Chapter 19 : It hurts, you know?

373 12 0
                                    

[A/N] :

          While reading this chapter. Please play a song. Yung pang heartbroken para feel niyo. Kung may song kayo ng Skinny love - birdy (cover by jay alan) oks yan. Pero depende sa inyo kung anong gusto niyo.

Josh POV (Yesterday Night)

          "Tao po! Tao po" sigaw ko sa harapan ng apartment nila Tine. Ibabalik ko sana itong comic book na binigay ko sa kanya nung kumain kami sa park. Naiwan kasi niya nung gumawa kami ng school works. Gusto ko kasing itago niya ito.

          "Ayy sino yan" sigaw ng isang matandang babae na papalapit na sa akin.

          "Si tine po?" paghahanap ko sa kanya. Excited na rin akong sabihin sa kanya na I like him. Ilang gabi rin akong hindi makatulog dahil iniisip kong kailan ako magkakalakas ng loob na sabihin sa kanya na I like him. Baka kasi e busted niya ako at hindi siya open sa third sex relationship. Ewan ko ba, bakit ganito? Na ako. Dati-rati wala akong nararamdaman sa lalaki pero ngayon. Look at me, patay na patay kay tine.

          "Ayy sorry hijo! May date ata sila ng roommate niya" dahil sa sinabi niya ay biglang huminto ang mundo ko. Shit. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon pero alam kong nagseselos ako at sumasakit ang dibdib ko.

          "Po? Yung lalaki po ba ang tinutukoy niyo?" tanong ko at tumango siya. Akala ko ba hindi boyfriend ni tine ang lalaking yun, sabi niya pa sa akin na hindi porket magkasama ay magkasintahan na!

           Umalis na ako sa harapan ng apartment nila ng walang sinabi at nakatulala pa rin habang naglalakad. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng pag-iyak sa mga mata ko. Tinawagan ko si Justin para uminom ng alak. At sinabi niya rin na saktong-sakto dahil nasa bar sila ngayon kasama ang pinsan niyang babae. Kaya syempre pumunta na ako doon dahil gusto ko ring uminom para mawala sa isipan ko si tine.

          Habang nandoon ako, hindi ko mapigilan ang pagtawag kay tine habang umiiyak. Lasing na lasing na rin ako kaya hindi ko na rin alam ang pinanggagawa ko. Maya-maya pa ay lumabas si Mil hanggang sa bumalik siya at kasama niya na si Tine. Sumaya ako nung nakita ko mukha ni tine at bumilis ang tibok ng puso ko. "Hmm Tine? Ikaw na ba yan?" galak kong sabi at lumapit ako sa kanya at inayang uminom kahit alam kung ayaw niya ang alak base sa kanyang mukha. Pinaupo ko siya sa tabi ko.

          "Oh, Is that your faggot friend?" justin cousin said. Dahil sa kalasingan ko kanina at galit sa kanya napagkwentuhan namin si tine. Sinabi ko rin na sumama si tine sa isang lalaki. Oo kasalanan ko na.

           "Yes, The crybaby? The stupid guy huh!" Justin agreed and laughed. Una palang ayaw na ni Justin kay Tine for me dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa akin tuwing kasama ko si tine. Yes, he knows that I like tine. Kinausap pa nga niya ako nakaraan na tigilan ko na nag feelings ko for tine but I insist.

           Dahil katabi ko rin ang pinsan ni Justin, nakita niya ang comic book ni tine sa tabi ko kaya naramdaman kung kinuha niya ito."Oh look josh! Bakit may Isang Comic book dito ng isang Marvel comics, bata ka pa ba?" sabi niya. Nakita ko na nag-iba ang expression ni tine na parang nagtataka kung bakit nasa akin ang comic book niya. Maya-maya pa ay pinunit ng pinsan ni justin ang comic book dahilan na mas nagalit ang expression ni Tine. Tumayo bigla si tine sa harapan namin without saying a word. Hindi ko na rin sinubukan paupuin at pakalmahin siya dahil ako ang may kasalanan.

