Georgina's POV
Kasama ko ngayon si Lady sa canteen. Magkaharap kami. Wala namang nagbago, bukod sa lagi siyang may katext. Inaakbayan niya ako pero this time parang iba na ang pakiramdam ko sa akbay niya. May dumating na gwapo na kakilala namin, binati kami. Parang walang dumaan. Baka nga tomboy talaga siya?
Nagtext siya bigla. Hinawakan ko 'yung kamay niya.
"Sino'ng katext mo?" Tanong ko.
"Wala, babae 'to!"
Pinakita niya yung inbox. Nakita ko ang palitan nila ng messages ni Joanna.
"Patingin." Gusto kong mabasa 'yung pag-uusap nila.
"George naman. Babae naman 'to kaya okay lang. Sabi mo narin 'di ba? It is okay even I was texting a guy."
Oo nga pala. Hindi ako nakapag salita agad pero gusto kong malaman 'yung pinag-uusapan nila ni Joanna sa text dahil magkalapit na lang nagtetext pa.
"Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo. Bakit hindi na lang kayo mag-usap?"
Inagaw ko 'yung phone niya pero ayaw niyang ibigay.
"George naman, bakit gusto mo pang basahin?"
"May tinatago ka ba sa'kin, Lady?"
Nagulat ako nang pinatong niya sa mesa ang phone. Kinuha ko then nakita ko nadelete all na ang inbox.
"Bakit mo binura?"
"Binubura ko talaga lahat ng nasa inbox ko."
"Ano ba talaga pinag-usapan niyo?"
"Wala lang."
Nilapit niya yung mukha niya sa'kin.
"Nagseselos ba ang bestfriend ko?"
Oo nga pala, parang obvious ang kilos ko na nagseselos ako.
"Okay, I'm sorry!"
"Ikaw naman, hindi kita ipagpapalit."
Iba ang dating sa'kin ng sinabi niya na 'yun.
"Okay lang kasi sa'kin na lalake ang katext mo, 'wag lang babae."
"Nagseselos ka sa babae?"
"Dahil baka sa iba na mabaling ang atensyon mo." Tumayo siya. "Saan ka pupunta?"
"May bibilhin lang."
"Ako na."
Nalilito ako sa nararamdaman ko talaga. As a bestfriend ba talaga ang pagseselos ko? Kasi kung as a bestfriend lang tapos alam ko na tomboy siya, dapat hinayaan ko lang na katext niya si Joanna dahil hindi bestfriend ang habol niya kay Joanna kaya wala akong dapat ipag selos.
Ano ba tong nangyayari sa'kin?
Nang-uwian na. Balak na niyang umuwi. Hindi naman kasi madalas ang paghatid niya sa'kin eh. Minsan lang.
"Ihatid mo ako." Ngayon lang ako humiling na ihatid niya. Bakit ko ba nasabi 'yun? Naghihinala kasi ako na baka sila na ni Joanna.
"May dadaanan pa ako. Bukas na lang."
"Sasamahan kita."
"Mapapagalitan ka. Baka malate ka ng uwi."
Hindi muna ako nagsalita ng mga limang sigundo.
"Bakit dati naman kahit may pupuntahan ka, gusto mo akong ihatid."
"Akala ko ba napipilitan ka lang na ihatid kita dahil gusto ko?"
"Lady!"
"Mag iinom uli kami."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Sorry, baka kasi sabihin mo napapadalas na eh."
"Ayokong sumama ka."
"George!" Kumunot ang noo niya.
"Sinasabi ko lang na ayoko pero alam ko naman na hindi mo ako susundin eh. Just go."
"George naman, ayokong mag away tayo."
"Hindi tayo nag-aaway, Lady. Sinasabi ko lang na ayaw kong sumama kang mag-inom. Pero sino ba ang masusunod sa'tin, 'di ba ikaw din naman?"
"Akala ko ba suportado mo ako?"
Oo nga pala. Ayoko nga pala na magalit siya sa'kin. Pero ayoko din na mag-inom siya. Malamang si Joanna na naman ang kasama niya.
Hindi ako nagsasalita ng dumating sila Joanna.
"Lady! Ano pa ang hinihintay mo?" Tawag ni Joanna.
"Wait lang." Sagot ni Lady at humarap uli siya sa'kin.
"Ano? Sasama ka parin." Tanong ko.
Nasa malayo si Joanna kaya hindi niya kami rinig.
"Pag sumama ako, galit ka eh."
"Ayoko nga kasing sumama ka."