#CHAPTER 3

125 3 0
                                    

 CHAPTER 3

Matthew's POV

Nakausap ko ulit si Miss Lauren.

Naging pasahero ko pa nga sa tricycle eh. Ang ganda nya tyaka ang bango. Hindi ko inakala na sasakay pala sya sa isang tricycle. Sa yaman ba naman nila.. diba?

Hanggang pangarap na lang yan sa mga katulad ko..

Inaya nya rin pala ako na mag lunch kasi nga tinanggihan ko ung bayad nya. Sino ba naman kasi magbabayad ng ganung kalaki sa sandaling byahe lang. Parang wala lang ung pera sa kanila. Samantalang 100pesos lang araw araw eh makakain na ako.

Nandito na pala ako sa pwestong pinag-usapan namin kung saan kami magkikita. Para dun sa tanghalian.

Mejo nauna na ako kasi nakakahiya naman kung paghihintayin ko ang isang DE LA VEGA.

Nagaayos ako ng buhok ng makita ko sya. Kahit malayo eh napaka-ganda parin nya. Swerte ng magigiging boyfriend ni Miss Lauren.. Kasi maganda na, mabait pa. Napaka-ano ba ung tawag sa english nun? Humble? Iyon.

"Huy, Nanjan ka na pala, matagal ka na ba jan?" Nakangiti nyang tanong.

"Hi-hindi n-naman" Bakit bigla akong nagkakandabulol. Ano ba yan.

"Oh sha, tara na." Nakangiti nyang sinabi at papara na dapat ng taxi ng bigla nya akong napansin na namumula.

"Ah, Miss Lauren, pwede po bang sa tricycle nalang tayo? Allergy po kasi ako sa aircon" Napatawa sya ng konti. Nakaka-inlove ang tawa nya. Lalo syang gumaganda. Lalo akong nanliliit.

"Ah, ganun ba.."

"Oho, dito na lang po tayo, ako magda-drive to keep you seyp(safe)"

Ngumiti lang sya at sumakay na sa sidecar. Itinanong ko kung saan ba ung lugar pero bigla akong nahiya. Kasi alam ko na mamahalin ung restaurant na un..

"Ano ka ba Matt, pinagbigyan na kita dito sa tricycle ha."

"Pero Miss Lauren.. Nakakahiya naman ho, mapapagastos kayo, marami akong kumain eh"

"Ano ka ba, minsan lang naman dalian mo na."

"Di po ba kayo nahihiya na tricycle lang ang sakay nyo papunta sa mamahalin na restaurant..?"

"Ano ka ba, maganda naman ung sakay at ung driver, dalian mo nalang kasi Matt, dami mo pang arte, mamaya maya lang may class na ulit ako.."

Napaka-deretso magsalita nitong si Miss Lauren. Ung bang parang lahat ng sinasabi nya kailangan masusunod. Na iyon dapat.

Wala na akong nagawa at pumunta na kami sa restaurant.

Kinakabahan ako dahil nga napaka-desente ng lugar. Tapos ung mga suot ng mga tao sobrang gagara.

"Table for two" nakangiting sinabi ni Miss Lauren at pinasunod namin kami ng waiter.

"Miss Lauren ang ganda pala dito." Nakangiti kong sinabi at napansin ung iba't ibang klase ng kutsara at tinidor.

"Dami naman ng kailangan gamitin ng mayayaman, kami isang klase lang, mas madali. Haha"

"Loko ka talaga, sha at umorder ka na" Inabot sakin ung lista ng pwedeng orderin at nanlaki ung mata ko sa presyo.

"Miss Lauren ang mamahal naman nito" nahihiya kong sinabi.

"Hindi yan umorder ka na lang kasi.."

"Okay ho, ano po ba toh, itong la-sagg-na?"

"Ah, lasagna(la-san-nya)" Nakangiti nyang sinabi at sinabi sa waiter ung orders namin.

"Ikaw ha, sa tagal na nating nagkwe-kwentuhan di mo manlang nakwento na may sideline kang ganyan," nakangiti nyang sinabi

"Di naman ho importante un. Kailangan lang talaga kumayod para naman maka-ipon para makapag tapos na ako at matulungan ko na si nanay" nakangiti kong sinabi. Un naman kasi ang tanging pangarap ko. Mai-ahon si nanay sa buhay. Para di na kami kinakawawa.

Tumango tango si Miss Lauren at napangiti "Bait mo naman pala, ah, wag mo na akong tawagin na Miss Lauren. Lauren nalang."

"Nakakahiya naman ho, di naman tayo ganung ka-close tyaka h-" naputol ang sasabihin ko.

"Wag mo narin akong ho-in, eh ung tatay mo?"

"Wala na ho."

"Wala na?"

"Lasinggero ho kasi.."

"Ah sorry.."

"Di pa sya patay Miss Lauren, Este Lauren, nilayasan lang namin kasi binubugbog nya si nanay" mahina kong sinabi.

"Ah.." mahina nyang sinabi at dumating naman ang order namin "Kain na."

Masarap pala itong lasagna. Mejo natawa ako at napatingin naman si Lauren.

"Masarap pala toh." Napangiti sya at napatango.

Nang matapos kami kumain eh hinatid ko na ulit sya sa school at nagbalik na ako bilang janitor.

Nakita ko syang pauwi na at ngumiti naman sya at lumapit naman ako. Hindi ko alam pero merong parang nagsasabi sakin na lapitan ko sya. Sweldo ko naman kasi ngayon kaya naman naisipan ko na ilibre sya.

"Miss Lauren, este Lauren, pwede ka bang maayang kumain sa labas?"

Napangiti sya "Saan naman?"

"Jan lang ho sa may palengke, di ko kayang manglibre sa restaurant eh," natawa ako sa sarili ko, at napakamot sa ulo "Marami kasing mabibiling pagkain jan sa gabi."

Tumango sya at ngumiti, "San tayo sasakay?"

"Sa BMW ko ho" Lalong lumaki ung ngiti nya ng itinuro ko ung tricycle.

Sumakay sya sa loob at nagdrive na kami paalis. ^_________^

. . .

Simpleng Tao (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon