Dedicate ko kay Sentouki. Tropa, salamat sa read ah. Try to visit his stories, maganda siya gumawa. 'Yun lang.
Georgina's POV
Nasa loob kami ng room at busy sila sa kakapanood sa classmate naming nagdadrawing. Wala naman kaming Teacher.
Lumapit sa'kin si Joanna.
"George, I think you and Lady had a secret." Bulong niya.
"Huh? We hadn't have any secret. Kung meron man, secret nga 'di ba?"
"I know what was the secret."
"What are you talking about? Sure ka bang ako talaga ang kausap mo?"
"Huwag ka nang mag maang-maangan na wala nga. Halata ko kayo."
"Eh ano nga ba kasi 'yun?"
Seryoso kaya siya? Wala talaga akong idea sa sinasabi niya pero kinutuban ako. Baka nasabi sa kaniya ni Lady 'yung about sa Mommy niya na gusto siyang magboyfriend.
"Kayo na no?" Nashock ako.
"What? She's my bestfriend. We're both same gender. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Walang tomboy sa amin." Naguilty akong bigla. Ngayon lang ako nagtaka kung bakit gusto siyang magboyfriend ng Mommy niya. Huwag naman sana.
Nakatingin lang kami kay Lady na nakatalikod sa amin kasama ang iba pa naming classmates na nanonood sa pag dadrawing.
"Hindi nga?" Tinabig pa niya ako sa balikat.
"Nakakaloko ka na ah."
"George, alam ko na ang sikreto niyang si Lady. Mabuti pa umamin ka na."
"Wala akong aaminin. Pwede ba Joanna, 'wag mo akong asarin." Sumandal ako sa pader na parang walang narinig.
"Hindi kita inaasar. Akala ko may tinatago kayo ni Lady."
"I don't understand what you're talking about. Wala kaming sikreto at kung ano man 'yang chismis na 'yan. Tigilan mo na."
"Wala ka pala talagang alam."
"Ano ba?!" Malapit na akong mapikon.
"Sweet ba siya sa'yo?"
"We're all know na sweet talaga siya 'di ba?"
"Hinahalikan ka niya?"
"Joanna, 'wag mo na akong kausapin please."
Nakakatunog na ako sa ibig sabihin ni Joanna. Hindi ako tanga para hindi malaman ang pinupunto niya. Natural lang sa isang babae ang pagkamalang tomboy pero napatunayan ko naman na karamihan sa babaing napagkakamalang tomboy--hindi totoo. Tamang hinala lang talaga lagi ang mga tao. Baka pati ang Mommy niya.
"Wala ka talaga alam sa katauhan ni Lady?"
"Kung ano man yang nasa-isip mo Joanna. That's definitely not true." Ako ang nakakakilala kay Lady at hindi siya.
"Oh my god George. Wala ka ngang alam."
"Hindi ako naniniwala sa'yo."
"Hindi ka naniniwala na lesbian 'yang bestfriend mo."
"Hindi totoo 'yan!"
"Papatunayan ko sa'yo manood ka."
-
Lady's POV
Galing niya magdrawing ah. Magpapadrawing ako sa kaniya, gagamitin ko ang ganda ko. Biglang naramdaman ko si Joanna sa tabi ko.
"Hi Lady!" Bulong niya. Humarap ako.
"Hi."
"Inakbayan niya ako."
Sabi ko na nga ba alam niya 'yung ginawa ko sa kaniya tsaka parang gusto niya ako.
Gumanti ako ng akbay at sa bewang niya ako umakbay. Iba ang pakiramdam ko ngayon kay Joanna. Parang game talaga siya sa katulad ko. Hindi kaya alam na niya na tibo ako? Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at pinisil bahagya ang ilong ko.
What's her doing? Hindi gawain ng isang girl ang ganun? Maaaring alam na nga niya ang katauhan ko kaya nahuhuli niya ang kiliti ko. Walang makakahalata dahil very common sa mga babae ang sweet, hindi naman ako mukhang tibo kaya walang maghihinala na may malisya ang ginagawa namin ni Joanna. Sinulyapan ko si George. Nakayuko lang siya at hindi nakatingin sa'min.
Nakangiti parin sa'kin si Joanna.
"I like the way you kissed me last night." She whispered.
"Joanna."
Pinisil niya ang pisngi ko then nag smack siya sa cheek ko sabay alis. Hinabol ko siya ng tingin at napansin ko na papunta siya kay George tapos umalis si George.
"Saan ka pupunta?!" Tanong ko kay George.
"Cr lang."
Hinayaan ko na siya. Pinapanood ko pa mag drawing classmate ko. Advantage din pala 'pag ang pagkakaalam nila girl ako. Dahil nakakalapit at nahahawakan ko ang ibang classmates kong babae na para sa kanila--walang malisya.
-
Georgina's POV
No! It couldn't be. Hindi siya tomboy! Ang daming nag flashback sa isip ko mula nang una ko siyang nakilala. Nasa Cr ako ngayon at napahilamos ako sa nakita ko. Buti at hindi nahalata ni Lady na nakamasid ako sa kanila ni Joanna kanina. Parang lalake at babae sila, grabe kung hindi ko iisipin na tibo nga si Lady baka dedmahin ko lang sila gaya nang pagdedma ng ibang classmates namin.
Naalala ko 'yung mga tingin niya sa'kin nung first encounter namin kaya siya nadapa. Biniro niya pa ako na ang ganda ko daw kaya nadapa siya. Bumalik sa isip ko 'yung mga "I love you." niya sa text. Bumalik sa isip ko 'yung mga sandaling kasama ko siya sa kwarto ko na magkayakap kami.
Hindi ko naman kasi inisip na tibo siya kaya okay lang. Bumalik sa isip ko 'yung pagkakaakbay niya sakin minsan. Hindi ko naisip na tibo siya kaya okay lang kahit minsan nakaakbay siya sa'kin. Bumalik sa isip ko 'yung text niya sa'kin kagabi dahil lasing siya. Gusto niya akong pumunta sa inuman.
Bumalik sa isip ko ang...
Pano nalaman ni Joanna na tomboy si Lady? Hindi ako makapaniwala na baka may ibang nangyari kagabi.
HINDI AKO NANINIWALA NA TOMBOY SI LADY. AYOKO! AYOKO! AYOKO!
Pagbalik ko sa room ay nakita ko si Lady na nakikipag usap sa mga babae at panay ang hawak niya sa kamay ni Erich. 'Yung hot na classmate namin.
Sinalubong ako ni Joanna.
"George, naniniwala ka na?"
"Hindi!"
"Tignan mo siya."
Iniwan ko si Joanna dahil ayokong maniwala sa kaniya. Baka tamang hinala lang siya. Kung sakali kasi na totoong tomboy si Lady--baka iwasan ko na siya. May malisya na kasi bawat dikit niya sa'kin. May isa pang bumalik sa isip ko kaya baka totoong tibo nga si Lady.
Ayaw niyang mag boyfriend.
Kailangan kong makausap ang Mommy niya para malaman kung bakit siya nito pinagtutulakang mag boyfriend.