Chapter 11

1 1 0
                                    

Aiken's

NANG magising ako. Agad akong lumabas pagkatapos mag-bihis at mag-toothbrush. Isa lang yung sapatos na dala ko at kulay puti pa.

"Ito gamitin mong sapatos" napa-tingin naman ako kay Rico nang ibigay niya sa'kin yung sapatos na pang-sundalo sa'kin.

"Anong gagamitin mo?" Tanong ko. Mag-katabi kaming natulog kagabi kasi dito na siya natulog.

"May extra akong sapatos" tumango naman ako at sinuot yun. Nagulat ako nang pumasok yung kasama ko sa pag-luluto kahapon.

"Ma'am puwede ho ba kayong mag-luto ngayon?" Tiningnan ko si Rico na nagpapalit ng damit at tumango naman siya.

"Sige" agad na sabi ko at umalis na agad. Sa sobrang pag-mamadali ko agad kong nabunggo yung isang sundalo. Mali, si Alice pala 'to.

"Sorry" nagulat ako nang tulungan niya ako maka-tayo. Wala na puro putik na naman ako.

"Okay lang, ayos ka lang ba?" May bahid ng pag-aalala niyang sabi.

Paano ko kakamuhian ang ganitong babae? Paano ko nagagawang ipag-kumpara kami e sobrang bait niya.

"Ayos lang salamat" tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at naestatwa siya sa sapatos na suot ko. Mukang alam niya kung kanino yun e.

"Ahm kanino 'yan?" Tanong niya agad. Yumuko naman ako.

"Kay Rico" naka-yukong sabi ko.

"R-rico?" Utal niyang sabi.

"Oo"

"Captain Ramos?" Tumango naman ako. "K-kilala mo siya?" Dahan-dahan akong tumango.

"A-ano mo siya?" Kinakabahang tanong niya pa.

Ano ko ba siya? Kaibigan? Kaibigan na laging nandyan? Ka-holding hands? Hatid-sundo? Niyayakap? Nilulutuan? Kaibigan?

Hindi ko alam.

"Kakilala" naka-yukong sabi ko.

"Kakilala lang?" Tumango ako. "May gusto ka ba sa kaniya? Mahal mo ba siya?"

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

"Hindi" pag-sisinungaling ko. Agad naman siyang naka-hinga ng maluwag.

"Thank god—oh Rico ikaw pala 'yan" napa-lingon ako at nakita ko si Rico na walang buhay na naka-tingin sa'kin. Lumapit si Rico sa'min.

"Halika na Alice" sabi ni Rico at hinawakan ang kamay ni Alice at nilagpasan ako.

"Ma'am akala ko po..." hindi matuloy na sabi nung sundalo na kasama ko mag-luto. Ngumiti lang ako at pinunasan yung luha ko.

Ilang oras pa pumasok si Kalen at tinitigan ako.

"May problema ka ba?" Tanong ni Kalen. Umiling ako. "Seryoso?" Umiling ako. Wala akong balak kausapin ang kahit sino.

Magsasalita pa sana siya nang tumawag yung boss ko.

"Bumalik ka na" seryosong sabi niya at pinatay ang tawag. Mukang kailangan ko nga.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now