Aiken's
NAGISING ako sa mainit na klima na nararamdaman ko. Napaka-init tapos nagkumot ako. Peste.
Agad akong tumayo at naligo sa cr ng kuwartong 'to. Naka-short lang ako at naka-oversize t-shirt.
Lumabas ako nang kuwarto at dumeretso sa kusina para sana mag-handa ng almusal namin ni Rico nang may makita akong notes na naka-dikit sa ref.
Salamat sa pagpapa-tulog sa'kin ngayon. Aiken-not stop myself from smiling because of what you did. Hahaha ang corny. Babalik ako mamaya Aiken. Salamat. Nagluto na din ako nang agahan mo. ❤❤
~Handsome soldier
Napangiti ako nang makita ang itlog, bacon at fried rice sa lamesa. Agad ko yun tinikman at napangiti ako ng masarap yung lasa.
Pagkatapos ko kumain pumunta agad ako sa park kahit naka-short at oversized t-shirt lang tiyaka tsinelas.
Napapangiti ako ng picturan ko ang mga bata.
"Ate, ate" tawag nung bata sa'kin. Lumuhod naman ako para mag-pantay kami.
"Ano yun baby?" Naka-ngiting tanong ko.
"Bakit lagi niyo po kaming kinukuhanan ng litrato?" Nag-indian sit ako sa bermuda grass at gumaya naman siya.
"Kasi baby si ate may sakit siya sa utak" naka-ngiti pa ding sabi ko. "Nawawala ang mga ala-ala ko kapag hindi ko nakikita or nakakasama or kahit ano minsan bumabalik din naman"
"Hala? May ganun pala ate?" Tumango ako.
"Yup, ngayon kilala kita pero baka bukas hindi na kita maalala pero" inangat ko ang camera ko at pina-kita sa kaniya. "Itong camera na 'to ang nagpapakita sa'kin ng mga memories na hindi ko na matandaan. Dinedevelope ko yung mga picture tapos nilalagay ko sa scrapbook ko" paliwanag ko.
"Ate puwede favor"
"Ano yun?"
"Picture tayong dalawa para maalala mo'ko" nakangiting sabi niya kaya napangiti ako. Agad kong kinuhanan kami ng picture na mag-kasama at pinakita sa kaniya. "Ang ganda ate"
"Salamat kung ganun"
"Sige ate babalik na'ko sa mga kalaro ko. Huwag mo'ko kakalimutan ate ha" nang tumakbo na siya palayo kinuhanan ko siya ng litrato.
Bakit wala akong litrato nila mama at papa? Nila kuya? Hindi ko matandaan. Ang alam ko lang sila mama ay patay na tapos si kuya umalis siya.
Tumayo agad ako at bumalik na sa bahay nagulat ako nang makita ang kotse ni Rico sa labas ng bahay ko.
Agad kong kinatok ang bintana ng kotse. Tinted kasi. Nang dahan-dahang bumaba ang binatana agad na nakita ko ang magandang ngiti ni Rico kaya agad ko yun kinuhanan ng litrato.
"Alam mo ba napapansin ko sa sobrang hilig mo kumuha ng litrato bawat ata magustuhan ng mata mo kinukuhanan mo" natatawang sabi niya.