Chapter 9

2.3K 106 1
                                    

Humataw ang tibok ng puso ni Melanie at mistulang may mga langgam na nagpulasan sa kanyang mga laman habang nakatingin kay Ramses. But his eyes drifted away from her, proving in silence that he's not in any way surprised to see her there. Pumihit ito at pumasok sa loob.

"Don't worry, we had his approval," nagsalita si Jrex sa tabi niya kasabay ng paglapat ng kamay nito sa kanyang balakang.

Tumingin siya sa lalaki at ngumiti ng tipid. "Thank you," pabulong niyang sagot. Hanggang kailan kaya siya tatagal dito? Isang linggo? Isang buwan? O, baka isang araw lang. Kung ganitong nakikipaghabulan siya lagi sa kanyang hininga, baka bigla na lamang siyang manigas na tirik ang mga mata.

"Sabi sa akin ni Rayven minsan ka na raw natulog dito." Inakay siya ng lalaki papanhik sa loob ng bahay. Walang tao sa sala kaya tuloy-tuloy sila sa engrandeng hagdanan na balot ng makapal na alpombrang maroon ang kulay.

"Isang beses." The initimidating silence she felt all over the edges and corners of the mansion intensified today. Pakiramdam niya ay pumasok siya sa isang teritoryong pinagbabawal.

"She's here?" umalingawngaw ang boses ni Rayven na sinundan ng paglitaw ng bulto nito mula sa sliding glass door na nadaanan nila.

Huminto sila ni Jrex sa paglalakad at nilingon ito.

"Welcome back," tumango sa kanya ang lalaki.

"Thank you for having me," kaswal niyang pahayag na ngumiti ng pino.

"Sure thing, you'll be part of the family soon."  He gave her a thumbs up.

Noong gabing una siyang napunta rito'y para siyang may sapi dahil sa pagnanais niyang mapansin siya ni Ramses at pag-aakalang matulungan niya ang lalaking bumangon mula sa pagluluksa. She was in denial of the stern aura and atmosphere each one of these Andromida brothers was giving off. Not even she was oblivious to the terror they're capable of.

Sinapit nila ang silid na minsan niyang inokupa roon. Like the first time, she finds it amazing. A tube-like den but now she noticed the rose carvings in the wall. This room is an ingenious masterpiece of whoever was the creator of this mansion. Like a makeshift cocoon having a widespread crown over its top.

"Jrex, nasa linya si Gab. Puntahan mo muna sa control room," abiso ni Vhendice na papalapit sa kanila.

"Just a minute." Binuksan ni Jrex ang pinto para sa kanya. "Gusto mong pumasok at magpahinga?"

"Huwag mo na akong alalahanin, okay lang ako."

Tumango ito. "Babalik ako agad." At iniwan siya.

"Mel," Vhendice greeted her with a light nod. "Consider this place your home from now on."

"Salamat, Vhens." Muling natisod ang kanyang paghinga nang matanaw si Ramses na parating sa gawi nila.

His immense frame filled her eyesight. Kapag nasa paligid ang lalaking ito ay wala na siyang ibang makita. Daig pa niya ang kabayo na nakakoldon ang mga mata.

No. She can't do this. Even his frown looks too artistic. Physical or not, he had this touch of thrill. Conceited. Artsy. Overbearing. Seducing her inexperienced passion.

"Vhendice, kanselado ang meeting natin sa local officials ng Cogon Cruz," he informed, throwing a quick glance at her direction after a gentle flip of his dark eyelashes.

Her heartbeat squeezed her heart tightly. She swallowed the dry air loaming on her throat without taking her eyes off of him.

"Leave it to me," Vhendice's response is veiled with impatient determination. Umalis ito at naiwan siyang estatuwa sa ilalim ng presensya ni Ramses.

NS 06: KISSED BY THE FIRE ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon