Lady's POV
Bakit ba nag kakaganiyan si George? Kung kailan naman na pagkakataon nang makasama ko si Joanna saka pa siya tinopak. Nagseselos kasi siya eh.
"George, hindi kita ipagpapalit. Kaya nga may bestfriend dahil may mga friend."
"Sumama ka na kung gusto mo." Nakasimangot siya.
"Akala ko ayaw mo?"
"Ayoko nga pero ikaw parin naman ang masusunod 'di ba?!"
Galit na siya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong magalit siya sa'kin at the same time gusto kong sumama sa inuman. Kailangan kong pumili, bestfriend ko o si Joanna? Si Joanna na lang, mag-aapologize na lang ako kay George bukas. Hindi naman magtatagal ang away namin.
"I'm sorry, George. Usap na lang tayo bukas."
"Pag sumama ka, 'wag mo akong kakausapin kahit kailan."
Ano ba 'to? Sobra na 'yang pagseselos niya. Aminin ko na kaya na tibo ako? Kaso ayokong iwasan niya ko. Bahala na. Ayoko nang sumama sa inuman. Next time na lang kapag walang topak si bestfriend. Mas mahal ko si George kaysa kay Joanna kahit alam kong hindi kayang suklian ni George ang pagmamahal ko. Lumapit ako sa kaniya. Nakatalikod siyang niyakap ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
"I'm not going." I whispered and she moves her face.
Tumapat sa mukha ko. Nagkakatitigan lang kami. Umalis ako sa pagkakayakap sabay sinenyasan ko sila Joanna na umalis na.
"Bakit?!" Tanong ni Joanna.
"May lakad kami ni George!"
Nakatingin lang sa'kin si George. Umalis na sila Joanna and I sincerely looked at her face and touched her chin.
"Ihahatid na kita."
"I'm sorry, Lady."
"No no! It's okay."
Nung nasa bahay na nila kami--lumapit siya sa'kin bago ako umalis.
"Text mo ako ah." Hiling niya ba o sinabi lang?
"Okay sige." Masaya ako dahil nakikita kong importante ako sa kaniya.
Nakakapanibago siya. Gusto ko ang kinikilos niya kung mahal niya ako as a lover not as a bestfriend. Pero bestfriend kami kaya walang masiyadong impact. Hinalikan ko siya sa cheek. Parang magbeso kami dahil humalik din siya sa cheek ko then nilapit niya ang labi niya sa labi ko. Oh my god. Magkalapit na ang mukha namin. Ano ang gagawin ko? Hinawakan niya ang pisngi ko at dinikit niya ang noo niya sa noo ko. Hinawakan ko ang bewang niya.
Nagsalita siya. "Ayokong mapupunta ka sa iba ha, Lady."
"Huwag kang mag-alala George." Ngumiti ako.
Ano ba 'tong nararamdaman ko. Feeling ko mahal ako ni George. Magkalapit parin ang mukha namin sabay unti unti nang naglapat ang mga labi namin. Dumating ang Mommy niya. Buti at nakapag hiwalay agad kami. Narinig kasi namin ang yapak niya.
"Lady andito ka pala. Kain ka muna." Request ng Mommy niya.
Medyo awkward ang dating kaya tumanggi ako.
Nagpaalam na ako at umuwi.
Nagtext siya.
George: Ingat ka!
Me: Thanks.
George: I love you.
Me: I love you too.
Nakakapanibago siya.
George: Text mo pa ako ah.
Me: I'm so very happy George. Sana hindi ka magbago.
George: Ayoko lang naman kasi na maagaw ni Joanna ang atensyon mo eh. Sana maintindihan mo ako.
Me: Wag kang mag-alala. You're always be my bestfriend kaya hindi na magbabago yan.
George: Iba ka kasi eh. Hindi naman basta bestfriend ang papel mo sakin. Parang boyfriend kita.
Nagulat ako sa sinabi niya. Sobra na yata ang pagcacare ko sa kaniya kaya nasanay siya.
Me: Because I love you George. Kaya binibigay ko ang lahat para sumaya ka.
George: Ayokong lalapit ka sa ibang babae.
Bakit ganun? Hindi pwede ang sinasabi niya. Tama kaya ang hinala ko na mahal niya ako? Ayokong manigurado dahil baka mali ako ng iniisip. Kailangan ko siyang sundin para hindi siya magalit at magtaka sa'kin. Ano ang gagawin ko? Pero aaminin ko, napakasaya ko sa kinikilos niya. Pwedeng minahal niya ako pero wala siyang alam sa nararamdaman niya. At kung magigising siya sa katotohanan ay magbabago ang lahat. Ayokong mangyari 'yun.