Chapter 14

2 0 0
                                        

Aiken's

"NABALITAAN ko yung ginawa mo sa mama ni Spartha" napa-tingin ako kay Rico na bagong ligo at tumabi sa'kin. Bumuntong hininga ako.

"Nagalit lang ako. Lahat ng tao walang karapatan maliitin ang kapwa tao kamag-anak niya pa man yun o hindi" seryosong sabi ko.

"Naiintindihan kita"

"Pero natatakot ako baka nagalit sa'kin si Spartha" naka-yukong sabi ko.

"Bakit magagalit? Para nga yung asong ulol na naka-ngiti habang kinukuwento kung paano mo siya ipagtanggol" napa-ngiti naman ako.

"By the way kailan kayo babalik?"

"Aww pinapaalis talaga kami"

"Hindi yun-" naputol ako sa pagsasalita nang makita kong tumawag ang boss ko.

"Sir-"

"I'm so sorry" sabi niya tapos namatay ang linya. Ang wierd nung boss ko sa totoo lang.

"Bakit daw?" Tanong ni Rico.

"Panget ka daw"

"Kaya pala pinag-aagawan niyo ko ni Alice" confident niyang sabi.

"At sayang-saya ka"

"Siyempr-hindi nga e" bawi niya agad nang makitang sumama ang tingin ko.

"Ano ba tayo?" Deretsang tanong ko kay Rico. Hindi naman niya ako mahal pero hindi sila ni Alice ang gulo kasi.Tumingin siya sa'kin at bumuntong hininga.

"Tao" agad kong hingis yung unan sa kaniya. Walang oras na makaka-usap ko siya ng matino. "Biro lang" nakangiti niyang sabi tapos sumeryoso. "May nililinaw pa kasi ako na isang bagay"

"Ano naman yun?"

"Yiie curious" tumayo na lang ako at hindi siya pinansin. Bakit ko ba minahal yun?

Nag-lalakad ako sa may Village nung makita ko si Spartha agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Kamusta?" Tanong ko. Ngumiti siya sa'kin ng malungkot.

"Nahihiya ako kasi nakita mo pa yung ginawa nung mama ko" malungkot akong tumingin sa kaniya.

"Bakit ginaganun ka ng mama mo?" Tanong ko.

"Namatay yung kambal ko dahil sa'kin gusto ko kasi bumili nun ng ice cream tapos nag-pasama ako sa kambal ko tapos naaksidente siya. Ako sinisisi ni mama sa pagka-matay niya although tama naman si mama" malungkot na sabi niya.

Masakit bilang magulang ang mamatayan ng anak kaya hindi ko masisi ang galit ng mama niya sa kaniya. Pero mas masakit sa anak ang itrato ka ng magulang mong hindi ka niya mahal.

"Wala akong matutulong sa'yo sorry kasi wala talaga e. Pero nandito lang kami para sa'yo." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Salamat ang bait mo Aiken" ngumiti naman ako.

"So boto ka sa'kin kay Rico?" Pag-bibiro ko.

"Kaibigan ko kayo ni Alice pareho" tumango-tango na lang ako. Malas.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now