14. It Must Be A Secret

3.6K 71 11
                                    

Lady's POV

Ilang buwan na ang lumipas mula nang maging kami ni George. Akala ko hindi mangyayari kaya masaya naman ako sa takbo ng relasyon namin. Hindi halata ng lahat dahil sa sobrang guilty ko kay Mommy—nagawa kong sundin ang lahat ng sinabi niya. Sinuot ko ang lahat ng binili niyang damit. Isa sa dahilan kaya ko ginawa 'yun—para walang makahalata na kami na ni George. Ang hindi ko lang talaga magawa ay ang magboyfriend. Malaya naming nagagawa ang gusto namin. Lagi kaming magkasama. Gaya ngayon na nasa kwarto kami.

"Hon! Ano ba? Hindi ka pa ba tapos magtext?" Tanong ko pero hindi naman ako nakatingin sa kaniya. Busy kasi siya kakatext.

"Wait lang. 'Yung cousin ko kasi eh. May manliligaw na tibo."

"Ganun?"

"Oo! Eh kasi nag advice ako sa kaniya na walang masama sa ginagawa niya."

"Alam mo, hon. Alam ko naman na masama din ang pumatol sa'min."

"Pero may damdamin din kayo."

"Ang akin lang, huwag ka na sanang maki-alam kung ganiyan na ang sitwasyon niya. Panahon naman ang makakapagsabi ng lahat."

"Paanong hindi makiki-alam? Humihingi nga sa'kin ng advice."

"Pwedeng magmahal ng tomboy pero huwag kang mang-imluwensya. Nasa tao 'yan at wala sa impluwensya lang. Parang gusto mo pang makipagrelasyon siya sa murang edad niya. Hayaan mo na siya. May sarili na siyang isip."

"Lady, mahal kita, para sa'kin hindi masama ang ginawa ko."

"Alam ko, minsan iniisip ko, bakit ba naging ganito ako? Bakit hindi na lang ako naging normal na lalake? Sabi ni Mommy kasalanan daw ang maging bisexual. Ang labo 'di ba?"

"Hindi tayo perpekto, Lady. Mahirap labanan ang tukso. Hindi habang buhay nag-iisa ka. Lahat ng tao may karapatang lumigaya. Kailangan mo ng taong magmamahal sa'yo at ako 'yun. Lahat tayo pwedeng maging masama hindi lang ang bisexual."

"I love you, hon." Nginitian ko lang siya. Maigi 'yung may nagmamahal sa akin para hindi ako lamunin ng paniniwala ko na paniniwala ng nakararami.

"I love you too, hon."

"Thanks."

"I even enjoyed what we are. I even love you. You don't have to thank me. We're even. Hindi lang ikaw ang masaya ngayon. Tayong dalawa."

"Sige na magbihis ka na. Baka mahuli pa tayo ni Mommy." Almost naked kasi siya.

She kissed me bago siya magbihis. Sana hindi na matapos 'to. Natatakot pero ang iniisip ko—ngayon at hindi ang mangyayari sa hinaharap.

-

Georgina's POV

Naglalakad kami ni Lady nang masalubong kami ng pinsan niya. Lumayo sila at nag-usap. Parang nagtatalo sila pero hindi ko na lang pinansin dahil madalas naman silang magtalo.

Nang matapos sila—tinanong ko siya.

"Bakit na naman? May problema ba kayo?"

"Wala, naiinis lang ako." Kung close kami ng pinsan ko. Baliktad naman sila ng pinsan niya.

Hindi na kami laging magkadikit kaya malaya kong nakakasama ang ibang classmates ko. Hindi na namin problema si Joanna pero this time kinausap niya ako nang sarilinan at hindi alam ni Lady ito.

"Hindi pala alam sa kanila na tomboy si Lady." Sabi niya.

"Hindi siya tomboy."

"Hindi ako naniniwala."

"Nakita mo naman ang porma at kilos niya 'di ba?" Tinanggi ko talaga dahil magkakaproblema sa part na 'yun.

"Iba siya maglakad."

"Huwag mo nang paniwalain ang sarili mo, Joanna dahil mag-iisip ka lang ng mag-iisip. Masama sa kalusugan 'yan. Napatunayan kong mali ang sinabi mo kaya hindi na ako magpapadala sa'yo." Tinignan ko siya ng diretso.

"You made a reverse psychology. I knew it, you did it for your secret. Come on, George, ako ang hindi mo maloloko." Napabuntong hininga ako.

"Alam mo, Joanna, TH ka lang talaga."

Iniwan ko siya dahil napikon ako. Alam niya ang sikreto namin pero kailangang hindi ipahalata. Kailangang manahimik siya. Bawal sa amin ang ginawa ko. Bawal din kila Lady na mag girlfriend siya. Boyfriend pa pwede. Ang hirap ng sitwasyon namin pero masaya dahil wala pa namang nakakahalata.

Uwian at hinatid ako ni Lady.

"May sasabihin ako, hon." Napatingin ako ng seryoso at kinutuban sa tono ng salita niya.

"A-ano 'yun?"

"Alam na ng pinsan ko na may girlfriend ako."

"Huh? Alam ba niya na ako 'yun?"

"Hindi siya sure pero ikaw ang suspect niya. May nagsabi lang sa kaniya."

"Itanggi mo. Hindi tayo pwedeng mabuking. Lagot ako sa Mommy natin."

"Of course. Lagot tayo pag umamin ako."

"Baka si Joanna ang nagsabi?"

"Akala ko wala nang problema sa kaniya?"

"Alam niya na nagkukunwari lang tayo. Sinabi niya sa'kin kanina."

"What? What was your answer?"

"As usual. Tinanggi ko."

Hindi na niya ako hinatid sa mismong bahay namin. Kailangan naming mag-ingat, kung hindi...

Tapos ang maliligayang araw namin.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon