17. Same Sex Attraction

2.8K 64 11
                                    

Dedicate ko 'to kay SachicoNao. Ang gusto niya sa story ko yung Like A Frog. Labyu, and thanks sa reads.

Georgina's POV

Tumagal ang relasyon namin ni Lady ng isang taon pa. Isang taon mula noon, once a week kaming nagkikita. Parang katumbas lang ng wala pang dalawang buwan. Napapansin ko na hindi na siya ganun ka sabik sa akin, hindi na siya ganun ka sabik yakapin ako at lalong hindi na siya ganun kasabik sa presensya ko. Nasanay na ako kaya medyo nakakapanibago si Lady o talagang hindi siya nagbago kundi ako? Hindi ako mahilig sa mga babae at naaattract ako sa lalake pero one time nagkita kami ni Joanna sa isang mall.

"Kamusta,George?!" Nabigla ko kasi halos wala siyang pinagbago bukod sa outfit niya na mas lalong naging sexy.

"Oh it's you, Joanna."

Mature na kami at nakalimutan na namin ang samaan ng loob nung high school life namin tsaka hindi ako ganun kasama para magtanim ng galit sa isang ginawan ka noon ng kasalanan. Nabigla ako kaya mas nanaig ang pagiging mabait ko.

"Wala na akong balita sa'yo ah." Niyakap niya ako. It's been over a year.

"Okay lang naman ako." Kami pa ni Lady.

"Musta lovelife?" Nakangiti lang siya sa'kin.

"I'm really happy with my love life actually. Eh ikaw?"

"Single!" Masigla ang pagkakasagot niya. Proud siyang single and mukhang masaya siya sa buhay niya.

Napansin ko 'yung boobs niya. Nag-improve ito dahil siguro sa lumipas na panahon. Sexy siya manamit kaya humanga ako sa kaniya noon pa. Sa isang iglap. Nawala ang lahat ng sama ng loob ko sa kaniya dahil nanaig ang paghanga ko sa katawan niyang sexy. Naalala ko tuloy si Lady dahil sa kaniya.

"Hoy!!" Sabi niya dahil kanina pa pala ako nakatingin sa cleavage niya.

Nagulat ako at kunyari may tinignan ako sa bag ko. Hinawakan niya ang baba ko at sinipat ang mukha ko. Bakit na-stun ako? Nakatingin ako sa kaniya at ang titig niya sa'kin-parang may meaning. Hanggang sa inalis ko ang kamay niya pero nakangiti parin siya sa'kin. Hinawakan niya ang braso ko at niyaya niya ako. Naka school uniform pa kasi ako kaya alam niyang free time ko dahil obviously uwian na.

"Sama ka sa'kin, George." Yaya pa niya.

Oh my! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? Bakit sex agad ang nasa isip ko nung niyaya ako ni Joanna? Bakit gusto ng utak ko namaranasang makipag sex sa ibang babae na katulad ni Joanna? Dahil siguro naalala ko si Lady.

"Ma-may lakad pa ako eh." Sagot ko sabay alis.

Ayokong magtaksil kay Lady. Mahal ko siya at ayoko sa iba, siya lang ang mahal ko kaya ayaw ko siyang saktan. Nag Cr ako sa Mall at naghilamos. Tumingin ako sa mga babaing nasa paligid ko. Ang sesexy nila, bakit humahanga ko sa kanila samantalang dati naman ay hindi. Noon feeling ko mas sexy ako sa kanila pero bakit ngayon gusto ko silang hubaran sa tingin.

Nagmamadali akong umuwi. Kailangan kong itext si Lady. Makikipagkita ako sa kaniya. Biglang nabitawan ko ang phone ko dahil may naalala ako kanina. Nahulog ang phone ko sa sahig ng kwarto ko tapos hindi ko agad pinulot. Nanginginig ako.

Biglang pumasok ang pinsan ko sa kwarto. "Hey couz, what are you doing? 'Yung phone mo." Pinulot niya ang phone ko.

Nabigla ako sa nakita ko kasi yumuko siya at hindi niya tinakpan ang dibdib niya. Nakita ko ang boobs niya. Tumakbo ang sa toilet dahil naninibago ako sa sarili ko. Ang akala ko babae ako dahil lalake ang tingin ko sa magandang si Lady? Ano ang nangyayari sa'kin? Hinawakan ko ang katawan ko hanggang sa dibdib ko, pinisil pisil ko ang boobs ko pero ang laman ng isip ko--si Joanna?!

Bakit?!!

Lumabas ako sa toilet at nakita ko ang pinsan ko na nakaupo sa kama.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo couz? Bakit parang balisa ka?"

Tumingin ako sa kaniya na gulat na gulat. Nakahiga siya sa kama ko at suot ang maiksing maiksi na shorts na usually niyang gamit kapag nasa bahay lang siya at dito ang punta. "Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin couz? Para kang si Rodora!"

Humiga ako sa kama. "Lumabas ka muna sa kwarto ko, please!"

"Hay naku, couz. Tinotopak ka na naman."

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang mga picture ng mga lalake na nakasave sa gallery. Pogi parin sila. Attracted parin ako sa kanila. Oh my god. Kinabahan ako sa nangyari. Akala ko magiging lesbian ako. Hindi ako makapaniwala sa imagination ko. Bakit naa-attract ako sa mga sexy na babae?

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon