Lady's POV
May program sa school ngayon kaya eto na naman si Mommy. Kung ano ano na naman ang gustong ipasuot sa'kin na sexy outfit.
"Lady! Ito ang suotin mo."
"Mommy! Labas ang pusod eh. I won't."
"You suppose to use this. Babae ka at dapat ganito ang sinusuot mo."
"Hindi ako sanay."
Pasalamat si Mommy maganda ang mood ko ngayon. Hindi man kami nagkaayos ng mabuti ni George, nahalata ko naman na wala siyang balak na iwasan ako at unti unti kong nararamdaman na mahal niya talaga ako at ayaw niyang mawala ako sa kaniya.
But I'm not so sure if she already knows my secret. Bahala na.
"Mommy!!"
Ano bayan? Hindi pwdeng hindi ko suutin 'to. Okay lang. Naku! Pasalamat ka talaga Mommy. Maigi na din ito para hindi maghinala si George.
-
Georgina's POV
Katext ko ang Mommy ni Lady.
Tita: Pasensya na natagalan si Lady. Hindi alam kung ano ang isusuot eh.
Ano ba 'yan? Daig pa ang babae. Ang tagal naman mag ayos ni Lady.
Me: Sige po Tita. Hintayin ko nalang po.
Tita: Basta ihanap mo siya ng magiging boyfriend ah.
Sorry Tita mukhang magkakaproblema tayo. I'm sure hindi talaga boyfriend ang hanap ni Lady. Haaay hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko basta sa ngayon ayoko siyang lumapit sa ibang babae. Mahal ko na nga ba talaga si Lady?
Kinain ko ba lahat ng sinabi ko?
Ang kinatatakot ko, baka 'yung sweetness niya--mapunta sa iba. Napatunayan ko kasi na tomboy siya, alam kong lahat ng pinapakita niya sa'kin--pagmamahal at hindi lang basta bestfriend. Boyfriend material siya para sa'kin kaya kung pagiging bestfriend lang ang ipapakita niya at mag gigirlfriend siya ng iba.... Malamang mawawala ang nakasanayan kong binibigay niya. Mahal ko na ba talaga siya? Tao din siya at nagmamahal din. Kung hindi ko pag-aaralan na mahalin siya, kawawa naman siya. Awa lang ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya?
Hindi ko rin alam.
Nakita ko na siya. Wow bakit ganiyan ang porma niya? Naka sports jogging pants pero labas ang pusod niya. Naka sneaker, with earphone and close cap. Ang astig niyang babae kung hindi mo alam na tomboy siya. Parang siyang isang babae na lalake pumorma. Not totally lalake pumorma dahil ang sexy niya sa suot niya. Nakasabit ang pang babae na bag sa balikat. Alam ko na si Tita ang nagpagamit nun. Bakit pinayagan siyang magsuot ng sneaker? Sabagay, girly siyang tignan.
Nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi ko.
"Wow! You looked so sexy." Sabi niya.
Ang iksi kasi ng palda ko. Ayokong madaig ako ni Joanna. Inayos niya ang jogging pants niya at tinupi hanggang binti ang kabila pero nakaladlad parin ang kabila. Mukhang bukod sa uniporme namin, hindi siya sanay magsuot na purong babae kung titignan. May bakas talaga na kailangan lalaki ang porma niya.
"Haaay! Grabe si Mommy. Gusto din akong pagpaldahin."
"Bakit hindi mo ginawa?"
Alam ko kung bakit hindi niya ginawa pero gusto kong malaman ang idadahilan niya.
"My god, George! Hindi ako sanay nang nakapalda maliban sa school uniform natin. Titignan lang ako ng mga lalaki."
"You're so very conservative. Bagay naman sa'yo ang palda. Bakit ayaw mo? Ako nga nakapalda."
Sinabi ko lang para hindi siya mailang sa'kin. Gusto kong hindi niya alam na alam ko nang tomboy siya.
"Galit ka pa ba?" Pag-iiba niya sa usapan.
Umirap lang ako. Sa totoo lang hindi na talaga ako galit dahil napatunayan ko na ako talaga ang pinili niya. Oo nasaktan ako dahil nalaman ko na hinalikan niya si Joanna pero buti sinabi niya na nakainom siya nun kaya okay lang. Basta hindi na dapat siya mag-inom. Sumandal siya sa'kin, ramdam niya na hindi na ako galit.
"Mall tayo mamaya?" Yaya niya.
"Alam ni Mommy na maaga ang uwian." Pero ang totoo, alam ni Mommy na gagala kami ni Lady.
Maybe may tiwala siya kay Lady kaya panatag siyang si Lady ang kasama kong mag-gala.
"Huh? Paano 'yan?" Dismayado siya.
"May atraso ka pa sa'kin ah."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"George naman. Huwag mo nang isipin 'yung nangyari last time. At huwag mo nang ipaalala pa."
"Sa bahay na lang tayo tumambay."
"Bakit?"
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ayaw?"
"Text text na nga lang tayo kung ayaw mo."
"Sige na nga."
Para talaga siyang lalake na under sa girlfriend. Bakit ko ba siya ginaganiyan samantalang noon ay masyado akong maingat na baka magalit siya. Dahil ba sa nalaman ko na mahal niya ako? Maybe.
I don't know.