Aiken's
"BAKIT nandito kayo?" Takang tanong ko. Maaga akong nagising dahil mag-luluto ako ng almusal namin ni Rico. Tulog pa siya ngayon. Naabutan ko sila kuya sa sala na prenteng naka-upo habang nanunuod ng TV.
"Ahm ako nag-jajogging tapos nadaanan ko bahay niyo inakyat ko tapos pumasok ako" prenteng sabi ni Spartha habang nanunuod.
Trespassing. Akyat bahay.
"Ako naman bumili ng medyas napa-daan ako sa bahay niyo kaya—"
"Umakyat ka din?" Takang tanong ko kay Pepe.
"Hindi kumatok ako at pinag-buksan niya ako" sabi niya at tinuro si Spartha.
Lier. Wala namang tindahan malapit dito.
"Ako napa-daan lang kasi nag-papakain ako ng aso tapos nakita ko bahay niyo—"
"Tapos pinag-buksan ka ng pinto?" Tanong ko kay Kalen.
"Hindi, umakyat ako tinamad na tumayo si Spartha samantalang si Pepe tamad naman talaga" umiling na lang ako.
Lame reason.
"Nasaan ang aso?" Takang tanong ko.
"Pinakain ko nga"
"Kaya nga nasaan nga?"
"Pinakain ko nga sa aso" lahat kami napa-tingin sa kaniya.
Yung aso? Pinakain sa aso?
"Hugis aso yung dog food nung aso sa kalsada. Dog lover ako pasensya" tumango-tango lang ako. Tumingin ako kay kuya kung may rason siyang pang-tanga.
"Ako pumunta talaga ako. Makiki-kain lang" lahat naman sila sumang-ayon kay kuya. Mga gusto lang pala maki-kain.
Nag-luto ako ng fried rice, hot dogs, hams, bacons, at eggs. Sakto namang pumasok si Rico na kunot ang noo kaya natawa ako.
"Anong ginagawa nung mga yun dito?" Inis na sabi niya.
"Makiki-kain" simpleng sabi ko. "Tapos na'ko tawagin mo na sila" tinawag din naman niya. Wala pang isang segundo lahat sila naka-upo na.
Kaniya-kaniyang kuha at parang wala ng paki-elam sa mga tao kung may kakain pa o wala kaya nag-luto na lang ulit ako.
"Hindi ka pa kakain?" Tanong ni Rico.
"Kulang pa ata sa kanila 'yan e mag-luluto na lang ulit ako" sagot ko.
"Sige sabay na tayo" sabi ni Rico at hindi na muna sumandok ng pag-kain. Ngumiti naman ako.
"May milk o wala?" Tanong ko kay Rico. Ngumiti siya sa'kin.
"Wala" agad akong gumawa nung kape niya na walang milk at binigay yun sa kaniya. Ang ininom ko naman is hot chocolate dahil ayaw ko sa kape.
"Kami wala?" Si Kuya.
"May milk akin" si Pepe.
"Sa'kin walang sugar pero may milk" si Kalen.
"Ako naman gatas" si Spartha.
