Chapter 2

3K 148 1
                                    

Maingay na alarma at sirena ng fire trucks ang pumuno sa labas at looban ng buong estasyon ng mga bombero. Takbuhan ang fire fighters na naka-duty at kanya-kanyang kayod para maisuot ang kanilang personal cover-all protective suit. Respirators, turn out gears, gloves, blankets and gas masks.

"Move! Move!" malakas na apura ni Melai sa mga tauhan at naunang sumampa sa truck 2 fire engine.

They've received a report earlier about a fire break-out in one of the apartment units at the transitory sites of the town. Ito na ang pangatlong insidente ng sunog na pumutok sa loob lamang ng linggong iyon.

Animo'y langgam na nagpulasan pababa ng trucks ang fire fighters sa pangunguna ni Melai pagdating nila sa site. Halos kalahati na ng buong apartment ang kinain ng apoy at nagsimula na ring tumawid patungo sa katabing gusali ang tila galit na galit na liyab niyon.

Sumenyas ang dalaga sa fire truck 1 na unang tirahin ng tubig ang mga karatig na gusali habang sila ng ibang mga tao niyang nakadestino sa pinakamalaking fire engine ang sasagupa sa nasusunog na apartment building.

Mabilis na kumilos ang mga bombero at hinanda ang pumpers, hinatak ang mga hose na nakakabit sa water tank. The pump with approximately 1500 GPM is complemented by various types of hose for both attack and supply.

After the truck 1 went into action, she turned towards the fire engine with water tank of 750 gallons. It has hydraulically operated aerial ladder. A full complement of ground ladders in various types and lenghts and specialized equipment for forcibly entry, ventilation, search, and rescue tasks.

Kasama ang isa sa kanyang mga tauhan, sumampa siya sa aerial ladder. Nakikipagsagupaan ang apoy sa tubig at tila lalo pa iyong bumabangis. Nang matapos sa assigment ang truck 1 ay bumaling iyon sa kanila at tumulong para maapula ang apoy.

"Ma'am, may na-trapped daw sa loob, isang matanda!" sigaw ng isa sa mga tauhan niya.

Dali-dali siyang bumaba sa hagdan. "Saang floor?" tanong niyang pasigaw din.

"Third floor!"

Tiningala niya ang ikatlong palapag na unti-unti na ring tinutupok ng ningas. "Saang banda ang unit?"

"Sa dulo po. Unit 3-05!"

Binalot na iyon ng makapal at maitim na usok pero hindi pa inabot ng apoy. "Papasok ako!" Sumenyas siya sa rescue team para mai-cover siya. Naalarma ang mga ito pero hindi maiwan ang pagbabantay dahil patuloy na dumarami ang mga taong nag-uusyuso sa insidente.

Kinoldon na ng mga tauhan ng disaster unit ang buong perimeter na sakop ng lugar at ang mga naninirahan sa apartment ay tinipon sa kabilang parking area. Nagbantay na rin ang iilang personnel ng PNP sa posibleng nakawan na mangyayari sa iba't ibang mga gamit na naisalba ng boarders at nakakalat lamang sa bakuran ng gusali.

Balisang nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa mga tauhan niya, sa rescue team at sa mga alagad ng batas. Kulang sila sa manpower. Hindi na pwedeng bawasan pa ang pwersa nila para may umalalay sa kanya sa loob.

Isang dalagita ang gustong pumasok habang umiiyak. Apo marahil ng matandang nakulong sa loob. May bitbit pa itong supot at malamang ay galing bumili ng gamot sa botika.
Mag-isa siyang papasok kung kinakailangan bago pa mahuli ang lahat. Nagbuhos siya ng tubig sa sarili at tahimik na umusal ng dasal para sa kanyang proteksiyon laban sa apoy.

"Kuya Ram!" umalingawngaw ang tili na iyon mula sa dalagitang umiiyak.

Isang lalaki ang nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ng mga police at taga-disaster. Tinalon nito ang koldon at walang pag-aatubiling sinagasa ang mala-impeyernong gusali.

Hindi na ito nahabol ng dalawang police na sumubok pigilan ito matapos itong lamunin ng usok. Hindi niya alam kung nagtatapang-tapangan lang ang lalaking iyon o sadyang ipinanganak na ingot. Sumuong sa sunog nang walang proteksiyon sa sarili? Nakadama siya ng antagonismo. Imbis na isa lang ang dapat niyang iligtas, ngayon ay magiging dalawa na.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon