Chapter 1

7.9K 182 11
                                    

Naudlot ang pagkapa ni Melanie sa kumakanta niyang cellphone. Sa kanyang direksiyon kasi bumabagsak ang bouquet na hinagis ng bride. Sinalo niya iyon agad at nadama ang pag-usok ng pisngi dahil lahat ng mga mata ay natuon sa kanya. May mga pumalakpak. May sumisipol. May umaangal dahil hindi pinalad na makuha ang bulaklak.

"Shall we add some bells?" sabi ng swabeng boses buhat sa likod niya na sinundan ng seksing tawa.

Agad siyang pumihit pero nilagpasan siya ng lalaking nagsasalita. It was Ramses Andromida. He is a walking masterpiece with his eyes reflected the blue colors of crystal balls, hypnotizing and casting spells on everyone around him including her.

Kapag tinitingnan niya ang mga mata ng lalaki, para iyong langit na babasagin. He isn't part of the bridal entourage that explains why he's still here with his other siblings. They entertained the guests while waiting for everybody to settle on the vehicles parked outside the church's walls.

Saglit itong lumingon at kinindatan siya. "Just tell me if you need a groom. I'm available."

Lalong nagbabaga ang pisngi niya sa biro nito. She shouldn't have come here all alone. Dapat pinilit niya ang kanyang boyfriend para hindi siya masyadong left out. Tuloy napagtitripan siya ng pilyong Andromida gaya ni Ramses.

Nagtungo siya sa kanyang sasakyan at doon na sinagot ang muling pagtunog ng kanyang cellphone.

"Know what? I caught the bride's bouquet," natatawang bungad niya sa boyfriend.

"Really? It could be a sign that we should settle down," masigla nitong pakli mula sa kabilang linya at sinundan pa ng malutong na halakhak.

Biro lang naman iyon at hindi kailangang seryosohin. Tatlong buwan pa lamang silang opisyal na mag-syota ni Jazer. Para sa kanya hindi maituturing na seryosong relasyon kung anong mayroon sila. Kailangan lamang niyang sumabay sa agos. Anak ito ng kasalukuyang gobernador ng probinsya ng Rio Verona. Samantalang siya naman ay hepe ng Bureau of Fire ng Tawsan. Isa sa mga lungsod ng probinsya. Sa daming pwede, siya pa ang minalas na ma-assign sa pugad ng mga kilalang gang. Rio Verona is famous for being the red light province in the country. Isang maling kilos doon ay kargamento ka nang uuwi sa tahanan mo. Kaya kapit-patalim halos lahat ng taong gusto ng katahimikan sa buhay.

Tinapos niya agad ang tawag at pinaandar ang kanyang sasakyan. Baka maiwan pa siya ng convoy patungong reception venue. Sumadsad ang preno ng Chevrolet dahil sa mariin niyang pagtapak nang parahin siya ni Ramses Andromida. Imposibleng inaabangan siya ng lalaki. Baka nagkataon lang. Agad niyang ibinaba ang salamin ng bintana.

"Can I hit a ride with you to the reception?" nakasilip nitong tanong habang ang mga daliri ay tumatambol sa bubong ng sasakyan.

Marahan siyang tumango. Nakaawang ang bibig. She unlocked the door and he hops in. His movement was like that of a Jaguar. Fast and fluid, similar to a fine stroke of pencils in a clean paper. God forgave her, but he smells ultra nicer than those men she knew. Ganito pa naman ang kahinaan niya sa isang lalaki. Bruskong mabango.

"Do you want me to drive?" He motioned the steering wheel.

Nahimasmasan siya at mabilis na umiwas ng tingin. Loading ang utak niya. Hindi tuloy niya na-kontrol ang mabilis na takbo at muntikan na silang bumangga sa sasakyang nasa unahan.

"Wooh...easy, babe!" Natawa ang lalaking mabilis na naitukod ang isang kamay sa dashboard.

"S-sorry..." she hates herself for stammering. Pero mas nag-alala siya na baka hindi na bumalik sa dating posisyon ang dila niya habang nasa tabi niya si Ramses Andromida.

"Nagmamadali ba tayo? Come on, let me handle the steering." He offered and she can't say no because she can't formulate a word anymore. It is certainly a fact that the Andromida can make any woman speechless.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon