15. Selfless

2.9K 62 4
                                    

Lady's POV

Nahihirapan ako. Nahihirapan kaming dalawa. Sabi nga niya, we're the same. We're even. Pag mahal ko siya, mahal din niya ako. Masaya siya, masaya din ako. Pero napakahirap ng sitwasyon namin ngayon dahil pareho kaming nasasaktan. Hindi niya kayang mawala ako at ganun din naman ako. Hindi na namin magawa ang ginagawa namin noon. Nagkakausap man kami pero kulang na kulang parin. Ito ba ang kapalit ng pagiging babae ko na may pusong lalake? Hindi ko sinasadya ang lahat na magkaganito ako. Miski sa text-hindi kami makapagtext, bihirang bihira.

"Sa graduation niyo dapat nakamake-up ka. I'm sorry, Lady. Mahal na mahal kita pero hindi ko ginustong malungkot ka ngayon. Pag nagka-anak uli ako, sana maging maayos ang lahat. Hangga't maaari, ikaw ang pinakamamahalin kong Anak."

Hindi ako kumikibo dahil hindi naman ako manalo. Marami siyang nakahandang isasagot sa'kin samantalang ako, wala maliban sa gusto kong payagan niya akong maging tomboy dahil gusto kong sumaya.

Sino ba ang selfish dito?

Ako ba o si Mommy? Para sa kaniya ako ang selfish dahil sariling kaligayahan ko lang ang iniisip ko pero pag ginawa ko ang gusto nila, marami silang sasaya. Masama bang ganito ako? Hirap na hirap na ako. Mahal na mahal ko si George. Normal si George at balang araw-iiwan din daw ako nito. Okay lang basta naranasan kong maging masaya kahit masaktan ako. I have no choice. Marami sila at isa lang ako. Iisa lang ang tanging nakakaintindi sa'kin.

Walang iba kundi si George.

Wala akong karamay sa problema ko dahil ang tanging karamay ko-wala sa tabi ko dahil din kailangan niya ng karamay.

-

Araw ng graduation at ni text ay hindi ko nakatext si George dahil hawak ni Mommy ang phone ko. Hindi ko siya nagawang batiin dahil gulo lang. Ako na lang ang iintindi, tutal ako naman ang hindi nila maintindihan at kahit kailan--walang makakaintindi sa'kin miski isa sa kapamilya ko. Ang Lola ko, galit din sa'kin dahil gusto niyang makita ang Apo niya sa tuhod sa'kin bago siya mamatay. Mahal na mahal niya ang Anak niya at 'yun ay ang Daddy ko. Mahal na mahal ko si Daddy pero kung sino pa ang isa pang pwedeng umintindi sa'kin--namatay pa. Kung buhay lang sana si Daddy, masaya ako ngayon.

I have to have children. I need to respect what they plan for. Pikit mata ko na lang gagawin alang ala sa kasiyahan ng lahat. Para matapos na. Kahit ayoko naman talaga sa kapwa ko lalake. Sabi nila, dahil sa pagkapit sa patalim kaya nagagawang pumatol ng lalake sa kapwa lalake. Iba ang sitwasyon ko pero 'yun na lang ang tanging inisip ko para kahit papano, makaya kong pumatol sa lalake.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon