Chapter 26

2.3K 127 6
                                    

Narinig ni Ramses ang mahinang alarm mula sa suot na earpads. That was a signal of danger from Leihnard. Mabuti na lang at tapos na ang mahalagang bahagi sa kabuuan ng rally. Some of the local artists entertained the crowd with musical numbers. Tumayo siya sa inuupuang silya at agad pinaliligiran nina Vhendice at Rayven na parehong naka-full combat suit at may suot na black mask. While the crowd control team is moving around to guide the people out from the venue when the series of songs ended.

"That concluded our event for today, thank you so much for showing us your support!" Nagsalita ang host sa microphone. Muli ay isang masigabong palakpak ang iginawad ng mga tao.

"What is it, Vhens?" tanong niya sa kapatid. Mabilis na kumalat ang special troops nila sa bawat sulok ng entablado.

"There's a drone that's coming over this way. Leih suspected that it is equipped and capable of a laser-guided attack," sagot ni Vhendice na nakatutok ang mga mata sa suot na wrist scanner.

"We better go, Ram." Rayven interrupted dragging him away.

Nag-alalang tinanaw niya ang kinaroroonan ni Melanie sa ibaba ng entablado. Hindi na niya ito mahagilap dahil sa dami ng tao. Saan nagpunta ang babaeng iyon? Tiim-bagang na pinalawig niya ang paningin patungo sa gitna ng nagtutulakang grupong inaawat ng mga police.

"My wife, she's still down there. Nakita ko ang pagdating niya kanina." Pahayag niyang hinawi paalis sa kanyang daraanan si Rayven.

"Ramses, where are you going?" Mahigpit siyang pinigilan ni Vhendice.

"Hahanapin ko ang asawa ko!" Matigas niyang angil.

"Jrex is with her. She could be waiting at the car by now." Apila nito.

Natigil siya ngunit hindi pa rin mapakali. Paano kung nakulong ito sa makapal na agos ng mga tao? Nanghahaba ang leeg niya sa katatanaw sa lawa ng mga supporters sa ibaba at nagmumura habang inakay ng mga kapatid paalis ng stage. Kasama niya ang running-mate niya sa pagka-bise gobernador, ang mayor ng Tawsan at iilan sa kanyang mga board members.

"Babe," he breathed deeply in relief when he found Melanie inside his bulletproof van with Jrex, waiting for them.

"Ramses," she threw herself on him.

"Bakit hindi ka umakyat doon sa stage kanina?" He kissed her hair tenderly. Hinagod niya ang likod nito pababa sa balakang.

"Mas gusto ko roon sa ibaba. Napagmamasdan kitang maigi mula sa kinaroroonan mo." She smiled sweetly.

Damn! He missed her so much. Natali siya ng husto sa kampanya at hindi makaalis para bisitahin ito. He broke his promise to see her every week. Mabuti na lang at napakamaunawain nito. Demanding man sa kanyang oras pero nasa tamang lugar. Kailangan niyang bumawi sa asawa. Senenyasan niya ang naunang sasakyan sa convoy para umusad na at nag-iwan ng tanaw sa maingay na mga taong nagpulasan palabas ng grandstand.

"Vhens, make sure everyone out there is safe." He instructed through the lapel before closing the door.

"May mga dumaan dito kanina, palagay ko ay ang Beelzebub." Nagsalita si Jrex mula sa likod ng manibela at ipinuwesto sa gitna ng convoy ang sasakyan nila.

"They're stalking the event we're making and still no guts to make a move, so far." Nagtagpo sa sa rear view ang mga mata nila ng kapatid. "Thank you for the additional security. But I want you to stop strolling alone on our enemies' territory. Importante sa akin ang manalo pero mas mahalaga sa akin ang buhay mo. Hintayin mong ako na ang maupo bilang governor, ibibigay ko sa iyo ang tungkuling linisin ang mga sulok dito."

"Wala ka lang tiwala sa kakayahan ko." Himutok nitong umungol na tila naagawan ng buto.

"If that's how you interpret my concern about your safety, bahala ka. Just don't get yourself in trouble. I'm not going to tolerate it here." Babala niyang nag-iwan ng mapanganib na tingin bago bawiin ang mga mata.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon