CHAPTER 12
Tine's POV
Isang oras na akong nakaupo dito.
Nakaka-bored rin naman mag games lang dito sa cellphone ko.
Apat na oras pa bago lumabas si Lauren. Bakit ba kasi ako pumayag maghintay? Pwede namang umuwi muna. -_______-
Tumayo ako at naghanap ng banyo. Naparami ata ako ng inom ng buko juice.
Pagkatapos magbanyo, pumunta ako sa may vending machine para bumili ng piatos. Na-miss ko rin toh.
"Excuse me ma'am na naka-dilaw," napalingon ako at nakita ang isang janitor na lumalakad papunta sakin na hawak ang cellphone ko.
"Nakalimutan nyo ho dun sa lamesa," at napakamot ito sa ulo.
Okay tong janitor na toh ha, gwapo. Madungis tignan pero mabango. Eto kaya ung ikinu-kwento ni Lauren?
Inabot ko ung cellphone ko at nagpasalamat.
"Sige ho at mauuna na ako," magalang nyang sinabi at patalikod na sana ng may itanong ako.
"Ikaw ba si Matthew?"
Matthew's POV
"Ikaw ba si Matthew?" Paano nya kaya nalaman ang pangalan ko.
"Oho, ako ho un," nakangiti kong sagot.
Nagulat ako ng inilapit nya sakin ung isa nyang kamay, "Hi, I'm Celestine, Tine for short. Bestfriend ni Lauren,"
Mejo namula ako at napakamot sa ulo ko, "Eh ma'am Celestine, marumi ho ung kamay ko eh," Nakita kong mejo napangiti sya at tumawa.
"Okay lang yan, this is a formal way to introduce myself,"
"Eh ma'am ayoko naman hong dumihan ang kamay nyo, tyaka kalilinis ko lang ho ng banyo," Napatawa sya. Maganda rin naman itong si Ma'am Celestine.
Pero inabot nya parin ang kamay nya. Nung hindi parin ako pumayag eh sya na ung kumuha ng kamay ko.
"Oh ayan," nakangiti nyang sinabi, "How may I address you?"
"Ha? Pwede ho tagalog nalang? Wala ho akong dalang tissue eh,"
Napangiti sya at unulit ung tanong nya, "Sabi ko, paano kita i-a-address? Ano gusto mong tawag ko sayo."
"Ay un ho ba, hindi na ho kailangan, janitor nalang ho at lalakad na ako papunta sa inyo," tinaasan nya ako ng kilay at napangisi. Napakamot ako sa ulo ko at mahinang sinabing, "Matthew ho, pero Matt nalang,"
Napangiti sya, "Okay Matt, see you around."
Tumalikod sya at naglakad na papalayo habang kumakain ng piatos nya.
Ang lakas ng tama nito kesa kay Miss Lauren.
. . .
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
RomansaHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?