CHAPTER 2
Nagising ako sa tunog ng alarm clock.
7 30AM. Apat na aras palang ang naitutulog ko. Tinignan ko ung cellphone ko to check on my schedule. May klase pa kasi. Napansin kong may message si dad kaya naman I clicked on it to see what it says.
"Lauren, I'll be away to Singapore til tomorrow. Take Care of yourself. Love, Dad"
Hays, magisa nanaman kasama si Manang. Wala na kasi si Mommy, nasa Heaven na. Kaya naman ayan si dad, nagpapakalunod sa trabaho.
Bumangon ako at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos nun eh nagbihis na ko at tumuloy na sa baba para kumain ng umagahan.
"Good morning, Lauren" nakangiting bati ni manang, para ko na rin syang nanay kaya naman may respeto ako sa kanya, ni hindi na nga nakapag asawa yan sa kaka-alaga sakin.
"Good morning rin po" nakangiti ko ring bati at lumakad na papunta sa lamesa para kumain, isinubo ko ang isang kutsarang noodles at nginuya ito.
"Ah, sha nga pala, ung daddy m-"
"Yes manang, I know. Nasa Singapore po." nakangiti kong sinabi at nagpatuloy sa pagkain.
"Oo nga pala Lauren, dinala ng dad mo ung kotse nya. Nasaan ba ung sayo?" nandilat ung mata ko at napalagay ng kaliwang kamay sa noo. Oo nga pala, nasa office. Damn. Paano ako papasok nito?
Naisip kong mag taxi na lang.
No big deal, marami naman jan.
Pagkakain eh umupo ako sandali sa sofa sa living area. Nanood ako ng cartoons, spongebob.. Un kasi ang paborito ko. Hindi ko namalayan na naiglip na pala ako. Ginising ako ni manang na akalang naka-alis na ako.
Damn. I'm late for class. Hinatid nya ako at tinulungan para pumara ng taxi. Shit lang. Kung kelan kailangan -- lahat may sakay.
Biglang may tumawag sakin at napalingon naman ako. Kunot noo. Nakita ko si Matthew nakangiti. Isang janitor sa school. Di ko alam na may sideline pala toh na tricycle driver.
"Miss Lauren, sakay na po kayo!" Pasigaw nyang sinabi kasi nga maingay dito dahil sa mga jeep.
Tinignan ko si manang na sya namang sumenyas at sinabing "wag na" kay Matthew.
Hinawakan ko sya sa balikat at sinabing okay lang at tumakbo naman ako at sumasakay sa tricycle. First time kong sumakay dito kaya naman kahit na late eh na-excite ako. Di kasi pumapayag si dad na sumakay ako sa ganito.
"Salamat ha." Nakangiti kong sinabi kay Matthew. May itsura naman sya. Hindi mukhang mahirap dahil nga maputi at sobrang gwapo.
"Walang ano man po Miss Lauren"
"Gaanong katagal ba byahe?"
"Sampung minuto lang po." Malambing nyang sagot.
Nang makarating kami sa school eh inabutan ko sya ng 100pesos. Pamasahe. Mejo namula sya at tumanggi.
"Bakit naman? Bayad toh noh" Kunot noo kong sinabi at inabot sa kanya ng mas malapitan ung pera.
"Wag na po Miss Lauren." Nakangiti nyang sinabi at shit, ang gwapo nya.
Nakakausap at nakaka-kwentuhan ko rin kasi sya tuwing break time namin at tuwing uwian. Kaya kilala nya ako.
Maraming may kilala jan kasi nga mabait at kahit na hindi nag aaral eh matalino. Kaya naman maraming lumalapit jan para magpatulong sa mga assignments.
Tumingin ako sa relo ko ng kunot noo, late na late na kasi ako sa class. Lumakad na ako papalayo at nagpasalamat ulit.. Papalayo na sana ako ng lumingon ako ulit. Natuwa ako ng makita ko syang idino-doble na ung uniform nyang pang janitor.
"Ah, Matt(tawag ko sa kanya) Since ayaw mo naman tanggapin ung bayad ko, lunch nalang tayo ha? Kita tayo dito mamayang lunch break."
Hindi imbitasyon yon.
Kundi isang statement.
^____________^
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
RomanceHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?