Chapter 4

2.4K 120 2
                                    

Iniwan ni Melanie si Jazer kasama ang mga kaibigan nito na nagkakatuwaan sa loob. Lumabas ng club ang dalaga para makalanghap ng hangin. Nasasakal siya sa ingay at malakas na musika. Masakit sa ilong ang usok ng sigarilyo at kumakati ang kanyang lalamunan. Hindi rin siya sumubok na tikman ang alak dahil alam niyang may halong party drugs iyon. Baka mamaya mapasubo siya at magising na lang na nasa kama na siya ni Jazer.

"Nasaan na ang babaeng iyon? Matinik talaga, hindi mapilit ni Jaz na uminom."

"Paano na iyan? Malapit na matapos ang taning sa kanya ni boss? Kapag hindi niya naikama si Chief Calago, hindi siya papasa sa initiation bilang interim boss ng gang."

Napamulagat siya sa narinig na usapan ng dalawang miyembro ng Beelzebub Gang. Mukhang siya ang sinusundan ng mga ito. Mabilis siyang nagkubli sa likod ng malaking receptacle. Dama niya ang pagtayo ng kanyang mga balahibo hindi dahil sa takot kundi sa galit. Ginagawa siyang subject para sa huling pagsubok kay Jazer? Iyon marahil ang dahilan kaya niligawan siya ng lalaki at nang sagutin niya ay hindi na tumigil sa kakukulit na magtalik sila.

"Sabi ko kasi dukutin na lang at patulugin saka niya galawin."

"Bakit ayaw niya?"

"Mukhang tinamaan si Jaz sa babaeng iyon at kampante siyang mapapayag niya."

"Nasaan na iyon?"

Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. Sumisikip ang dibdib niya sa poot na nagbabadyang sumabog pero hindi niya mapakawalan. Pagkaalis ng dalawa ay kumaripas siya patungo sa sakayan ng taxi.

Pero okupado lahat ng dumadaang taxi. Binitbit niya ang suot na stiletto at naglakad na lamang. Kailangan niyang makalayo sa club bago pa mapansin ni Jazer na umalis siya. Wala pa man ding kalahating kilometro ang nalakad niya ay narinig na niya ang maingay na arangkada ng mga motorsiklong parating.

Jazer and the Beelzebubs.

Tumakbo siya sa abot ng kanyang makakaya. Sa mga pagkakataong iyon ay nagagamit niya lahat ng natutunan niya sa kanyang training sa loob ng Philippine National Police Academy. Hinawakan niyang maigi ang sapatos. Magiging sandata niya iyon mamaya kapag nagkagipitan. Titiyakin niyang may mabubulag sa takong at uunahin niya si Jazer.

Mula sa liwanag na isinasabog ng poste ng ilaw, natanaw niya ang awang sa matayog na gate ng private road patungong Archrio estate. Lumihis siya at pumasok doon. Hindi niya alam kung anong gang ang nagmamay-ari ng malawak na compound na iyon pero sana hindi ang Beelzebub.

Hindi siguro. Mula nang dumating siya rito ngayon lang niya nakitang bukas ang bukana ng property. Humahangos na bumagsak siya sa sementadong daan pagdating niya sa loob. Bakit walang bantay dito?

Revo tubular lamp post are lining up in both sides of the road. Nakasilong ang mga iyon sa matatayog na mga puno. Banayad siyang naglakad pero alerto at nahinto sa tuktok ng isang sementadong hagdanan. Pababa iyon at ang direksiyong tinutunton ay ang maliwanag na lawa.

Curiosity pushed her to go further down. Descending the staircase she keeps looking around and back to where she came from. Hindi pala lawa ang natanaw niya mula sa itaas kanina kundi isang fish pond.

"R-Ram, stop it!" natatawang boses ng babae ang sumama sa ihip ng hangin mula sa madilim na dako.

Nahinto siya nang matunghayan at makilala ang dalawang aninong lumitaw sa gilid ng pond. Sa tapat ng liwanag ay hinahatak ng lalaki ang babae. Suminghap siya. Sina Ramses at Valeen? Ramses is holding a small gold plated box with an engagement ring inside. Tinapatan ng kislap ng singsing ang mga bituin sa langit.

"Be with me, Val. Samahan mo ako habang-buhay."

That proposal snatched the oxygen away from her lungs. Natisod ang paghinga niya at nasakal siya sa laway na bumara sa kanyang lalamunan. Ramses Andromida is proposing a marriage to a woman before her eyes.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon