Georgina's POV
"Ano ang ginawa mo sa bahay ni Lady?" Tanong agad sa'kin ni Mommy pagka-uwi ko.
"Mommy, ano pa ba ang gagawin ko sa kanila?"
"Nakakulong daw kayo sa kwarto maghapon?"
"Maghapon? We just went shopping and watching movie."
"Bakit mo tinatanggi ang tanong ko?"
"Hindi naman kasi talaga kami maghapon na nakakulong sa kwarto niya."
"Magkasama na kayo Lunes hanggang Biyernes 'di ba? Bakit kailangan pang pati Sabado?"
"Nagpaalam ako sa'yo ng ayos? Mommy naman."
"Nakausap ko ang Mommy niya. Ang Anak daw niya ay may pagkatibo."
Napatigil ako. "Hindi totoo 'yan Mommy. May manliligaw si Lady." Medyo bumagsak ang boses ko.
"Manliligaw, oo Pero walang boyfriend."
"Dahil hindi pa niya sinasagot."
"Tinawagan ako ng Mommy ni Lady ngayon-ngayon lang. She said na layuan mo na ang Anak niya."
Umiling ako ako at kinabahan. "Hindi ako naniniwala!"
"Ayaw mong maniwala? Tatawagan ko ang Mommy niya ngayon din at ikaw na ang kumausap sa kaniya para maging malinaw. Ayoko nang sinasabihan ako ng ganun!"
Nagdabog ako at pumasok sa kwarto.
"Hey, Georgina! Come back!"
"Ayokong iwasan si Lady!"
Nasa loob na ako ng kwarto. Naiinis ako kay Mommy. Nagpapaniwala yata sa chismis.
"Lumabas ka dito, hindi pa tayo tapos!"
"Wala akong iiwasan."
"Subukan mo lang na gumawa ng kalokohan. Malaman ko lang na totoo ang balita na 'yan. Malalagot ka sa'kin ah. Tandaan mo 'yan."
Umalis na si Mommy. Nakakainis. Tinawagan ko si Lady pero hindi niya sinagot, nagtext lang siya.
Lady: Nagsumbong ang pinsan ko hon. What should we do now?
Napapikit ako. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito. Kung sana hinayaan lang nila kami wala sanang problema. May mga tao talaga na masaya kapag nakakakita sila ng tao na namomoblema. Naiinis ako at hindi ko alam ang irereply ko.
Me: Basta wag kang aamin.
Lady: Ayokong magkahiwalay tayo hon.
Me: Kahit ako hon. Kaya kahit anong mangyari, wag na wag kang aamin ah.
Lady: Si Joanna ang nagsumbong sa pinsan ko eh
Me: Sabi ko na nga ba eh. May gagawin na hindi maganda yang Joanna na yan
Hindi na siya nagreply.
Pano na 'yan? Kailangan naming mag-usap. Ano na kaya ang mangyari sa kaniya?
May text.
Tita: Pansamantala layuan mo muna si Lady ah. Importante lang.
Totoo nga ang sinabi ni Mommy. Ano kaya ang irereply ko? Patong patong na. Tumulo na ang luha ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala si Lady.
Me: Wala po kaming ginagawang masama. Please po. Wag niyo na kaming pagbawalan
Tita: Basta layuan mo si Lady. Ginugulo mo ang isip niya. Pasensya ka na pero pansamantala lang naman