3. Secret Feelings

5K 109 7
                                    

Ladylyn's POV

Nasa canteen kami nang may dumating na magjowa. Isang tomboy at isang girl. "Look!" Pasimple kong tinuro kay George 'yung dalawa.

"Huh?" Tumingin naman siya.

"Tignan mo!"

"Ayoko nga." Kumunot ang noo niya.

Pag-alis namin ay kina-usap ko siya. Gusto kong maging topic namin 'yung couple kanina. "George, hindi ka ba aware sa mga ganung relasyon?"

"That wasn't the first time. Sanay na akong makakita ng ganun."

Parang hindi siya interesado. "Bakit kaya sila nagmamahal ng lesbian?"

"I don't know, basta para sa'kin masama 'yun. Bakit ba 'yan ang gusto mong topic?"

"Wala lang."

"Baka naman kaya nireject mo lahat ng manliligaw mo dahil tibo ang gusto mo?" She asked.

"Hindi ah. Gusto ko lang maging patas sa'yo. Ayaw kitang pagboyprenin tapos ako magboboyfriend."

"Why not? Alam mo ba na kaya lang naman ako pumapayag na huwag mag boyfriend dahil utos 'yun ni Mommy. Pero I think ikaw pwede no."

"Dahil ayoko din na mag boyfriend ka. Malalayo ka sa'kin."

"Alam mo, Lady, sa'kin naman, okay lang mag boyfriend ka. Wala sa'kin 'yun hindi dahil sa gusto kong malayo sa'yo. Dahil suportado ko lahat ng gusto mo."

"You mean okay lang mabawasan ang oras natin sa isa't isa?"

"Okay lang. Iba ang samahan ng bestfriend 'di ba? Iba din pag boyfriend na. Sa tingin ko naman hindi tayo magbabago."

"Ako kasi gusto ko ikaw lang ang kasama ko." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko. I know naman ayaw din niya na magbago ang samahan namin. Ramdam lang siguro niyang magkaroon ng manliligaw kaya akala niya ganoon din ako.

"Me also, but I'm not questioning what you're doing. Masaya ako na ayaw mo akong mag boyfriend." Masaya naman ako sa sinagot niya. Satisfying kahit papaano.

Sumubo siya ng french fries sabay tingin sa malayo. Ang cute niya talaga. Tinitigan ko siya sabay tanong.

"Pa'no kung ma-in love ka?"

"Well, I-i don't know. Maybe I need a support coming from you."

"Paano kung ayaw ko?"

"Paano ako mai-in love kung manliligaw pa lang sila, todo awat ka na. Sa tingin mo, dadating tayo sa ganiyan?"

Oo nga naman no? Hindi ako nakapag salita. Para sa kaniya pala masama ang pumatol sa tomboy. Paano ko ngayon aaminin na in love ako sa kaniya? I think I should be contented on what we are. Baka lang lalo niya akong iwasan. Ang masaya, alam niyang girl talaga ako kaya kahit sweet ako sa kaniya--hindi halata.

Habang pauwi kami ay may lalaking sumalubong sa'min. Siya si Jericson.

"Hi Lady! Pauwi na kayo?" Tanong niya agad.

"Hindi ba obvious?" I answered sarcastically.

"Huwag ka ngang masungit diyan. Para nagtatanong lang eh." Bulong ni George.

"Oo nga naman, Lady. Diretso uwi na ba kayo? Hindi pa ba kayo tatambay saglit?" Tanong uli ni Jericson.

"Uuwi kami." Simpleng sagot ko lang.

Sinuntok ko siya sa balikat. "Aray!" He complained.

"Let's go, George!" Hinila ko na siya para lumayo na kami.

"Ang gwapo si Jeric ah. 'Di ba sabi ni Tita dapat magboyfriend ka na?" Pinaalala na naman niya.

"Ayoko sa kaniya."

Ikaw ang gusto ko.

"Paano ka magkakaboyfriend niyan?"

Pati tuloy si George gusto na akong magboyfriend dahil kay Mommy.

Pag uwi ko--tinext ko agad si George.

Me: Gudeve! Text muna tayo, boring dito eh.

Georgina: Busy ako eh. Wait lang.

Me: Ano ba ginagawa mo? Kasama mo na naman ba 'yang pinsan mo?

Me: Wag kang magsasasama diyan ah. Baka kung ano lang ang ituro sayo niyan?

Nakakainis talaga. Baka mamaya kasama na naman niyang tumambay sa court 'yung pinsan niya na 'yun. Ang hilig nun sa lalake.

Me: Itext mo ako agad ah.

After an hour.

Georgina: Nagpasama lang pinsan ko, I'm sorry!

Me: What? Diba sabi ko sayo wag kang sasama sa kaniya?

Georgina: Magtiwala ka. Alam ko ang ginagawa ko. Bumili lang kami ng footlong.

Me: You can bring your phone for texting me.

Georgina: Naka charge po.

Me: Okay! Hindi mo naman kasi agad sinabi eh.

Gusto ko pa sana siyang kagalitan pero baka mahalata na ako. Siguro naman wala silang kasamang lalaki.

Georgina: Minsan nga wag mo akong itetext na ayaw mo sa pinsan ko. Hiniheram niya tong phone ko minsan baka mabasa niya text mo.

Me: Set your password! Okay okay. I'm sorry, I'm just protecting you.

Georgina: I know naman eh. Pero magtiwala ka lang sakin.

Me: I trust you.

Georgina: From now on. Wag mo nang mababanggit ang pinsan ko ah. Baka makitext pa sakin 'yun eh. Ayokong may problema kayong dalawa ah. Okay?

Me: Okay! Love you.

Pahirapan pang isend 'yung huling text ko. Naggui-guilty na kasi ako. Baka isipin niya tomboy ako. Iwasan pa niya ako diba?

Georgina: Love you too. Thanks for protecting me. Alam ko naman na concerned ka.

Me: Gusto ko kasi, nasa akin lang ang atensyon mo.

Georgina: Ikaw talaga.

Text text pa kami then nag sleep na ako.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon