Chapter 27

2.4K 136 6
                                    

Melanie smiled even though her heart is being twisted inside. She is falling in love with Ramses Andromida again and again. Not just in his impressive surface but in his kindness. This gorgeous man remained grounded in spite of his high status in society. And humbled himself a number of times to prove to her that his love is not just about words.

Tinanggap niya ang mga regalo ng asawa para sa kanya kasama na ang halik sa kanyang pisngi. Ang lalaking katulad nito ay dapat magkaroon ng maraming anak. Gagawa siya ng paraan. Hindi pwedeng hanggang dito na lamang sila. Magsasakripisyo siya at titiisin ang sakit kung kinakailangan, magkaanak lang si Ramses kahit sa ibang babae pa.

"May political rally ako sa south. Four municipalities. Sasama ka." Pinisil nito ang kanyang baba.

Tumango siya. Duda rin naman siya kung papayag itong magpaiwan siya rito sa mansion. "Maghahanda na ba ako? Anong oras tayo aalis?" Nilangkapan niya ng sigla ang boses. Hindi niya sasayangin sa pagmumukmok at pagse-self pity ang pagsisikap ni Ramses na pasayahin siya.

"Your eyes are bawled. Nagmukha kang duckling na may sore eyes." Pinagtawanan siya ng asawa.

Pinalo niya ito sa bitbit na mga rosas. "Hindi na ako sasama, mukha pala akong ugly duckling. Bahala ka roon sa rally mo. Mag-isa ka." Tinalikuran niya ito at kunwari ay nagtatampo.
Bumalik siya sa loob ng silid at ibinaba sa mesita ang sweets at ang bulaklak. Natatakam siyang tikman ang ice cream at cake pero mamaya na lang.

Sumunod sa kanya ang asawa."Wala akong sinabing ugly. Magandang duckling na may sore eyes kaya nga lang medyo bingi." Lumutong pa lalo ang halakhak nito.

Inirapan niya ang lalaki at hindi na rin napigil ang matawa. Kumuha siya ng bihisan nilang dalawa sa walk-in cabinet habang sumisinghot-singhot at pinisil ang ilong. Sinipon na tuloy siya sa kaiiyak.

"Maliligo ka?" Lumapit sa kanya ang asawa at ito na mismo ang nagsara ng mga pinto ng cabinet. "Sama ako. Fifteen minutes lang."

"Anong fifteen-" natunaw ang  tanong niya dahil sinarhan na nito ng mapusok na halik ang kanyang mga labi at kinarga siya patungo sa loob ng banyo. Pasado alas-nuwebe na silang nakaalis dahil sa mga kapilyuhan ni Ramses sa kanya. Ang kinse minutos na sinabi nito ay inabot ng mahigit isang oras.

Tulad doon sa grand stand, dinumog din ng libo-libong supporters ang rally nito sa unang dalawang lungsod na pinuntahan nila. Nagkaroon sila ng caravan. Namigay ng mga freebies at tokens gaya ng ballers, relos, printed shirts, key chains, water tumblers at car pillows. Kahit mainit ay nag-enjoy siya sa pakikihalubilo sa mga tao na karamihan ay kagaya niya ang estado ng buhay kaya nasasabayan niya ang mga hinaing.

Nagtuloy sila sa bahay ng isa sa mga kumandidatong board members para roon mananghalian. Nasa balcony sila at tanaw niya ang kapaligiran. Malaking bahagi ng Rio Verona ang hindi pa niya napuntahan. Kahit hindi maganda ang record ng probinsya, hindi maitatangging isa iyon sa biniyayaan ng mga magagandang tanawin. Buhay na buhay ang kalikasan at ang mga bundok na walang kapagurang nakatingala sa mga ulap.

Katatapos lamang nilang kumain at naisipan niyang maglakad-lakad sa labas. Abala ang mga volunteers na nasa mga tents. Inaasikaso ang posters at sample ballots na ipapamahagi mamaya sa pupuntahan nila. Binawi niya ang paningin at bumaling sa mga batang nagkakagulo sa sorbetes. Pinakyaw iyon ng bise-gobernador para sa mga volunteers at ngayon ay pinilahan ng mga makukulit na paslit.

"Would you like to try the strawberry flavor? It's good." Hinapit siya ng ni Ramses kasabay ng banayad na halik na lumapag sa kanyang pisngi.

"May ice cream naman tayo roon sa bahay. Iyong binigay mo kanina." Ngumiti siya ng malaki.

"Malamang natutunaw na iyon. Kunti lang ang kinain mo." Tinanggal nito ang suot na cap. He shoved his hair back away from his face and fixed the cap on his head.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon