9. She Was Wrong

3.8K 91 5
                                    

Lady's POV

Nagtext si George. Nagpapasundo siya sa'kin kaya nagmadali talaga akong sunduin siya. Ang daming first time na nangyari.

First time na magselos siya, first time na halikan niya ako, first time na mag 'I love you.' Siya sa text nang siya ang nauuna, first time na tawagan niya ako, first time na magpahatid siya dahil ako lang naman ang makulit na gustong ihatid siya, first time nagpasundo siya at first time nag away kami ng seryoso. So, many first times happened. Ganito siguro talaga minsan ang bestfriends. Turned table na parang magkarelasyon pero hindi ko itatake for granted 'yon.

Kinukutuban ako at the same time.

Ang unang unang pumasok sa isip ko--yung text ko sa kaniya. First time ko din na hindi siya itext at first time din na nagalit siya dahil hindi ko siya tinext. Baka sa isang iglap ay naramdaman niya na malayo na ako sa kaniya dahil hindi ko siya tinext. May advantage din minsan kung sa isang iglap, mawala ang effort ng isa.

Nag-alala ka-agad siguro siya.

Okay lang, atleast nalaman ko na importante ako sa kaniya kahit as a bestfriend but habang nasa byahe ako papunta sa kanila.... Iniisip ko parin ang paghalik niya sa'kin sa labi. Parang may ibig sabihin samantalang hindi naman first time na nag lips to lips kami. Parang it was about to make torid but naudlot lang. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya na.

"Masama ang magmahal ng tomboy."

So, I came to her house and I saw she smiles, napaka kaswal ng kilos niya.

Sinara niya ang gate and....

"Mommy! Pasok na kami." Paalam niya.

Kumapit siya sa braso ko at dinikit ang katawan sa katawan ko habang naglalakad kami. She smiled at me and I smiled back. Walang pag uusap hanggang sa school, medyo awkward lang.

Ano kaya ang nasa isip niya?

Nang magstart ang class ay nakatingin lang sa'min si Joanna. Parang gusto niya akong kausapin pero hindi kasi kami naghihiwalay ni George kaya hindi niya magawa.

Nagtext siya.

Joanna: Musta?

"Sino'ng nagtext?" Tanong agad ni George dahil nakita niya na may binasa akong text.

Binura ko agad dahil feeling ko magkakaproblema 'pag nakita niya ang text sa'kin ni Joanna.

Nginitian ko siya.

"Wala." Sabi ko then umirap siya.

Feeling ko girlfriend ko siya na minomonitor bawat galaw ko.

Sabay kaming kumain tapos sinubuan pa niya ako ng friench fries habang ngumingiti siya. She got a perfect smile talaga. Napapatitig ako sa kaniya everytime she had a smile on her face. Ang ganda niya, ngayon ko lang naalala mula nang una kaming magkita. Lagi kasing tumatanim sa isip ko na mahal ko siya kaya nalimutan kong mas maganda siya kay Joanna. Kuntento na ako dahil feeling ko may girlfriend akong inaalagaan.

Nakasalubong ko si Joanna na hindi ko kasama si George dahil magtatapon ako ng basura sa canteen.

"Lady, bakit hindi ka nagrereply?"

"Sorry! Si bestfriend eh. Nagseselos?"

"What?"

"Basta, mahirap explain."

Umiling lang siya.

-

Joanna's POV

Ano kaya ang nangyari? Bakit parang nagbago si Lady? Baka sila na ni George? Kailangan kong kausapin si George. Tinext ko na lang siya kasi kasama niya si Lady.

Me: Naniniwala ka na ba?

George: Na ano?

Me: Na tibo si Lady.

George: Tibo man siya o hindi, wala na akong paki. Bestfriend ko siya.

Me: Parang hindi naman kayo bestfriend eh. Ang sweet niyo!

George: Nag seselos ka ba?

Hindi naman ako nagseselos dahil babae lang 'yan. Paano niya naisip 'yon? Akala niya yata gusto ko si Lady.

Me: Hindi ako nagseselos. Sa mga hindi nakakaalam na tibo si Lady, iisipin bestfriend talaga kayo.

George: I don't care nga eh

Me: You don't really care after all. Bestfriend kayo diba? Paano kung maghanap siya ng mamahalin niya?

George: Well, sana naghanap na siya.

Nakakapikon 'to ah.

Me: Hindi mo lang alam, kaya ko nalaman na tibo siya dahil she attempted to kiss me last time na nag inom kami

Hindi agad siya nagreply at nakita ko siya na binulsa ang phone niya. I'm not going to interlope their friendship or whatever affair they have. Ang akin lang, sana hayaan niya si Lady na magmahal ng babae. Napaka selfish niya porke alam niyang mahal siya ni Lady. Alam ko naman na kaya ayaw umamin sa kaniya ni Lady dahil nahulaan ko na ayaw niya sa tomboy.

Kasi kung umpisa pa lang ay alam na ni Lady na okay siya sa tomboy--dapat inamin na ni Lady 'yun. Ganun na lang ba sila? Bestfriend? O baka naman secret lang pero sila na? She said that she doesn't care even Lady is a lebian. Hmmmm parang sinabi niya na hindi pa umaamin si Lady sa kaniya. Tama nga ang hinala ko. Hindi alam ni Lady na may alam na si George tungkol sa kaniya. Sayang lang at pwede ko sanag maging boyfriend si Lady. Sana pala hindi ko na sinabi kay George ang nalalaman ko kung alam ko lang na magkakaganito. Akala ko kasi iiwasan siya ni George pero I was wrong.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon