Chatper 6

1 1 0
                                    

Aiken's



HINDI ko alam kung sasapakin ko ba si Rico sa pang-iinsulto nung shop ko e pero tama naman siya. Hindi ko naman kailangan mag-sinungaling.

"Sorry talaga Aiken hindi ko talaga alam" naka cross fingers pang sabi niya.

"Hayaan mo na nga tulungan mo'kong mag-ligpit ng gamit" sabi ko na lang. Kinuhanan ko muna yung shop ko ng litrato bago ito iwan.

Hindi ko maiwasang maiyak kasi ang tagal kong pinag-hirapan 'to pero ngayon kailangan ko nang bitawan.

Nang matapos kaming mag-ligpit inantay ako ni Rico sa labas. Pinakatitigan ko pa yung shop ko na wala ng laman.

"Thank you sa memories" sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Rico nang maka-pasok ako sa kotse. Siya yung nagda-drive na.

"Saan tayo punta?" Tanong ko.

"Saan mo gusto?"

"Sa park" sabi ko. Agad naman siyang tumango at pumunta kami sa park. Nang maka-baba kami at agad akong napa-tingin sa mga bata.

Umupo ako sa isa sa mga upuan at tinitigan sila. Naramdaman kong tumabi sa'kin si Rico.

"Aalis na'ko bukas uupo lang tayo dito?" Tanong niya. Tinitigan ko siya.

"May babae din ba sa army?" Tanong ko. Napa-tingin naman siya sa'kin at agad kong nakita ang lungkot niya sa mga mata pero agad naman niya yun naalis.

"Oo, meron pero yung iba nasa mga papeles naka-toka tapos yung iba... army doctor" med'yo nahirapan pa siya nung sinabi niya huli.

Siguro isang sundalo si Alice tapos Army Doctor.

"Ah ang cocool siguro nila 'no?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang hindi mag-tanong about duon sa Alice.

"Okay lang naman"

"Eh yung mga Army doctor? Gusto ko din maging Army Doctor" pagsisinungaling ko.

"Huwag na. Hindi bagay sa'yo" napanguso ako. "Ang cute mo" biglang sabi niya kaya napa-titig ako sa kaniya.

Ang cute ko daw? Parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Magaganda ba yung mga babae sa Army?" Tanong ko. Bumuntong hininga naman siya.

"Anong alam mo?" Mahinahong tanong niya. "Isa akong sundalo at nakaka-basa ako ng kilos ng tao"

"Anong? Anong alam ko? Wala ha. Curious lang ako sa mga sundalo" pagsisinungaling ko.

"Nabanggit ko siguro yung babaeng mahal ko nung lasing ako kagabi" yumuko lang ako.

Dapat hindi ko na tinanong. Buwisit na Alice na 'yan.

"Ah oo hehe sorry ha. Na-curious lang kasi ako e" kunyareng natatawang sabi ko.

"Muka akong tanga siguro kagabi?"

"Umiyak ka lang naman tapos inakala mong ako... yung babaeng mahal mo" naka-yukong sabi ko.

Distinctive LoveWhere stories live. Discover now