Dedicate ko 'to kay iLoveNinjaMoves. Mahilig siya sa Romance. To be fair, magaling siya gumawa ng story at may aral kang mapupulot kada story na mababasa mo sa kaniya. Tropa ko 'yan dito. Nagbabasa din siya ng stories ko.
Game!
-
Lady's POV
Dumating sa buhay ko si CJ. Isang lalaking gwapo na nireto ni Mommy para sa'kin. Nung una ayoko sa kaniya dahil mahal ko si George pero maraming nag advice sa'kin na kaya ko pa palang pigilan ang sarili ko alang ala sa totoong kaligayahan ko. Oo tomboy ako pero mas magiging maligaya daw ako kung mabubuhay ako ng normal. Nag kwento ako kay George ng isang kwento tungkol sa lalake na naging bakla para magpahiwatig sa kaniya. Nag advice kasi sila sa'kin na hindi lang daw ang sariling pamilya ko ang binago ko. Pati daw ang pamilya ng babaing iibig sa'kin. At si George nga siya. Doon ako nag-alala. Hindi pa napapanahon para umibig siya sa katulad ko.
Nung una naguguluhan ako pero unti unti kong naintindihan ang tunay na kahulugan ng ligaya. Pumayag akong makipag boyfriend at si Cj nga siya. Maasikaso siya sa'kin at unti unti niya akong minahal. Nadama ko na mahal na niya ako nung tumagal na nang ilang buwan ang panliligaw niya sa'kin. Tuwang tuwa si Mommy sa ginawa ko kaya hindi lang siya ang naging masaya sa ginawa ko.
Pati ako siguro.
Dahil sa kwento na naging bakla ang isang lalake--lumakas ang loob ko na pwede pa akong maging babae. Kailangan naming magkita ni George dahil inamin ko man sa kaniya na may boyfriend na ako.
Kailangan kong aminin na buntis ako hindi pa man ako tapos ng college. Ginawa ko ito alang-ala sa kaniya. Ayokong mabuhay siya sa piling ko.
So, niyakap niya agad ako. Nasa kwarto kami this time dahil ayokong sa mall kami mag usap. Baka kung ano ang gawin niya. Wala akong balak pang makipag usap sa kaniya ng matagal pero hinahalikan niya ako. I even like her doing but kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Kailangan ko siyang saktan.
"Bakit ba, Lady? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi dito natatapos ang lahat."
"Ito na ang huli nating pagkikita."
Umiyak siya at yumuko. Lumuhod siya sa'kin.
"Lady! Mahal na mahal kita."
Habang nakaluhod siya-nakayakap siya sa bewang ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Mahal kita, George. Kasalanan ko ang lahat kaya tayo nagkaganito kaya ililigtas kita. Ayokong mabago ang takbo ng buhay mo."
"Hindi masisira ang buhay ko. How can I be strong? How can I continue my life without you?!"
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin George. Iniba ko ang mangyayari sa hinaharap. Kailangan kong ayusin 'to. Hindi ito ang kasagutan sa kaligayahan mo."
"Lady!" Umiiyak na talaga siya na parang hindi mauubusan ng luha. Umiyak na din ako. Mahal ko pa pala siya. Feeling ko ang laki ng ginawa kong pagtataksil sa kaniya kaya hindi ko na kaya pang balikan siya kahit gusto ko. Ang hirap.
"Mahal kita pero kailangan mong magpakababae, George."
"Maawa ka, Lady, mahal na mahal kita."
"I'm 2 months delayed. Just a one thing and you now what it is."
Napayuko siya at kitang kita ko ang balikat niya na nagshashake sa sobrang pigil ng iyak niya. Tulo lang ng tulo ang luha niya sa sahig kaya niyakap ko siya para patahanin.
"George, you're always be my bestfriend. Babae tayo pareho."
Tulala lang siya nung naubos na ang luha niya.
-
Georgina's POV
Ilang araw din akong hindi pumasok. Dinahilan ko na may sakit ako kaya hindi na ako tinanong ni Mommy.
"George, may bisita ka." Sabi ng kasambahay.
Paglabas ko, nakita ko ang Mommy ni Lady.
"George, pwede ka bang makausap?" Nagtaka ako. Ano naman kaya ang sasabihin niya?
Hindi ako nagsasalita at umupo sa harap niya. Wala akong paki kung pagbintangan niya akong boyfriend ko ang Anak niya.
Pero iba ang sinabi biya.
"Salamat sa'yo."
Napatingin ako sa mukha niya. Hindi ako nagsasalita.
"Siguro nalilito ka. Ikaw ang dahilan kaya naging babae na ngayon si Lady. Hindi pwedeng hindi kita pasalamatan. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'yo--nagawa niyang baguhin ang buhay mo. Ayaw niyang masira ang buhay mo. Kaya maraming dalamat dahil dumating ka sa buhay niya. Patawarin mo ako kung isa ako sa dahilan kaya nasaktan ka."
Hindi parin ako nagsasalita. Ano ba ang ibig niyang sabihin. Madidismaya ba ako, magpapakabitter o matutuwa?
"Mahal ako ni Lady at isa sa nagpatibay kaya ginusto niyang sundin ako ay ikaw. Lady wants to become a lady."
Tumingin ako sa mukha niya.
"Inamin na niya sa'kin na hindi pala kayo naghiwalay. Oo dahil magkakaapo na ako sa kaniya. Nagpasalamat ako sa kaniya pero ang sabi niya--sa'yo daw ako magpasalamat dahil kung wala ka. Baka paiba iba na siya ng naging girlfriend ngayon. Walang mahal at makasarili. Nanaig ang pagmamahal niya sa'yo kaya binalak niyang hiwalayan ka. She wanted to change herself just for you. She doesn't want to change your life."
Hindi na ako masyadong nagsalita hanggang umalis na ang Mommy ni Lady. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Ilang buwan pa ang lumipas. Okay na ang pakiramdam ko pero bakit attracted ako sa babae at lalake. Sabi ng iba, bisexual daw ang tawag dun. Naalala ko si Lady. Nagawa niyang pumatol sa lalake kahit tibo siya. Ako pa kaya na bisexual? Hindi na ako nangamba sa damdamin ko kaya nung nakita ko ang picture ng baby ni Lady sa Facebook, nasaktan ako and the same time, sumaya din dahil maligaya siya.
Sinagot ko si Chaidie na gwapong manliligaw ko. Okay lang naman kay Mommy at sa wakas, nagkaboyfriend na raw ako. Miski kasi siya ay duda na sa pagkatao ko. Naisip ko na lang na lumagay sa tama. Kaysa magbigay pa ng problema. Kaya ko naman palang lumigaya nang walang problema. Bakit kailangan ko pang piliin na maligaya nga ako pero may problema namang kaagapay. Saka na-isip na mahirap lumagay sa mundo na maraming kumokontra sa'yo. Mas masayang huminga sa mundo na may kalayaan at walang guiltiness na nararamdaman. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend na may basbas ng magulang. Napakasaya.
Thank you too my Lady. You're always be my bestfriend. But I still love you.
End