Aiken's
NAPATITIG ako sa magka-hawak na kamay namin ni Rico. Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang mahawakan ang kamay niya na walang iniisip.
"Ang saya ko ngayon" bulong ko. Ngumiti naman ako at niyakap siya.
"I love you"
"I love you too Aiken" at duon hinalikan niya ako sa labi.
______
Hindi ko mapigilan ang pagaalala nang makita sa balita na ilang buwan pa aabutin bago makuha yung part ng Mindanao sa mga terorista.
Nag-aalala na'ko ng sobra kila Rico.
____
Rico's
"May mga hostages, team at... stay alive" seryosong sabi ko.
Hawak ko ang Uzi ko at isang c4 na lang ang natitira sa'kin.
"Captain" napa-lingon kami sa nag-salita. Napa-kunot ang noo namin nang makita si Alice.
"Anong ginagawa mo dito?" May bahid na inis na sabi ko.
"Kaya kong makipag-laban din sundalo din ako in the first place" katwiran niya. Mag-sasalita pa lang sana ako nang may nag-paulan sa'min ng bala.
Punyeta.
"Pepe nakikita mo ba sila?" Tanong ko sa walky talky.
"Yes Agila ako na bahala" sniper si Pepe at malayo siya sa'min kasi nasa taas siya nung building at siya ang nagsisilbing mata namin.
Nang tumahimik ang kapaligiran.
"All clear" sabi ni Pepe.
"Move" sabi ko at agad naman nila akong sinunod hinarap ko muna si Alice. "Hindi ito ganuon kadali katulad nung akala mo. Ang trabaho natin mag-ligtas ng tao hindi dumagdag ng ililigtas." Sabi ko kay Alice at nanguna na.
Nakipag-palitan kami ng bala sa kalaban punyeta kailan sila mauubos.
Naghiwalay-hiwalay kami nila Alas nang maka-pasok sa building. Pumunta ako sa pinaka-tuktok nung building at matalas ang mata na nagmamatyag.
Palakad na sana ako nang may bumaril sa'kin at mabuti na lang at hindi siya asintado.
Bobo.
Agad akong lumabas at mabilis na pinaputukan yung bumaril sa'kin na agad naman bumulagta. Nang tingnan ko yung baril ko wala na'kong bala.
Patay na.
Meroon akong isang kutsilyo, pistol, at c4. Ayun na lang ang pang-laban ko. Agad kong kinuha yung pistol at nag-matyag ulit.
May sumugod sa'kin isang lalaking may kutsilyo at agad ko itong binaril sa ulo.
Nakarinig ako ng iyak ng mga bata at sinundan ko yun.
"Alas top floor nakita ko na mga hostages guard us" sabi ko sa walky talky
"Copy Agila" sagot ni Alas. Agad kong nilapitan yung mga bata na umiiyak. Nasaan ang mga pamilya nito?