#CHAPTER 4

115 2 0
                                    

CHAPTER 4

Huminto kami sa tapat ng bilihan ng toron.

"Ate, dalawa nga ho. Ung special ha." Nakangiti kong sinabi at tumingin kay Lauren na napansin ko naman na nakatingin sakin.

"May pa special-special ka pa jan ha." natatawa nyang sinabi.

"Syempre, special ang kasama ko!"

"Loko ha."

"Iho eto na oh," inabot ng ale ung dalawang mainit-init pang toron.

"Magkano ho?"

"Bente pesos iho." At inabot ko naman ang bente.

Ibinigay ko kay Lauren ung toron at bumaba naman sya sa tricycle.

"Oh? San ka pupunta?"

"Maglakad nalang kasi tayo ng makita natin ung mga nasa gilid." Natuwa naman ako sa sinabi nya. Dahil sa tagal tagal naming magkakilala hindi ko inakala na ganito syang makisalamuho sa iba.

"Ah sige" bumaba ako at sumunod sa kanya.

"Lauren, eto masarap toh" nakangiti kong sinabi sa kanya.

Mejo nanlaki ang mata nya, "Ano naman yan?"

"Bituka ng manok," nakangiti kong sinabi at nagsimulang isaw isaw sa suka "Masarap yan, tikman mo kasi.."

Nakita ko sa mga mata nya na parang ayaw nya kaya di ko na pinilit pero nagulat nalang ako ng bigla rin syang kumuha at isinawsaw sa suka.

Ngumiti sya habang ngumunguya at nag *thumbs up*.

"Sarap nga, haha"

Hindi ko na nabilang kung ilan ang nakain nya. Napangiti nalang ako kasi ang dami nyang kinain ng kung ano ano.

Nung nagbayad na ako, nakita ko ang isang manong na nagbebenta ng balot.

"Dalawa nga ho" Nakangiti kong sinabi at nakita ko namang ngumisi si Lauren.

"Balot?"

Napatango ako at ngumiti.

Binalatan nya ung balot at ngumisi pa lalo. "Nakakaawa ung kitty"

Natawa ako at mejo nabulunan.

"Yaan mo di ka mumultuhin nyan" natatawa kong sinabi.

Napalaki ang mga mata ko ng bigla ko syang nakitang nginunguya na.

"Mhm.. masarap?" nanliit mga mata ko.

"Oo," nakangiti nyang sinabi at biglang nag ring ung cellphone nya.

"Yes, speaking. -- Ahh.. -- Pasensya na manang -- Kumakain -- Sige, uuwi na.. -- Bye" Napatingin sya sakin at napatango naman ako.

Hindi na sya nagpahatid sa bahay nila at nag-Taxi na. Syempre kumuha ako ng driver na kakilala ko para naman alam kong seyp(safe) sya. Mahirap na diba? Gabi na tyaka maganda toh.

Baka pag may nangyaring masama kay Lauren eh makapatay ako ng wala sa oras.

. . .

Simpleng Tao (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon