Pabalik-balik sa labas si Melanie habang tumutulong sa mga kapatid na babae sa paglilinis ng kusina pagkatapos ng agahan. Nasa bakuran kasi si Ramses kasama sina June at Jeking. Kanina pa roon ang lalaki na tila ba may hinihintay at ang dalawang kapatid naman niya ay biglang naging buntot nito na ayaw nang humiwalay pa. Sunod ng sunod kahit yata pupunta pa ito ng banyo.
"Nanang, doon ka na lang kay Kuya Ram, baka mamaya nakawin iyon wala tayong panghalili. Ang gwapo pa naman," nanunuksong wika ni Emily habang sina Rochelle at Ruth ay naghagikgikan na para bang may kumikiliti sa mga ito.
"Inggit kayo ano? Ang boyfriend ko ay isa sa 100 most gorgeous and hot men in the world. Talbog sa akin iyang mga idol ninyo sa tv," pagyayabang niya sa nga kapatid na namimilog ang mga mata. Malanding hinawi niya ang buhok patungo sa likod at bumunghalit ng tawa.
"Talaga, Nang! Kaya pala pamilyar siya," paniwalang-paniwalang bulalas ni Ruth. "Naalala ko na! Nakita ko siya sa Hollywood magazine ng kaklase ko. May kasama siyang magandang model na amerikana."
"Nasaan iyong magazine? Nasa iyo ba? Patingin kami!" makulit na apura ni Rochelle.
"Nasa kwarto. Buti na lang hindi ko pa sinauli." Tumalilis palabas ng kusina si Ruth.
Nanatili naman siya roon. Naintriga siya kung totoo ang nasa magazine. Baka kamukha lang. Pero gusto niyang makita. Humihingal na bumalik sa kusina si Ruth dala ang magazine ng Hollywood issue. Nakabuklat sa mismong pahina kungsaan naroon si Ramses.
Napamulagat siya at ilang ulit na kumurap. Si Ramses nga talaga. He is with an American model. Wearing a black baseball cap, a heavy trenchcoat, and fatigue pants. He is smiling while holding a glass of wine and sitting on the hood of his car. Tumatawa rin ang modelong kasama nito habang nasa panga ng binata ang isang kamay.
"Nanang, si kuya nga." Sumiksik sa kanya ang mga kapatid. "Ramses Andromida and Georgina Clarkson, the next chemistry behind Hollywood." Binasa ni Emily ang caption.
"Ay bongga ang boyfriend mo, Nang!" bulalas ni Ruth.
"Paanong hindi magiging bongga, Andromida kaya iyan. Instant Cinderella si Nanang Mela," salo ni Rochelle na may kasamang palakpak.
Habang siya ay naumid at hindi makahuma sa pinagmamasdang larawan. May Georgina Clarkson pa pala ito. Alam kaya ni Valeen ang tungkol dito? Hindi pa gaanong matagal ang volume na ito. Noong isang taon pa lang ito ni-released.
Iniwan niya ang mga kapatid sa kusina at lumabas ng bahay. Sumabog ang balakubak niya nang makitang pinuputakti ng mga makakating higad ang kanyang boyfriend. Kung hindi siya nagkakamali grupo iyon ni Ruby. Taga-Maynila ang mga ito at lumipat dito dahil sa trabaho. Nagtayo ng sangay sa bayan ang kompanyang pinapasukan ng mga ito at ang team nito ang pinadala rito para mamahala at mag-train ng mga trabahante.
Gigil siyang lumapit sa mga ito. Kung makatawa'y parang umaatungal na kambing at may pahampas-hampas pa sa braso ni Ramses. May Georgina Clarkson na nga na gumugulo sa utak niya tapos dumadagdag pa ang mga alupihang ito. Padabog siyang sumiksik sa pagitan ng mga ito at umaktong natisod. Mabilis siyang sinalo ng binata at binakuran nito sa mga bisig. Umungol ito at kinagat ang labi dahil nasa pundilyo nito ang kamay niya, hawak ang pagkalalaki nito. Akala yata nito hindi siya marunong ng mga ninja moves na iyan.
"Babe," may babala sa likod ng tono nito.
Pero dinidma niya at piniga pa lalo ang pagkalalaki nito. Nagmumurang hinapit siya ng boyfriend at idiniin sa matigas nitong katawan.
"Kumusta, Mela! Mabuti at nakabisita ka rito," ipokritang nagsalita si Ruby.
Napairap siya sa hangin at ngumiti ng peke. Hindi niya makakalimutan ang ginawa ng mga ito sa kanya dati. Akala niya matitino ang mga ito kaya nakipagkaibigan siya at sumama sa imbitasyon ng isang party. Hindi niya alam na stag party pala ang pinuntahan nila. Iniwan siya ng grupo na lasing na lasing. Kinabukasan ay kumalat sa facebook ng mga kakilala niya ang litrato niyang kayakap ang isang lalaki. Nagreklamo sila sa barangay pero kulang daw sa katibayan kaya inareglo na lang. Ilang linggo ring naging pulutan ng tsismis ng buong nayon ang pamilya niya.
BINABASA MO ANG
NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)
RomanceApoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Melanie si Ramses Andromida. A fire surrounded by beautiful butterflies but a destruction to everythin...