           "FUCK YOUR FRIENDS, JOSH. AND YOU WORE, DON'T TOUCH MY COMIC BOOK OR ELSE YOU'LL END UP YOUR LIFE MISERY" galit na sabi ni Tine. Nagulat din ako sa sinabi niya dahil hindi ko iyon inaasahan. Bigla ko ring nakita sa leeg niya ang isang kiss mark. Kanino kaya yun galing? Ughhh Don't tell dahil yun sa roommate niya? Dahil sa nakita ko biglang uminit lalo ang ulo ko, hindi ko na napigilan dahil lasing na rin ako. Sabi nga nila kapag lasing ka, lasing ka. Hindi mo mapipigil ang emotion sa loob mo kaya bigla itong lalabas ng kusa.

          "What the heck, tine! Do you have to be such a cry-baby all the time!" sigaw ko kay tine tapos tumayo. Fuck. Did I say that? "It's sunday night! Kung ayaw mo sa mga kaibigan ko, wag mo silang husgahan" dagdag ko.

          "So? Ako pa ang nangjujudge ngayon? She called me faggot!" pagduduro niya sa babaeng pinsan ni Justin. Lalo akong nagalit dahil dinuro ni tine ang pinsan ni Justin. Oo. Alam ko na may kasalanan din tong babaeng toh. Pero sana manlang hindi niya sabihan ng isang whore ang isang babae, masakit kaya sa kanila yun lalo na't dinuro niya pa. Wala akong pinipili sa side nila but I need to stop this. What should I do? Ee kung paalisin ko kaya pinsan ni Justin dahil kasalanan naman din niya. But Justin will get mad at me, kaibigan ko na siya since elementary. Ahhhhhhh. Naguguluhan ako

          "And so? Alam mo umalis ka nalang!" sabi ko kay tine. Napagdesisyonan kong si tine nalang ang paalisin, dahil baka maintindihan niya rin ang gagawin ko and this made him cry. Umalis na siya sa harapan namin. Naawa ako sa kaya at Sinubukan kong sundan siya pero pinigilan ang ng pinsan ni Justin.

         "It's okay, don't follow him" bulong niya sa akin. Pinaupo niya ulit ako sa upuan pero I felt guilty. Tumayo ako at lumabas. But it's too late. Nakita ko siyang umangkas sa isang lalaki na nakamotor, and I think that's his roommate. Nang umalis na sila, tuluyan na akong lumabas sa bar. Without knowing na umiiyak na pala ako. Napayuko at Napahawak ako sa mga tuhod ko. At iyak lang ako ng iyak dahil ang sakit-sakit sa puso ko. Naramdaman kong may taong tumatapik sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at nakita si Justin na nakangiti. Anong problema nito? Alam naman niyang umiiyak ako tapos ngingitian niya lang ako? Pero nakikita ko rin sa kanya na nasasaktan siya base sa kanyang mga mata. Huh? Heartbroken din ba siya. Ahhh basta. Ang sakit ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak kaya niyakap ko si Justin at doon ako sa kanya umiiyak nang umiyak ng todo.

          "Iiyak mo lang yan bro!" sabi niya habang tinatapik ang likod ko.

          After that incident, I can't sleep. Naguguilty ako sa ginawa ko kay tine. Pinagsabihan ko rin yung pinsan ni Justine kung bakit niya tinawag na faggot si Tine. Ughhhhh, I think I messed up. Paano ko ba sasabihin kay tine that I'm really sorry! Huhuhuhu someone please help me. Kung kailan nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
I also told Amalia that tine is not interested in her and she almost fainted when I told her he's has a boyfriend. Sabi niya pa na ako nalang raw ang magbabalik ng Album ng ben and ben bukas. I can think about all night but right now. I need to deal with this guy.
   
      
      
~*~
  
      
  
Actually dapat may karugtong pa ito. Pero sa next chapter ko nalang ilagay. Kaya dalawa ko silang ipupublish sa isang araw. Know the drill. Like and comment your thoughts.

Thank you for reading. Muah

#2gether (Roommate Edition) [Completed] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon