindi ka magpapaligaw dahil ayokong mapunta sa iba ang atensyon mo." She sqeezed my nose gently.
"Huwag kang mag alala, Lady. Kahit mag boyfriend ako, ikaw parin ang uunahin ko!"
"Ayokong mag boyfriend ka."
Ayoko din naman pero nagtry akong biruin siya. Ayoko din na magalit siya dahil baka maging iba na ang bestfriend niya 'di ba? I won't let her to give her support to other.
Nakakaselos.
'Yung dating binibigay niya sa'yo, malalaman mo na lang na sa iba na niya binibigay kaya nag-iingat parin akong magalit or ma-offend siya sa'kin.
Uwian na at hinatid pa niya ako sa bahay. Then she gives me a flying kiss. I kissed the air back and nag-bye sa kaniya.
Ang sweet namin.
Habang katext ko si Lady--pumasok ang cousin ko sa room ko.
"George!!"
"Oh?"
"Yung friend ko may syota na tomboy!"
"And so? Ano gusto mong gawin ko?"
"Wala lang. Ano kaya feeling pag tibo ang bf?"
"Naku! Hindi bagay sa isang babae ang pumatol sa kapwa babae."
"Oo nga alam ko pero kasi parang lalake din siya eh. Hinahatid sundo niya 'yung friend ko."
"Bakit naman ako. May nag hahatid din sa'kin na babae minsan?"
"Iba naman 'yun eh."
"Huwag mo nga akong kausapin sa mga kalandian na 'yan ah."
"Arte mo."
"Oo na, get-out on my room please."
"Ewan."
Ayokong kasama 'yung kapit bahay na cousin ko na 'yun dahil ang landi niya. Sinabihan na rin ako ni Mommy na mag ingat sa kaniya para hindi ako ma-impluwensyahan.
Nagbasa ako ng text..
Lady: I love you.
Me: I love you too!
Lady: I love you more.
Me: I love you so much. Stop it Lady. Ikaw talaga, wala ka nang masabi no?
Lady: Sunduin kita bukas?
Me: Wag na, anlayo pa ng bahay niyo.
Well, masaya ako dahil ganiyan siya sa'kin. Malayong malayo siya sa dati kong bestfriend. Naranasan ko kasing maging malapit sa bestfriend ko noon na tipong gusto ko lagi kaming magkasama at ayokong iba ang kasama niya.
Nakikita ko ang sarili ko kay Lady.