Gorgina's POV
Nasa bahay ako ng nag-iisip. Nagtataka lang ako, bakit kaya biglang nawala ang sweetness niya? Dati dati gusto niya akong laging hinahatid. Maigi nga 'yun pero ano kaya ang dahilan?
May nagtext.
Joanna: Nagtetext ba sayo si Lady?
Me: Hindi, bakit?
Joanna: Katext ko siya ngayon.
Oh god! Kung totoong tomboy si Lady at katext niya si Joanna malamang na-in love siya pero kung hindi siya tomboy, baka ipagpalit naman niya ako. Kailangan kong mapaamin si Lady para malaman ko kung saan ako lulugar. Paano nga pala kung hindi na niya mabigay sa'kin 'yung dati niyang binibigay na atensyon? Pero kung totoong tomboy siya, in love kaya siya sa'kin?
Hindi pwedeng maging kami ni Lady. Ayoko! Masyadong komplikado.
Tinext ko na lang ang Mommy niya.
Me: Hi Tita! Pwede po magtanong.
Tita: Sige iha ano un?
Me: Bakit po gusto niyong mag boyfriend si Lady?
Tita: Ganito kasi yan. Kaya Lady ang pinangalan ko sa kaniya para girl na girl. Kaso ang Daddy niya puro pang lalaking gamit ang binili sa kaniya dahil lalake ang gusto ng asawa ko na maging Anak namin.
Me: Ganun po ba?
Oh my god! May posibilidad na tomboy nga si Lady.
Tita: Nagkasakit ang Daddy niya kaya hinayaan kong gawin niya ang gusto niya kay Lady. 10 years old si Lady nung namatay ang Daddy niya.
Me: Ah pasensya na po. Naalala niyo pa tuloy.
Tita: Okay lang. Gusto kong maging babae si Lady kaya binihisan ko siya ng pang babae. Ang pinagtataka ko lang, puro lalake ang gusto niyang kalaro.
Me: Kaya pala parang gamay na gamay niya ang mga lalake. Alam na alam niya ang takbo ng utak nila.
Tita: Oo kaya lagi ko siyang pinapagalitan. Gusto kong mga babae ang kasama niya, kaya gusto ko siyang magboyfriend para mapatunayan ang tunay niyang katauhan. Ayokong maging lesbian siya.
Me: Pero babaing babae ang ayos niya sa school at maraming manliligaw.
Tita: Tama ka, maganda kasi siya. Wala akong magiging Apo pag naging tomboy siya. Tulungan mo ako.
Me: Sige po, try ko.
Tita: Kailangan natin siyang hikayatin na magboyfriend.
Ano kaya ang gagawin ko? Paniniwala ko kasi pag bakla or tomboy ang isang tao--hindi na kaya pang baguhin 'yon. Sana nga hindi totoong tomboy si Lady.
Nagtext ako sa kaniya.
Me: Hei
Lady: Kamusta?
Me: Bakit hindi ka nagtetext?
Lady: Huh? Hinintay ko nalang na itext mo ako para hindi ka maistorbo.
Grabe siya magreply. Para siyang lalake. Kung hindi ako nag-iisip na tomboy siya malamang dededmahin ko lang 'yun.
Me: hindi kaya may iba kang katext?
Lady: Wala akong katext na lalake.
Katext nga niya si Joanna. Hindi ko na pinaalam na alam kong katext niya si Joanna hanggang sa humaba pa ang text namin.
Me: Goodnight na, may pasok pa bukas.
Lady: Okay! Goodnight.
Me: Walang "I love you?"
Lady: Love you.
Me: Love you too.
Bakit ba nag-iisip ako na tomboy siya pero gusto ko parin na mag 'I love you.' Siya? Baka nasanay lang talaga ako. Lagot ako nito pag totoong tomboy nga siya dahil hindi malayong in love siya sa'kin. But may chance na malipat ito kay Joanna.