Chapter 2

3 2 0
                                    

Aiken's






HINDI ko alam kung saan ako pupwesto sa shop. Wala naman kasing costumer bakit bubuksan pa?

"Umuwi ka na Kris. Wala kasi talagang costumer e" malungkot na sabi ko.

"Tiwala lang Ma'am tiwala lang" pang-checheer up niya.

Sumandal ako sa swivel chair ko at bumuntong hininga.

"Kris kapag sa isang buwan wala pa rin tayong costumer ibebenta ko na lang 'tong lupa ko" agad naman tumingin si Kris.

"Ma'am saksi ako sa paghihirap niyo dito at kung gaano niyo kahilig 'tong larangang 'to kaya huwag niyo hong sukuan.

Sasagot na sana ako ng may tumawag sa number ng shop.

"Baka costumer Ma'am sagutin niyo" naka-ngiting sabi ni Kris. Agad naman akong tumango.

"Hello? Isabelle's Photo shop. Who's this? Please" magalang na sabi ko.

"Ahm puwede ba'kong magpa-reserve baka two days pa'ko maka-punta diyan kasi may inaasikaso ako pero gusto ko sana magpa-photo shoot"

Napa-kunot noo ako. Parang kilala ko 'to.

"Ahm medyo busy po kami at punong-puno po schedule namin pero gagawan namin ng paraan" pagsisinungaling ko. Napa-tingin naman si Kris.

"Okay thank you" sabi nun at pinatay na.

"Oh tingnan mo Ma'am. Sabi sa'yo tiwala lang e"

Natawa naman ako. Kinuha ko ang camera ko at tiningnan yun.

Napangiti ako nang makita ang mga bata na nakangiti. Naglalaro at buhay na buhay ang litratong kinukuha ko dahil sa mga ngiti nila.

Tiningnan ko pa yung iba at hindi ko pa kung may makikita ako nang makita ko ang isang ngiti ng isang lalaking guwapo  sa litrato.

"Rico" bulong ko. Agad kong tinanggal ang memory ko at nilagay sa computer para madevelope ko ang picture niya.

Dinidevelope ko ang picture na sa tingin ko nakakapag pasaya sa'kin. Kaya mahilig akong kumuha ng litrato kasi baka makalimutan ko 'to.

May dementia ako kaya nawawala ang ibang ala-ala ko minsan pero bumabalik din naman agad. Katulad kay Rico 'di ko matandaan pangalan niya nun pero ngayon na masaya yung ngiti niya napapangiti ako.

Ang dementia ang dahilan kung bakit wala ang kuya ko. Hindi naman niya ako iniwan pakiramdam ko lang kasi hindi ba niya ako hinahanap?

May sakit ako at sooner or later mawawala na lahat ng memories ko.

Agad kong dinikit sa scrapbook ko ang picture ni Rico.

Mabilis na dumaan ang dalawang araw at siyempre isa lang ang costumer.

"Anong oras pupunta yung client?" Tanong ko kay Kris.

"Mamayang one pm po Ma'am" tumango naman ako.

"Ahm pupunta ako sa doctor ko ngayon mga one siguro nandito na'ko" tumango lang si Kris at agad kong kinuha ang kotse ko at pinuntahan ang doctor ko.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now