#CHAPTER 8

97 4 0
                                    

CHAPTER 8

Lauren's POV

Ng pumasok ako sa loob, napansin kong wala na si dad. Nasa office siguro..

"Lauren," napalingon ako at napangiti ako kay manang.

"Napansin mo ba ung mga shrubs dun sa labas?"

"Yep, most certainly, maganda nga eh."

"Ung gwapong tricycle driver kahapon ang gumawa nyan."

Napangiti ako. Alam ko naman kasi. Nakasalubong ko sya kanina.

"Ah ganon po ba,"

Napangiti ako lalo at tumaas na para maligo. Sobrang init sa labas.

"Kumain ka na ba?" Pahabol na tanong ni manang.

Patuloy akong tumaas at sumagot ng, "Yep,"

Stephen's POV

Nandito ako ngayon sa office.

Dahil nga ipinatawag ako ni Pa.

Bubuksan ko na sana ung pinto sa office ni Pa ng marinig ko ang usapan nila ni Tito De La Vega.

"Ah! Your son is definitely the type of guy i'm looking for!"

Ako?

"So, When will the wedding take place? And have you informed Lauren?"

Wedding? Lauren?

"Hindi pa, mamaya siguro."

"Well, they seem like a nice couple!" tugon ni Pa at mejo tumawa.

"They seem to get along well."

I knocked on the door.

"Oh, ayan na pala ang anak mo."

"Yes yes, come have a sit son."

Umupo ako at naghintay ng sasabihin nila.

"Well you see son, your tito and I, nag plano na kami na ipakasal kayo ni Lauren."

Tumango-tango ako. Wala namang problema. Gusto ko rin naman si Lauren. Maganda na kasi, boto pa si Pa.

"It would be my honor!" Nakangiti kong isinagot at tumayo naman si dad para tapikin ung likod ko at ngumiti naman si Tito.

Minsan nalang matuwa sakin si Pa, kaya sasakyan ko na.

Umalis si Tito para sabihin na kay Lauren.

Pinasara sakin ni Pa ang pinto at tinignan nya ako sa mata, wala na ung mga ngiti sa labi nya, nagbalik na sya sa pagigiging, seryoso.

"Wag mo ng hayaan na may makaagaw pa jan kay Lauren," tumango naman ako at ngumiti sya.

Matthew's POV

Dumaan ako sa palengke bago umuwi para mamili ng mga gulay at kung ano ano pang pangkain. Nakasalubong ko si Nanay sa kalsada at nag mano naman ako. Ngiti palang nya, nawawala na ang pagod ko. Nakaubos daw kasi sya ng paninda.

"Oh ang dami mo namang pinamili," Nakangiti nyang sinabi.

"Nakarami kasi akong sidelines ngayon 'nay"

"Nako bata ka, ipunin mo na lang yang mga nakukuha mo ng matupad na yang pangarap mo."

"Eh 'nay naman, syempre kailangan may naihahain tayo sa lamesa tyaka meron naman akong nakatabi na dito eh."

"Nako ikaw talaga,"

Nakauwi kami at nagsaing na ako.

Nagluto si nanay ng sinigang at kumain na kami.

"Nay, nakita ko nga pala si Lauren kanina.." napangiti sya.

"Bahay pala nila ung inayusan ko ng halaman."

Napatango tango si inay at nagpatuloy akong magkwento habang sumusubo subo.

"Grabe ang laki ng bahay nila nay, balang araw pag nakatapos ako, bibilhan rin kita ng ganon, este, hindi, mas malaki pa don!"

Natuwa si inay at napangiti,

"Paano mo naman magagawa un kung anjan ka at inlove na."

"Nay naman, hanggang malayo nalang un, nakakahiya namang manligaw dun. Mayaman na maganda pa."

"Nak walang imposible,"

"Eh nay kasi kung liligawan ko sya, gusto ko may maipagmamalaki na ako. Ung kaya ko syang pakainin ng matino at mapatira sa isang magandang lugar,"

Napangiti si inay at ngumiti rin ako.

Kailan kaya un?

. . .

Simpleng Tao (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon