16. Not Over Yet

2.7K 65 4
                                    

Georgina's POV

I missed Lady so much. Hindi ko man lang siya nakausap. Ang sabi niya kailangan niyang sundin ang Mommy niya.

Pero at last may text.

Unknown: Lady to! Makakatakas ka ba ngayon diyan? Magkita tayo

Kasama ko ang pinsan ko na nakipagkita kay Lady. Hindi kasi ako papayagan na walang kasama.

Nagyakap agad kami ng magkita. Sobrang namiss ko talaga siya. Kasama niya 'yung lalaking tropa niya na kakilala din ng Mommy niya kaya kinasabwat niya. Iniwan muna nila kami para makapag-usap.

"Hindi kami aalis, George. Dito parin ako magcocollege, sinabi lang ni Mommy 'yun pero ang totoo... dun ako titira sa Lola ko." Natuwa ako sa binalita niya.

"Salamat naman. So pwede pa pala tayong magkita?"

"Oo, madalang nga lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Maghintay ka lang kapag nakatapos tayo. Hindi na nila tayo kayang manduhan."

"I want you, Lady. I really miss you." Niyakap ko siya. Hindi ako makakapaghintay ng matagal. Gusto ko siyang makasama araw araw.

"Basta, kailangan lang na walang makahalata. Tiis tiis muna hangga't makuha natin ang tiwala nila. Para dumating 'yung oras na maging maluwag sila."

"Sige, handa akong maghintay, Lady. Basta sa pasukan, hindi pwedeng hindi tayo magkikita."

"Sa bakasyon lilipat na ako sa Lola ko."

"Pwede ba tayong magkita paminsan minsan?"

"Oo basta ingat lang. Isama mo 'yang pinsan mo na 'yan. Sabihin mo sa kaniya na kausapin ang Mommy mo?"

"Paano?"

"Kunyari siya ang magbabantay sa'yo pero siya pala ang kasabwat mo. Makiusap ka sa pinsan mo." I know pareho kami ng nararamdaman. Gusto din niya akong makasama.

Pagtapos namin mag usap ay namiss ko na naman siya. Bitin na bitin ang pagkikita namin. Natatakot ako para kay Lady dahil gusto ng Mommy niya na iwanan niya ang pagkatibo. Oo alam kong masama ang magpakatibo nung una. Pero ngayon dahil kay Lady na mahal na mahal ko, natatakot ako na hindi siya sumaya nang panghabang buhay. Kung hindi rin lang niya kayang iwan ang pagkatibo niya. Maigi nang sa'kin siya, ayokong mapunta siya sa iba. Ano ba ang gagawin ko kung maiwan niya ang pagkatibo niya? Gusto ko din ba 'yun? Hindi pa kasi nangyayari kaya hindi ko alam ang kahihinatnan. Ang alam ko ngayon—mahal ko siya bilang isang lalake. I don't wanna have a boyfriend. Si Lady ang first love ko. Hindi ko maimagine na magmahal siya ng ibang babae pero ano nga kaya mangyayari pag nagmahal siya ng lalake?

Magseselos kaya ako? I can't imagine kaya hindi ko alam. I think nahihirapan si Lady. I think she really doesn't know what exactly to do. Dama ko na mahal niya ako. Ayokong maging malungkot siya.

Dumating ang araw ng pasukan.

1 month din kaming hindi nagkita. Ito na ang hinihintay ko dahil we can do whatever we have wanted privately. Pangako niya sa'kin 'yun. We found ourself naked. Ito na nga 'yung hindi mo kayang magmahal kung hindi mo kayang makipagsex.

"I'm so very happy, atlast, nakasama kita ng tayo lang." Bulong ko.

"This isn't often. Hindi pwedeng lagi tayong nandito sa bahay na 'to para hindi tayo mahuli agad."

Nandito lang kami sa bahay ng kakilala. Once a week kami magkikita. Walang problema sa tropa niya dahil open talaga ang house nito. Masaya ako dahil akala ko maghihiwalay na kami ni Lady, hindi pa pala. Akala ko katapusan na ng relasyon namin.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon