Aiken's
AGAD akong napa-tili nang sugudin ni Rico si Kalen. Sinipa, sinapak, tindyakan, tinuhod, siniko, at kung ano-ano pa. Nag-lalaban sila pero hindi kaya ni Kalen si Rico kaya kumuha ako ng kutsilyo.
"Hindi ka titigil Rico sasaksakin kita?" Pagbabanta ko at agad naman siyang tumigil at umupo na parang maamong tupa. Pinaka-titigan ko si Kalen na dumudugo ang ilong at pumutok ang gilid ng mata at nguso.
"Ano bang problema mo sa buhay? Paano kung namatay siya?" Inis na sabi ko.
"Mabubuhay 'yan ang arte" sabi lang ni Rico at umakyat sa kuwarto.
Inalalayan ko si Kalen paupo sa couch at agad kong kinuha yung first aid kit ko.
"Sorry minsan kasi adik 'yang captain mo." Pag-hingi ko nang tawad. Ngumiti siya sa'kin.
"Salamat sa'yo nalaman ko ang sagot" isa din ata 'tong adik. Agad kong ginamot ang mga sugat niya sa muka.
"Dito ka na kumain" sabi ko at tumango naman siya.
"Nasa iisang bahay kayo?" Tanong niya. Mukang hindi alintana ang sakit sa muka. Mukang sanay na siya.
"Oo, nangungupahan siya bilang border ko sa kabilang kuwarto" tumango lang siya.
"Saglit puntahan ko lang si Rico ha" aalis na sana ako nang marinig ko ang tunong ng cellphone niya. Tiningnan niya yung nag-message at bigla nalang tumayo si Kalen.
"H-hindi na pala ako kakain dito. B-bye salamat"
"By the way ako nga pala si Aiken"
"Nice to meet you Aiken" sabi niya at nagmamadaling umalis.
Agad ko namang pinuntahan si Rico sa kuwarto niya.
"Ano bang problema mo at binugbog mo yung tao?" Inis na singhal ko.
"Ikaw? Anong problema mo at nag-sama ka ng hindi mo kilalang tao sa bahay mo?"
"Kilala mo naman siya"
"Hindi ko siya kilala" mabilis na sabi niya. Umiling na lang ako parang sira.
"Bakit mo ba binugbog yun?"
"Siya yung kaibigan na sinasabi ko na nag-mamahal kay Alice" agad akong naestatwa sa narinig.
Alice na naman.
"Nagalit lang ak—"
"Nagalit ka kasi nag-selos ka sa kaniya kay Alice?" Kinakabahang tanong ko. Hindi siya sumagot. Mukang ganun na nga.
Ang bobo mong literal Aiken. Bakit mo kasi sinabi yun?
Napa-pikit ako at agad na nakita ko ang kutsilyo at tubig.
Ano na namang ala-ala yun?
Dumilat ako at tinitigan ang lalaki sa harap ko.
"Teka sino ka?" Kunot noo kong tanong. Napakunot din ang noo niya.
"Anong trip mo?" Tanong niya.