"COME IN," Ramses invited his guests after opening the door of his office through the scanner system.
Sumunod sa kanya sa loob ang dalawang dalaga. Itinuro niya sa mga ito ang couch habang siya ay tumuloy sa kanyang desk at tiningnan ang naroong mga papeles.
"What can I do for you, ladies?" tanong niya pagkatanaw na kampanteng nakaupo na ang mga panauhin.
Georgina rolled her eyes like an actress while Lindsy gave a shy smile. Naupo siya sa swivel chair at pinirmahan ang mga dokumento para sa madaliang mga transactions. He glanced at them once more, eyebrows knotted, guessing what they have might want from him.
"Tungkol sa ginawa ng asawa mo, palalagpasin ko iyon pero sa isang kondisyon." Nagsalita si Georgina sa tatas na Pilipinong lengguwahe.
"Name it." Wala siyang oras makipaglaro pero wala rin siyang panahon na pwedeng sayangin sa pakikipagbuno sa isasampa nitong . But right now, this woman has the upper hand.
"Date me before I go back to America." Tumayo ang babae at lumapit sa kanyang desk.
"I understand that my wife has gone below the limits, George. If only you haven't provoke her. Anyway, I wasn't blaming you for her actions lately." He tried to reason out but then decided to let it be. Wala na rin namang magbabago. Georgina is not here to abide the system and culture of this country. Insisting against her makes no point at all.
"So, then, a date? This coming Saturday night." Kampante nitong ikinukumpas ang kamay.
"Don't have much of a choice. I'll see you on Saturday." Deklarasyon niya matapos ang buntong-hininga. Sinulyapan niya si Lindsy na tahimik lang sa may couch at wari't binibilang ang magkakasalikop na mga daliring nasa kandungan.
Lumingon din sa gawi nito si Georgina at umangat ang kilay. "Who's she?"
"If you have nothing else to say, you're free to go, Ms. Clarkson." He dismissed her instead and motioned the door.
"Don't forget this Saturday." Umirap ito at tumalikod paalis.
Umahon siya sa kanyang upuan at nilapitan si Lindsy. Ibinagsak niya ang sarili sa kabukod na sofa sa tapat nito. Napaiktad ito at nahimasmasan mula sa malalim na iniisip.
"May pinabibigay nga po pala si Sir Jrex para kay Ma'am Melanie." Mabilis nitong nitong itinulak papunta sa kanya ang envelope na nakalapag sa mesita sa gitna nila.
Dinampot niya iyon at sinilip ang laman. Formal letter of cancellation for the marriage negotiation. Galing sa opisina ni Jrex. Ibinalik niya ang sulat sa loob ng envelope.
"Na-published na po iyan kahapon sa local newspapers."
"Salamat," mahina niyang wika.
"Nandito rin po ako para humingi ng tawad." Kabado nitong pahayag. "Nakiusap po sa akin si Sir Jrex na makipaglapit po ako sa inyo kaya po ako nag-apply ng trabaho. Patawarin niyo po ako. Kung may parusa para sa pagkakamali ko, maluwag ko pong tatanggapin." Yuko-ulong dagdag ng dalaga.
Matagal niya itong pinagmasdan saka huminga ng malalim. "Hindi ko sasabihing naintindihan ko ang ginagawa mo kahit na siguradong may malalim na dahilan kung bakit ka pumayag sa kalokohan ng kapatid ko. Pero papatawarin kita, alang-alang kay Valeen." Deklarasyon niya makaraan ang ilang saglit.
"Maraming salamat po, sir." Umaliwalas ang maputla nitong mukha.
Marahan siyang tumango. "Makakaalis ka na, Lindsy." Iniwan niya ito at binalikan ang mga dokumento sa kanyang desk.
Magaan ang pakiramdam niyang umalis ng Andromida Conglomerate at umuwi sa kanyang asawa sa hospital pagkatapos niyang asikasuhin ang urgent na mga papeles. Kahit papaano'y may naresolbang problema sa araw na iyon. Maingay sa loob ng kwarto nang siya'y pumasok. Naroon sina Safhire at Jeneviv na kapwa malalaki na ang tiyan. Safhire is six months pregnant. While Jeneviv is in her seventh months. Kinukulit ngmga ito si Melanie. Ang bilis makaamoy ng mga hipag niya.
BINABASA MO ANG
NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)
RomanceApoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Melanie si Ramses Andromida. A fire surrounded by beautiful butterflies but a destruction to everythin...