Chapter 7

1 1 0
                                    

Aiken's POV


"ANO bang gagawin ko? I mean nagseselos ako kapag about sa Alice na yun. Nasasaktan ako kapag pinagtutulakan ko siya duon. Bumibilis tibok ng puso ko kapag malapot siya sa'kin. Ano yun? Kris ano yun?" Naka-rinig ako nang buntong-hininga sa kabilang linya.

"Mahal mo siya Ma'am"

"H-hindi. I-i mean in that short time? Mamahalin ko na agad siya? Wala pang tamang panahon"

"Kailan ba nag-karoon ng tamang panahon? Kahit kailan walang tamang panahon ang pag-ibig dahil kusa yung dumadating"

"Kung mahal ko siya... may m-mahal naman siyang iba" malungkot na sabi ko at parang piniga yung puso ko.

"Isinuko mo na ang pangarap mo Ma'am at huwag mong isuko sa pagkakataong ito ang lalaking mahal mo"

"Paano ko yun gagawin?"

"First be yourself ma'am yun lang po" nag-pasalamat mo na ako sa kaniya bago umalis.

Kahit na ipakita ko pa sarili kong ako, kung may mahal siyang iba sa tingin niyo mamahalin niya ako?

Agad ko siyang tinext.

To: Rico

Kumain ka na? Kakatapos ko lang. Kamusta?

Napa-ngiti ako nang makita siyang nag-reply agad.

From: Rico

Mas masarap luto mo wala akong gana🥺

Natawa naman ako sa emoji na nilagay niya. Ang cute pakiramdam ko naka-pout siya.

To: Rico

Kumain ka diyan huwag ka mag-palipas ng gutom.

From: Rico

Opo, captain

Napa-ngiti naman ako sa 'captain' na nakalagay.

To: Rico

Sige kumain ka na ha matutulog na'ko mag-ingat ka diyan.

From: Rico

Makikita mo'ko sa panaginip mo kaya huwag ka kiligin.

Natawa lang ako at hindi na nag-reply.

Posible kayang mahal ko siya? Kung mahal ko siya bakit ako nagdududa? Kung hindi ko siya mahal bakit ako nasasaktan? Anong nangyayare sa'kin?

_______

Rico's


TINAGO ko yung cellphone ko at hinarap sila Pepe.

"Sino 'yun?" Tanong ni Viper.

"Ang alin?" Inosenteng tanong ko.

"Sus ang agila lumilipad na ulit" pambibiro ni Pepe. Tumingin ako sa kaniya.

"Uy di na siya broken" pang-aasar ko. Sumama naman agad yung muka niya kaya natawa ako.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now