Chapter 29

2.6K 124 3
                                    

Malawak ang ngiti ni Melanie habang kausap sa video call ang mga magulang at kapatid na nagsisiksikan sa harap ng camera. Masaya niyang ibinalita ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ipinakita pa niya sa mga ito ang result na binigay ni Lyam at ang malaking remarks na POSITIVE. Parang ginto ang salitang iyon tuwing binabasa niya. Kumikinang at ang sarap sa pakiramdam.

"Nanang, masayang-masaya ba si kuya?" Kinikilig na tanong Emily.

"Siyempre, magiging tatay na kaya siya." Tumawa siya ng malamyos. Pero ang totoo'y hindi pa niya alam kung ano talagang nararamdaman ng asawa kasi sabi ni Lyam galit na galit daw sa doctor na nagbigay ng maling impormasyon sa kanya. Baka natabunan na ng galit ang saya nito.

"Mel, kailangan mong mag-ingat. Bawas-bawasan mo na iyang kagaslawan mong kumilos. Bantayan mo rin ang mga kinakain mo. Bawal ang sobrang tamis at alat." Paalala ng nanay niya. Tango naman nang tango sa tabi nito ang tatay niya.

"Opo, 'Nay." Sinulyapan niya ang mga pagkain sa tray na dinala kanina ni Lyam at sumimangot dahil wala ang ice cream na hiningi niya. At sa halip na nilagang hipon at alimasag ay Congee na may maraming itlog at tomato soup lang ang mayroon. Tapos maliit na slice ng cheese cake saka mga prutas.

Pagbalik ni Ramses sasabihin niya sa asawa na gumawa ng ica cream na may boiled shrimp flavor. Nagustuhan niya ang malinamnam na lasa niyon nang pagsabayin niya kanina sa agahan ang nilagang hipon at ang ice cream.

"Sige po, tatawag na lang po ako ulit." Nagpaalam siya sa mga magulang. "Emily, magpakabait kayo riyan. Huwag bigyan ng sakit ng ulo sina nanay at tatay." Bilin niya sa kapatid bago i-off ang cellphone.

Habang kumakain, dumako ang paningin niya sa pintuan matapos marinig ang mahihinang katok. Inabangan niya kung sinong papasok at hinawakan ang baril sa kanyang tabi. Kung babalik ang Georgina na iyon talagang hindi na siya magmimintis. Buti na lang at si Anna ang pumasok, bitbit ang hand carry.

"Naligaw ako, ate. Ang laki ng hospital na ito at ang daming eskinita." Angal nitong eksaheradang nagpunas ng pawis sa noo na parang umakyat ng matarik na bundok. Nilapag nito sa couch ang bag at lumapit sa kanya. Sininghot siya. "Dinamihan ko na ang panty mo, ate. Nangangamoy ka na."

Kinutusan niya ang kasambahay. "Gusto mong maghilamos ng sabaw?" Dinampot niya ang bowl ng tomato soup at akmang ibubuhos dito.

Kumaripas ito palayo habang tumatawa. "Nasaan po si Kuya Pogi? Nagmamadali pa naman akong pumunta rito kasi gusto ko siyang makita."

Binalibag niya ito ng orange at inayos ang mukha. Baka nakasimangot siya, papangit ang anak niya. Kailangan nakangiti lang siya. Chill. Relax. Para gwapo ang baby niya paglabas. Itinuloy niya ang pagkain at hindi pinansin si Anna na dumaldal.

"Ate, may nakita akong bayolenteng doctor doon sa labas. Ang gwapo sana. Kapatid ba iyon ni kuya? May sinakal siya tapos hinambalos niya sa dingding at iyong isa ay inumbag niya hanggang sa dumugo iyong ilong at nguso. Hindi dapat ganoon iyong doctor, di ba? Nakakatakot siya."

Si Lyam kaya iyon? Pero sino iyong mga binugbog ng bayaw niya? Na-curious tuloy siyang sumilip. Uminom siya ng tubig at itinabi sa sidetable ang tray. Hindi niya naubos ang pagkain. Umasim kasi ang sikmura niya at nahihilo siya.

"Ate, okay ka lang po ba? Ang putla mo, ate!" Bulalas ni Anna na tumakbo sa kanyang tabi.

Nahiga siya. Umiikot ang kisame kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Anna, tawagin mo ang doctor." Ito na yata ang mga sintomas.

"Sige po," nagkukumahog na lumabas ng kwarto ang kasambahay.

NAGUGULUHAN si Ramses kung alin ang una niyang ibubuhos sa mix bowl. Nasa marble table na sa harapan niya ang mga hinandang sahog para sa gagawin niyang ice cream na nilagang hipon. Nag-research siya sa web tungkol sa werdong ice cream na iyon at may nakuha naman siyang tips kung anong ingredients ang pwede ngunit walang paraan kung paano lutuin.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon