Alpha Team

1 0 0
                                    

Rico's

"Nung una kitang nakita akala ko pagka-awa lang ang nakikita ko sa'yo pero nag-kamali ako kasi nahanap ko na ang tahanan nung puso ko" gusto kong yumuko sa pang-gagaya ni Spartha sa ginawa ko.

Nasa bar kami ngayon kahit umaga celebration daw sabi nung mga tukmol kasi sinagot ako ni Aiken. Nasa trabaho si Aiken ngayon.

"Tang*na captain sa'n mo nakuha yun? Pero nag-kamali ako nahanap ko na tahanan nung puso ko" tatawa-tawang pang-aasar ni Pepe. "Ang arte mo Rico hahaha" uminom na lang ako ng alak.

Mga hindi lang minahal kaya ganun.

Pumunta sa gitna si Alas nasa vvip room naman kami ng Bar. Kapag nandiyan si Aiken ang tino-tino pero kapag wala mukang tanga na.

"Meron pa siyang sinabi na paano mo nagagawang maging matapang kahit alam mong hindi kita mahal?" Pang-gagaya ni Alas.

"Akala niyo ba nahihiya ako? Proud ako kasi mahal ko si Aiken" naka-ngiting sabi ko.

"Ako naman ang magiging matapang ngayon Aiken para sabihing mahal kita" tatawa-tawang sabi ni Viper. "Ulol ang korny mo haha. Kapatid ko pa talaga inano mo" dugtong niya pa at duon nag-katinginan kami ni Alas at bumuntong hininga.

"One step closerrrr." Pag-kanta ni Pepe. "Tapos nag-english pa nga ang loko" pang-aasar niya pa.

"Tapos may pick-up line daw na pang-sundalo. Ulol hahaha pigil kaya namin matawa" si Spartha.

"You are my important mission keneme ang korny mo, Agila" si Alas at kumanta na. "One step closerr" uminom na lang ulit ako.

Basta ako masaya ako kasi maayos na kami ni Aiken.

"Pero seryoso tayo" at lahat naman kami sumeryoso sa sinabi ni Pepe. Tumayo siya sa gitna at kinuha yung mic kay Alas. Si Alas naman umupo sa tabi ko.

"Masaya ako para sa'yo sobra mahal kong Captain na agila pero walang pakpak. Nung naging kayo ni Alice sinabi mo lang mahal mo siya tapos kayo na agad tapos si Aiken kumanta ka captain. Hindi kapani-paniwala at sana captain hindi mo saktan si Aiken. Kasi once na sinaktan mo yung babaeng yun. Kahit Captain kita hindi kita sasantuhin" seryosong sabi ni Pepe kaya ngumiti ako. "Sana maging masaya kayo" agad namang pumalit si Viper sa kaniya.

Mukang tanga lang bakit kailangan naka-mic?

"Masaya ako sa'yo Agila kasi nalinaw mo sa sarili mo na wala na talaga si Alice diyan sa puso mo. Hindi namin ganun katagal na nakilala si Aiken pero tumagos agad siya sa puso namin" nagsitanguan naman yung mga tukmol na iki-nangiti ko. "Para ko na talaga siyang kapatid kasi bukod sa kapangalan niya si Aiken na kapatid ko kasing bait niya pa. Rico kahit ang corny mo tanggap kita minsan lang mag-salita ang Agila kaya siguro nilubos mo na pero kapag sinaktan mo si Aiken. Wala kang pakpak pero gugustuhin mong lumipad"

Agad naman siyang tinulak ni Spartha at pumalit.

"Hindi ko alam na ganiyan ka pala mag-mahal? Bakit pakiramdam ko nagcecelebrate tayo kasi kasal mo na bukas? Pero Agila alam kong alam mo na mabait si Aiken kaya huwag mo siyang sasaktan. Nagpapasalamat ako kasi sa wakas nalaman mo na mahal na mahal mo siya at hindi mo kayang mawala siya. Yun lang I love you" agad akong napa-iling nang mag-flying kiss si Spartha. Kadiri amputa.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now