Pinitik ni Melanie sa noo si Anna na nakasimangot at nagmamaktol habang pababa sila ng hagdanan. Ngayon na siya luluwas ng La Salvacion para sa kanyang bagong assignment. Late na nga siya ng dalawang araw dahil kahapon pa lamang niya natapos ang proper turn-over ng mga nasimulan niyang projects sa bagong hepe na papalit sa kanya sa iiwanang fire station. Tiniyak muna kasi niyang ipapasa ng council ng Tawsan ang resolution para sa financial assistance na hiningi niya.
"Ayusin mo nga iyang mukha mo, lalo kang pumapangit," kastigo niya sa kasambahay na humahaba ang ngusong may makapal na lipstick.
"Bakit kasi ngayon ka pa lilipat, ate? Ang ganda na ng kalagayan natin dito. Mansion ang bahay natin. May marami tayong sasakyan na mamahalin. May helicopter pa. Higit sa lahat, ang popogi ng mga lalaking kasama natin. Araw-araw busog na busog ang mga mata ko." Pumadyak-padyak pa ito habang umaangal at naghihimutok.
"Sige, gusto mong maiwan dito? Wala kang sweldo," banta niyang pinisil ang tainga nito. "Nagrereklamo ka pa, buti ka nga maghehelicopter samantalang ako magla-land travel lang."
"Si pogi naman kasama mo at alam kong maglalandian kayo habang nasa biyahe kaya gusto mong magkokotse." Sinundot nito ang tagiliran niya.
"Ano?" Natawa siya at gumanti ng sundot sa kasambahay.
Eksaherada itong tumili at nangisay na tila bulating nababad sa sabon. Dinaig nila ang mga bata sa pagkukulitan hanggang sa makababa ng sala at parehong napahiya dahil naroon si Ramses. Nakita nito ang ginagawa nila.
"I have taken your things on board " he told her with an apparent amusement in his eyes.
She nodded. Nagdedeliryo na naman ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa binata. Her cheeks are on fire synchronizing his exuding sex appeal that ruthlessly intensified because of his crystal-blue eyes. He's sporting a v-neck and printed black shirt under a leather jacket. A high-end, faded denim pants and dark brown combat boots. She felt like having a never-ending daydream. Ramses Andromida is her boyfriend now. Actually, it's been a week already and she's not yet over with the dose of excitement and happiness brought by this new beginnings.
"I got you food in case you want some. Kunti lang ang kinain mo kanina sa almusal." He starts the engine after she buckled the seatbelt.
Una nilang pinaalis ang helicopter. Naroon si Anna at ang kanilang mga gamit. Hindi lahat dahil bibisita naman sila rito sa mansion paminsan-minsan. Kasunduan nila ni Ramses na bibisitahin ang isa't isa kahit isang beses lang sa bawat linggo depende kung sino sa kanila ang may libreng oras. Although, at the course of the agreement, he promised to make the effort to see her. Sobrang sapat na iyon para sa kanya.
"Thank you sa pagiging thoughtful, Ram." Humawak siya sa hita ng lalaki.
Tama si Anna. Siya ang pumili na magland-travel papuntang La Salvacion dahil gusto niyang makasama ng matagal sa biyahe ang binata."Anytime, babe. I've made bean soup. Gusto mong tikman?" Inabot nito sa backseat ang picnic basket at kinuha ang transparent food container. "Here." Ibinigay nito iyon sa kanya matapos alisin ang takip.
"Wow, nice presentation. Sizzled with Pesto?" natutuwa niyang bulalas. "At ang sarap ng amoy. Nakagugutom." Kumuha siya ng disposable spoon mula sa picnic basket.
He just smiled with her immature reactions. He is a good cook and he knew it. Hindi ito kailangang bolahin pa. Naubos niya ang bean soup na ginawa niyang pulutan sa kwentuhan nila habang nasa daan.
She tried to touch the subject about Valeen and observed if he is going to drop the conversation but he didn't. Matiyaga nitong sinasagot ang mga tanong niya kahit ramdam niya ang pait sa kalooban nito.
Tila espadang may dalawang talim ang mga alaala ni Valeen at buong tapang nitong tiniis ang mga sugat na dulot ng mga iyon. Pero gaya ng pagkakaroon ng virus, kailangang makabuo ang puso ng antibodies upang maging immune at mag-survive mula sa sakit. Exposing him to memories should be fine. She is going to help him get back on his feet again.
BINABASA MO ANG
NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)
RomanceApoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Melanie si Ramses Andromida. A fire surrounded by beautiful butterflies but a destruction to everythin...