18. Her Weakness

2.9K 62 1
                                    

Georgina's POV

"Hon, gaano mo ako kamahal?" Tanong ni Lady. Magkasama kami ngayon sa isang kwarto at magkayakap.

"Habang buhay tayong magsasama, handa akong mahalin ka hangga't gusto ko." Napasulyap ako sa kaniya.

"You don't need to sacrifice your real happiness."

"That was you!"

"I have a story to tell."

"Sige, makikinig ako diyan."

"Listen."

"Okay."

"May isang lalake na naging bakla dahil sa kakapatol niya sa bakla. Nakarma siya dahil malakas siyang mang lait ng bakla, pero nung time na kailangang kailangan niya ng pera ay pumatol siya sa bakla. Nagustuhan niya dahil tamad siya. Instant pera nga naman pag nakipag sex ka sa bakla. Isang oras lang or less. May 500 pesos na siya. Ang hindi niya alam. Nasanay na ang katawan niya. Kaya naging bakla siya."

"Totoo 'yun?!"

"Pwedeng Fiction lang pero makatotohanan dahil hindi lang iisang tao ang nakapagpatunay na may mga ganung pangyayari."

"Ah, okay." Kaya ba parang gusto ko nang pumatol sa ibang babae? Kaya ba ganun kasi nasanay na din ang katawan ko sa babae?

"Naniniwala ka ba sa'kin?"

"Basta, hon. Ayokong papatol ka sa iba at ganun din ako. I'll always be faithful."

"Alam mo ba, hon na malungkot ang walang Anak? Walang pamilya at asawa. Minsan naisip ko, paano nga ba magkaroon ng polidong pamilya na hindi kikwestyunin ng iba?"

"Mahal kita kaya handa kong isakripisyo 'yan. Pwede tayong mag ampon. Sa ngayon very common na ang ganitong relasyon kaya wala ni isang kukwestyon sa atin." Kinakabahan ako sa bawat buka ng bibig niya. Noong una medyo nanlamig siya. Ngayon naman ganito pa ang mga sinasabi niya.

"Nakakatawa ka, hon." Umiling pa siya.

"Bakit?"

"Alam mo ba na maraming gustong mag-anak pero hindi sila nabibiyayaan. Tapos ikaw pwedeng pwede ka, ayaw mo naman. I know gusto mo din pero nabulag ka sa pagmamahal mo sa akin."

"Dahil ikaw lang ang gusto ko. Don't you ever take love as blind. Hindi sa lahat ng oras bulag ang pag-ibig. Sa nakikita ko, totoong masaya ako sa'yo. Hindi ko kailan man tatakpan ang mga mata ko kung sariling kaligayahan ko na ang nakataya."

"Pa'no pag gusto ko din palang magkaanak?" It is just a simple question that I don't want to hear. Kinabahan ako.

"What do you mean by that? Magpapabuntis ka o mag-aampon?"

"Pwede naman na magkaroon ng sariling anak na sariling dugo. Sariling anak ang gusto ko."

Hindi ako nakapagsalita agad. Parang sumakit ang dibdib ko sa narinig ko. Parang gusto niya talagang magpabuntis sa lalaki. Hindi ako papayag.

"Lady? Paano na ako pag nagpabuntis ka? Hindi ka babae, Lady."

"Pero ayon sa kwento ko, may pag-asang maging bakla ang isang lalake. Very accurate ang kwento."

"Tumigil ka, Lady."

"I was kidding." Nakita niyang masama na ang pagkakatitig ko sa kaniya.

Tumawa siya pero parang may ibig sabihin siya sa sinabi niya. Ang Mommy niya. Alam kong mahal na mahal niya ang Mommy niya. Sabi niya sa'kin na ayaw niyang umiiyak ang Mommy niya kaya baka balak na niya itong sundin na bigyan ng Apo. Hindi kaya ang Mommy niya ang kahinaan niya?

Papaano na ako?

Niyakap ko siyang maigi. Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko ang sinabi ni Lady. Maaring totoo dahil miski ako ay duda na sa sarili ko. May classmate akong babae na gustong gusto ko lalo na ang katawan niya. Dahil loyal ako kay Lady--hindi ko magawang patulan kahit sinabi niya sa'kin na pumapatol siya sa kapwa babae. Kinukutuban ako sa mangyayari. Paano kung pilitin ni Lady na magpaanak at maging babae siya? May posibilidad parin na magkita kami. Kaso sinaktan niya ako. Handa akong mabuhay ng walang Anak para sa kaniya sana ganun din siya. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.

Isang araw, hindi pa dapat kami magkikita ni Lady pero nakipag kita siya sa'kin sa isang mall. Nagtaka ako dahil parang may iba siyang sasabihin.

"Kaya ako nakipag kita ay dahil may ipagtatapat ako sa'yo." Seryoso siya this time. Lumakas ang kaba ko. Huwag naman sana.

"Ano 'yun, hon?"

Umiling iling siya bago magsalita.

"Huwag mo na akong tawaging hon."

Oh my! Nakikipag break na ba siya sa'kin?

"Ba-bakit?"

"I have a boyfriend."

Lumakas lalo ang kaba sa dibdib ko dahil tama nga ang hinala ko. Magpapakababae na si Lady.

"Pano na ako, Lady?"

"Bata pa tayo, George. Kailangan nating mabuhay ng normal. Huwag mong saktan ang Mommy mo."

"Akala ko napag-usapan na natin 'to?!"

"I have to go." Niyakap ko siya nang tumalikod siya.

"Akala ko hindi mo ako kayang saktan?"

"Kailangan, George. Hindi pa huli ang lahat sa'yo. Magpaka babae ka hangga't kaya mo pa."

Umalis siya pero nagsalita pa ako. "Hindi pa tayo tapos Lady!"

Tumigil lang siya saglit at umalis na. Iyak ako ng iyak sa bahay dahil sobrang sakit ng ginawa niya. Text ako ng text pero nagpalit na siya ng number. Hanggang kailan ko kaya 'to kakayanin? Hindi ganun kadali ang sinasabi niya. May pag-asa pa kami alam ko. Sana naman huwag niya na akong intindihin. Sana maniwala siyang magiging maayos kami.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon