Chapter 1

8 3 0
                                    

AIKEN ISABELLE'S

TUMINGIN ako sa mga bata sa park habang pini-picturan ang mga magagandang ngiti na naka-kabit sa kanilang mga labi.

I love smiles. Genuine smiles.

I took a lot of shots before I decided to sit and stare at them.

Ang mga magagandang tawa na naririnig ko mula sa mga bata na nag-lalaro. Masayang naglalaro.

Pinicturan ko ulit sila nang masiyahan ako. Napaka-saya sa pakiramdam. As in super saya.

Napa-hinto ako sa pag-kukuha ng mga litrato nang makita ko ang isang lalaki.

Isang lalaking palapit na tumatakbo sa mga bata sa park habang tumatawa.

Nakipag-habulan siya sa mga bata habang masayang tumatawa.

Pinic-turan ko sila kasama ang mga bata sa ganda nang mga ngiti na nakikita ko sa kanila.

Napaka-saya.

Madami din akong nakuhanan na picture habang nag-lalaro sila.

Pipicturan ko sana ulit sila nang makita kong tumingin sa camera ko yung lalaki.

Yung mata niya, brown. Kulay buhangin. Ang ganda. Punong-puno ng emosyon.

Pakshet.

Dahil sa gulat agad ako nag-lakad palayo at mabilis na lumayo sa kanila pero ganun na lang ang gulat ko nang may mahigpit na humawak sa braso ko.

Napa-tili ako nang mahina pero agad ding nawala namg makita at mag-tama ang aming mga mata.

Yung brown na mata niya.

Ang ganda.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang tangang gustong titigan pa ang mga mata niya.

Anong nangyayare sa'kin?

"Miss kinakausap kita" seryosong-seryosong sabi niya at pahigpit na pahigpit ang pagkaka-hawak sa braso ko.

"N-nasasaktan ako" natatakot na sabi ko.

"Sino ka? Bakit mo'ko kinukuhanan ng litrato? Anong kailangan mo?" Hindi ko siya maintindihan.

"Hindi kita kilala para sabihin ko pangalan mo pero hindi ikaw ang kinukuhanan ko. Yung mga bata. Tiyaka wala akong kailangan sa'yo" inis na sabi ko at kinuha yung braso ko.

Ahm kasama naman siya sa picturan ko pero hayaan mo na. Yung mga bata talaga dapat.

Tinitigan ko yung braso ko at nakita ko ang bakat ng kamay niya. Mahigpit kasi humawak.

"Bakit ginagawa mo yun?" This time mahinahon na siya. Tinitigan ko siya at yung mga mata niya. Ang ganda talaga. Sobra.

"Isa akong photographer" sabi ko na lang at akmang aalis na sana nang hawakan na naman niya yung braso ko kaya napa-daing ako sa sakit kasi masakit na. Ang higpit kasi nang hawak niya kanina.

"S-sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka"

"Okay lang aalis na'ko" aalis na sana ako nang kunin niya ang camera ko. "Ano bang ginagawa mo?" Inis na sabi ko.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now