Natatawang kinawayan ni Melanie ang mga kapatid na nagpulasan palabas ng bahay nila habang bumababa sila ni Ramses sa sasakyan. Naibigay niya kahapon ang pasabi na darating sila ngayon. Ilan sa mga kapitbahay nila ay naroon din para makiusyuso at tumulong sa munting handa. Maliwanag ang buong bakuran dahil sa mga maliliit na bombilyang nagmistulang mga bandiritas. May mga makukulay na customed balloon pa at buffet table kungsaan nakahain ang mga paborito niyang lutong-bahay. Tamang-tama para sa hapunan.
Kumapit siya sa braso ng binata at kinaladkad ito patungo sa mga kapatid niyang nahihiyang lumapit kahit na alam niyang pare- parehas na atat ang mga itong sumalubong sa kanila. Kung wala siguro siyang kasama malamang ay pinagkakaguluhan na siya ng mga ito.
"June, Jeking, Emily." Ipinakilala niya ang nakababatang mga kapatid. "Rochelle, Ruth, and Rihana. Mga pinsan ko. Namatay sa aksidente ang mga magulang nila kaya kinupkop namin."
Tumango ang lalaki. The corner of his mouth curved into a half and sexy smile. "Ramses, pleasure to meet you," maginoo nitong ipinakilala ang sarili sa mga kapatid niya na nakatulala rito lalo ang dalaga at nagdadalaga.
Napailing na lamang siya. Mukhang magiging kilabot pa yata itong boyfriend niya hindi lamang sa mga babaeng nasa tamang gulang na kundi pati sa mga teenager niyang kapatid. Inagaw niya ang pansin nito at inginuso ang mga kapitbahay na nakamasid sa kanila.
"Mga kapitbahay ko. Kailangan ko pa ba silang ipakilala isa-isa?" biro niyang nakabungisngis.
"I think we'll starved ourselves if you go down on it one by one," napailing nitong sagot na pumasada ang paningin sa mga kapitbahay nilang nagbubulungan.
Hindi niya matukoy kung natutuwa ba o anong nasa utak ng taong ito ngayong nakita ng mga itong nagsama siya ng lalaki roon. Noong nag-aaral pa siya at kahit noong mga unang buwan ng kanyang trabaho, naglalaan siya lagi ng oras para umuwi rito pero ngayon lang siya nagsama ng boyfriend. Boyfriend na hindi nakita ng mga itong umakyat ng ligaw sa kanya. At alam niya kung paano tumakbo ang isip ng mga tagaroon na nanatili ang paniniwala sa tradisyunal na mga kaugalian.
"I haven't seen your parents yet," he commented after scanning the whole place and the crowd quickly. "Where are they?"
Saka lamang din niya napansin na wala nga ang mga magulang niya. Nasaan kaya ang mga ito? Hindi sila sinalubong? Nasa koprahan ba? May coconut plantation sila. Regalo ng Villaranda Monarch sa kanyang ama bilang isa sa mga tapat na trabahador ng hacienda. Hindi naman kalakihan. Dalawang ektarya lamang at may sariling landahan kungsaan niluluto ang mga kopra.
"Emily, sina Tatay at Nanay?" tanong niya sa kapatid.
"Po? Akala namin kasama niyo. May sumundo sa kanila rito kanina. Inutusan daw ng mapapangasawa mo," nagtatakang sagot ni Emily.
Nagkatinginan sila ni Ramses. Nag-uumigting na naman ang mga panga ng binata. Parehas sila ng iniisip. Si Jrex. Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at banayad na pinisil para pakalmahin ito.
"He's getting into my fucking nerves, damn it!" tiim-bagang nitong himutok. Nagkuyom ng kamao.
Niyapos niya ito. Nakalimutan niyang may mga sunburn ito. Bagamat hindi naman nito ininda."Nanang, ihahanda na po ba namin ang hapag?" atubiling tanong ni Emily.
Tumango siya. Mabilis na tumalima ang kanyang mga kapatid at ilan sa mga kapitbahay nila. Sama-samang hinanda ng mga ito ang hapunan. Inakay niya si Ramses patungo sa buffet table at ibinigay rito ang silya sa may kabisera ng mahabang mesa. Habang ang mga kapatid niya ay nagsimulang mamigay ng pinggan sa mga kapitbahay nila.
Lechon manok, inihaw na isda at squids, pork barbeque, paksiw na hipon at alimasag, law-oy na may maraming sangkap na gulay. Natatakam siya sa mga pagkain. Nilagyan niya ng sabaw ang bowl ni Ramses.
BINABASA MO ANG
NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)
RomanceApoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Melanie si Ramses Andromida. A fire surrounded by beautiful butterflies but a destruction to everythin...