DENOUEMENT

4.3K 196 40
                                    

Kinagat ni Melanie ang labi habang hinahaplos ang bilog na tiyan. Kahit ngawit na ang mga binti niya sa pagtayo, hindi niya ininda. The room is a little crowded but the people there are talking in a controlled voices preventing unnecessary noise.

Mula sa likod ng mga doctors at nurses at iba pa nilang kapamilya ay nakasilip si Melanie kay Safhire na kalilipat lamang sa private room at sa sanggol na inilapag nang buong ingat ng nurse sa tabi nito. Wrapped up in swaddling clothes. Unprotected by her own strength and can't even hold up her own hand. The baby is too pretty to behold.

Sinipat niya ang kanyang tiyan. Limang buwan pa ang bubunuin niya bago nila makikita ni Ramses ang mga babies nila. Kinakabahan siya pera nasasabik din. Sana maisilang niya ng maayos at malusog ang kambal. According to the records, the babies are healthy and both heartbeat are strong.

"Mel, we need to go." Hinawakan ni Jrex ang kanyang siko.

"Tingnan mo sila, ang gaganda nilang mag-ina, di ba?" Nakangiting nilingon niya ang binata.

"Yeah, they surely are gorgeous."

"Nagpaalam ka na ba?" tanong niya.

"Kay Lyam lang. Ayaw ko nang abalahin sina Athrun at Safhire. Kailangan ng mga iyan ng pahinga."

Sang-ayon siya sa sinabi ni Jrex. Halata ang pagod sa mag-asawa kahit kumikislap ang saya at pagmamahal sa tinginan ng mga ito. Balita niya halos buong magdamag na kinakalaban ni Safhire ang spasm ng pagli-labor. Nasa maayos naman ang posisyon ng bata pero bigla itong tumaob habang palabas na.

Naisip niyang kailangan talagang sundin ang mga payo ng doctor upang magiging maayos ang panganganak at hindi mahihirapang lumabas ang sanggol. Bawas perwesyo na rin sa mga mahal sa buhay na nag-aalala habang naghihintay.

Nang lumingon sa gawi nila si Lyam ay mabilis siyang sumenyas ng pamamaalam dito. Tumango ang doctor at may itinuro sa cellphone. Nagpadala siguro ito ng email.

"Pambihira talaga iyang si Safhire kapag nanganganak, para kaming malalagutan ng hininga." Reklamo ni Jrex habang nasa sasakyan sila pauwi ng San Antonio Municipal galing ng Infirmaria. "Kaya ikaw, umayos ka, baka mabaliw ang asawa mo pag nagkataon," babala pa nito.

"Sinasabi nila na kapag ang isang babae ay nanganganak, para siyang naglalakad sa hibla ng sinulid. Normal lang iyon dahil buhay ang ilalabas niya sa mundo, kung magiging kapalit ang sarili niyang buhay, it is still worth it."

"Gusto mo ba ng kutos? Subukan mo lang lalampa-lampa sa loob ng delivery room, itatakbo ko ang mga anak mo."

"Kailangan ko pala balaan si Ram na huwag kang papasukin ng hospital kapag kabuwanan ko na." Natatawa niyang tugon dito.

Hindi ito natawa at talagang kinutusan siya.

"Aray naman! Isusumbong kita sa asawa ko pagdating niya."

Umangil ito na animo'y asong may sumpong. "Uuwi ba siya ngayon?"

"Iyon ang sabi niya."

"Good. Hihintayin ko siya para may ka-sparring practice ako mamaya. Kinakalawang na ang mga kamao ko."

"Subukan mo lang saktan si Ram, sasapatusin kita."

Doon lang ito tumawa. "Takot naman ako sa sapatos mong size pambata." Kantiyaw nito.

Akmang aabutin niya ang suot na sapatos pero umunat din agad nang maipit ang tiyan niya. "Sorry, babies." Sinamaan niya ng tingin ang bayaw na tumatawa pa rin.

Lumundag ang puso niya nang matanaw ang nakapark na sasakyan sa garahe habang papasok sila ng bakuran. It's Ramses' car. Hindi na siya naghintay na pagbuksan pa ni Jrex. Nagkukumahog siyang bumaba at sinugod ng yakap ang asawang lumabas ng pintuan para salubungin sila.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon