Aiken's
NAPANGITI ako nang makita si Rico sa tapat ng bahay ko. Naka-sandal siya sa kotse niya at ang pogi tingnan.
Agad kong kinuhaan siya ng litrato.
"Anong gingagawa mo dito?" Tanong ko at agad lumapit sa kaniya.
"Nag-bago yung plano e. Emergency" napa-tinfin naman ako.
"Hindi mo naman kailangan sabihin sa'kin" nakamgiting sabi ko.
I mean napag-isipan ko yun kagabi. Hindi naman niya ako kaano-ano or matagal na kakilala. Kaya okay lang na hindi niya sabihin.
"Ah sorry" nakita ko yung lungkot sa mata niya. "Sige aalis na'ko gusto ko lang kasi mag-paalam" sasakay na sana siya nang tawagin ko siya.
"Babalik ka ha, ililibre pa kita" nang ngumiti siya agad ko siyang kinuhanan ng litrato.
Agad siyang pumasok sa kotse niya at pinaharurot agad yun.
Malungkot akong ngumiti at sumakay sa kotse ko at minaneho yun papunta sa shop.
"Nasaan na yung costumer?" Tanong ko nang makitang walang tao bukod sa'min ni Kris.
"Ay ma'am nag-back out may nakita ma daw po siyang mas magaling na photographer pero humingi muna ng despensa"
Malungkot akong tumimgin at medyo nasaktan. I mean umasa kasi ako e.
"Ganun ba?" Tumango si Kris. "Kris baka ibenta ko na lang 'tong shop" sabi ko at agad siyang napa-tingin.
"Ma'am huwag po tayo mawalan ng pag-asa okay? Kaya ho natin 'to" tumango lang ako.
"Nga pala Kris may gyera ba ngayon?" Takang napatingin siya sa'kin.
"Wala naman pong sinabi sa balita. Bakit po?"
"Ah may kaibigan kasi ako e sundalo emergency daw at umalis na agad"
"Hindi naman po natin alam. Malay niyo ho meron" tumango na lang ako.
May giyera ba talaga?
___
Nagliligpit ako ng gamit nang may-marecieve among text.
From: Unknown
Kumain ka na?
Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya 'to?
To: Unknown
Sino ka naman?
From: Unknown
Aww lagi mo'kong nakaka-limutan.
To: Unknown
Wala ka sa phonebook ko. Sino ka?