Tumabi si Melanie at tila noon lamang napansin ni Ramses na nandoon siya. His empty eyes followed her shortly but then drifted back towards Valeen with all those gentle emotions that are intended only for that girl. Humakbang ang binata. Maingat. Kalmado. At maagap nitong sinalo ang dalagang humahagulgol nang tuluyang mawalan ng lakas.
"Stop crying, please. Val, pag-usapan natin kung mayroon kang hindi nagustuhan sa ginawa ko," samo nito.
"W-wala, Ram. Wala kang ginawang mali," hirap na bigkas ni Valeen at sumubsob sa dibdib ng lalaki.
Hindi niya alam kung paano niya nakayang manatili pa rin doon at panoorin ang dalawa na magkayakap. Ang eksena ngayon ay parang karugtong lang sa nakita niya kagabi. Eksenang tiyak na dudurog na naman sa kanya ng palihim.
Hindi siya masokista at lalong hindi siya tanga. She knew when to set limits. Pero kung tatakbo siya, para na rin niyang inamin na umiibig siya kay Ramses. Gusto niyang patunayan na kaya niyang bumalik sa dating siya at isiping nakulong lamang siya sa isang panaginip. Kapag nalagpasan niya ito, makalalaya siya.
Bumaling sa kanya si Valeen. Nagmamakaawa ang mga matang luhaan. Pinaalala sa kanya ang hiniling na manahimik siya. Pero umiling si Melai. Naintindihan niya ang pagtatago ni Valeen sa katotohanan ngunit hindi patas iyon para kay Ramses. Hindi ba't lalong masasaktan ang binata kung bigla na lamang itong mawala? Hinamig niya ang sarili at nag-ipon ng hangin sa dibdib. Ibubuka na lang niya ang bibig nang mawalan ng malay-tao ang dalaga sa mga bisig ni Ramses.
"Val? Valeen! Damn you! Why are you doing this to me?" sigaw ng lalaki. Binuhat si Valeen at itinakbo palabas ng bahay.
Tinangka niyang sumunod pero binigo siya ng kanyang mga tuhod na biglang tinakasan din ng lakas. Napaluhod siya sa sahig at pinakinggan na lamang ang ugong ng sasakyan ni Ramses palayo.
"Ate, ate!" Tarantang kumaripas papasok ng kusina si Anna. "Anong nangyari kay Valeen? At sino po 'yong gwapong lalaking pumasok dito? Boyfriend po niya?" mistulang machine gun kung pumutok ang butsi ng kasambahay. "Ay, teka, napaano ka, ate?" Agad siya nitong dinaluhan at tinulungan siyang tumayo.
"Salamat, Anna. Iligpit mo na iyang mga pagkain." Lumabas siya ng kusina na bagsak ang mga balikat at halos igupo na ng matinding pagod. She went outside, trying to figure out traces of them in the dark. Ilang minutos din siyang nakatayo roon sa labas ng bahay, hindi alintana ang samu't saring ingay ng mga makinang tumatagos sa kanyang tainga. Ni hindi niya matiyak kung tama ang direksiyong tinatanaw ng kanyang mga mata.
"Ate, naiwan po ni Valeen ang cellphone niya," bungad sa kanya ni Anna pagkapasok niya ng pintuan. Bitbit nito ang cellphone at purse ni Valeen.
Kinuha niya ang mga iyon at sinubukang buksan ang cellphone. Ramses' smiling face is the screensaver. May password. She tried entering his complete name and it opens. Ang lalaki pa rin ang nasa wallpaper.
"Ate, okay lang ba na pakialaman natin ang cellphone ni Valeen?" tanong ng kasambahay na nakasilip.
Nahinto siya. Ano bang ginagawa niya? Ibinaba niya ang cellphone at matamlay na naglakad patungo sa kanyang kwarto.
***
"Am I going to lose her?" Mahigpit na nakakapit sa kwelyo ni Lyam ang mga kamay ni Ramses. Ilang beses na ba niyang itinatanong iyon? Sampu?
"Yes, you are going to lose her," sagot na paulit-ulit ding sinasabi ng kapatid niyang doctor.
"Damn you! Fuck you, Lyam! Putang ina!" Idiniin niya ito sa dingding ng emergency room. Hindi man lang ba siya nito mabigyan kahit kunting pag-asa?
"That's why I hate being human, Ram. Because I have these limitations. I can't cure death," tiim-bagang nitong pahayag at sinunggaban din siya sa kwelyo. "There are options for her but it's no guarantee. Pahahabain lang natin ang pagdurusa niya. The cancer is eating her away faster than we took our breath every second. Naintindihan mo ba ang paghihirap ni Valeen? Kung mahal mo siya, pakawalan mo siya."
BINABASA MO ANG
NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)
RomanceApoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Melanie si Ramses Andromida. A fire surrounded by beautiful butterflies but a destruction to everythin...