Chapter 10

2 1 0
                                    

Rico's

AGAD kong tinawagan si Alas.

"Alam mo ba kung anong oras na?" Inis na sabi niya.

"Kalen" seryosong sabi ko ibig-sabihin wala akong balak makipag-biruan.

"Anong maitutulong ko?" Seryosong sabi niya.

"Malalaman mo ba kung sino talaga si Aiken?" Tanong ko habang naka-tingin sa mahimbing na natutulog na si Aiken.

"Kaya ko yun? Tiyaka madali lang yun"

"Good alamin mo kung sino talaga si Aiken Isabelle" at pinatay ko na ang tawag.

Habang tinititigan ko siya kanina sa park na umiiyak habang naka-pikit agad ko siyang kinausap pero hindi niya ako naririnig.

Tinitigan ko ang kuwarto ni Aiken at may dalawa siyang bookshelves pero puro scrapbook naka-lagay at sa loob nun mga picture ng paligid, ngiti ng mga bata, park at kung ano-ano pa.

Napatitig ako sa naiibang scrapbook na kulay white and black.

"Important memories" basa ko duon sa harap numg scrapbook. Unang pag-bukas ko nakita ko ang piraso ng papel. Isa yung sulat.

Dear Aiken,

Sa mga panahong 'to kung binabasa mo 'to ibig-sabihin nakalimutan mo na ang ala-ala mo pero ipapa-alala ko sa'yo ang ala-ala mo. Ang mga picture na nasa loob ng scrapbook na'to ay ang ala-ala mo kay Rico.

Kumunot ang noo ko. Ano 'to?

Si Rico ang kauna-unahang taong pinaramdam sa'yo na importante ka, nilibre ka niya ilang beses nung wala kang pera. Pinag-tanggol ka niya nung binastos ka. Lagi ka niyang napapasaya, lagi siyang nanjan sa tabi mo. At siya ang lalaking mahal mo. Sana maalala mo siya sa sulat na'to at sa mga larawan na makikita mo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang binabasa ko yung sulat na'to. Ang gulo. Naguguluhan na'ko.

Tinupi ko ulit yung sulat at tiningnan yung scrapbook. Unang picture nun is yung picture ko na nakikipag-laro sa mga bata. Ayun yung una kaming mag-kita.

Sumunod is yung kumain na kami, sumunod is kumain kami ng kwek-kwek sumunod is yung nilagyan ko siya ng cold compress sa braso. Sumunod yung calling card ko.

Hindi ko maiwasang mapa-ngiti kasi pati calling card ko dinevlope niya pa.

Sumunod yung picture ko nung tulog, sumunod yung naka-sundalo sumunod yung hawak ko yung kamay niya. Sumunod yung nakata-likod ako. Sumunod yung may hawak akong baril sa arcade. Sumunod yung may picture kaming dalawa na ikinangiti ko at ang pang-huli yung hawak ko ang kamay niya at nasa cinehan kami at tulog ako.

Napa-ngiti ako at sinara yung scrapbook at binalik yun sa dati niyang pinagkakalagyan.

"Lalo mo'kong ginulo" sabi ko at hinalikan siya sa noo.

______

Aiken's

MABILIS na lumipas ang dalawang linggo at mabilis na umalis si Rico siyempre nag-paalam. Hindi siya nakakapag-messaged busy siguro.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now