Aiken's
NAPATINGIN ako ng seryoso kay Rico. Hindi ako maka-paniwala.
"Bakit? Wala ka bang matirahan?" Takang-tanong ko.
"Meron"
"Eh bakit uupahan mo yung kuwarto"
"Sabihin na lang natin na gusto kong tumulong sa'yo pero pareho tayong makikinabang sa gagawin ko"
"Nag-sasayang ka ng pera sa gagawin mo"
"Ako? Sa buhay na nakagisnan ko baka barya lang ang ibabayad ko sa'yo kung sakaling umupa ako"
"Teka sino ka nga ba talaga?"
"Rico Ramos" simpleng sagot niya.
"Alam ko pero background?"
"Ahm ang pamilya ko may business tapos papa ko sundalo" simpleng sagot niya. Oo ang dami kong malaman nakakatuwa naman.
"Ahm ikaw na rin ba bumubuhay sa sarili mo?" Tanong ko. Agad naman siyang tumango.
"Oo naman, masarap sa pakiramdam na dugo't pawis mo ang perang ginagamit mo. Meron akong condo pero wala akong bahay hindi naman ganuon kalaki kita naming mga sundalo pero ang kita ko is tama lang para sa sarili ko pero ang mas masaya para sa'kin e yung mag-lingkod sa bansa na walang hinihinging kapalit bukod sa maging ligtas kayong mga kapwa ko pilipino" naka-ngiti niyang sabi at parang sayang-saya sa topic na'to.
Kung gaano kaikli ang sinabi niya sa magulang niya ganun naman kahaba ang sinabi niya about sa trabaho niya.
"Buti hindi nag-aalala yung mama niyo sa inyo ng papa niyo?"
"Nag-aalala din yun pinapakita nga lang na matatag siya" tumango na lang ako.
Puwede ko naman pa-upahan yung kabilang kuwarto para may pagkukunan ako ng income 'di ba? Puwede yun.
"Ahm payag na'ko" agad naman siyang ngumiti.
"Ahm fitheen thousand para kuwarto okay na ba yun?"
"What the... ang laki nun"
"Deal?"
"Kakapalan ko na muka ko ha dahil kailangan ko naman. Sige deal" nahihiyang sabi ko.
"Sige border mo na'ko ngayon" inilahad niya yung kamay niya at agad ko naman yung tinanggap.
Ang lambot talaga nung kamay niya sobra.
"Ahm kailan ka lilipat?" Tanong ko.
"Ngayon, nasa kotse mga gamit ko" agad naman siyang tumayo at nagulat ako nang may makitang tatlong bag. "Hindi ko na dinala lahat kasi hindi ako sigurado kung papayag ka e" natatawang sabi niya.
"Gusto mo tulungan na kitang mag-ayos?" Tanong ko.
"Aguy hindi na" natatawang sabi niya at hindi na'ko nagulat nang mabuhat niya lahat ng yun at umakyat sa hagdan.
