CHAPTER 14
Matthew's POV
Nagpababa nalang ako sa may palengke dahil nga nakakahiya naman kung sa bahay pa. Bumaba ako ng kotse at nagpaalam na kina Miss Lauren at Tine.
"Sige Matt, mag ingat ka," nakangiting sinabi ni Miss Tine. Kinalabit nya si Miss Lauren na halata namang tulala.
"Pst--Hoy--LAUREN!" Mejo nagulat ito at napatingin sakin,
"Mauna na ho ako," nakangiti kong sinabi.
"Sige, ingat ka," isinara ko na ang pinto at hinintay na makalayo sila bago pa ako lumakad pauwi.
Ng palayo na ako eh nakaramdam ako ng isang tapik sa likuran ko at napalingon,
"Matt, mukhang mayayaman yang mga kaibigan mo ah at seksi pa, pwede bang ibalato mo nalang sa amin yan?"
Napakunot ang noo ko, "Ito naman hindi mabiro," inilagay ng isa sa kanila ang braso sa balikat ko at bumulong, "Eh ung tatay nalang kaya?" Tinanggal ko ang braso nya sa pagkakaakbay at gigil na lumakad na pauwi. Narinig ko ang mga mala-demonyo nilang tawanan at lalo akong nang-gigil.
"Magandang gabi ho nay" nakangiti kong bati at nagmano.
"At saan ka naman nang-galing at ngayon ka lang?" Nakapamewang na tanong ni inay.
Umupo ako sa may lamesa at itinaas ang isa kong paa sa upuan.
"Nagkayayaan hong lumabas nay,"
Napataas ang boses ni inay,
"WAG MONG SABIHING UNG MGA SIRA ULONG TAMBAY JAN ANG MGA KASAMA MO? NAKO BATA KA. ILANG BESES K-"
"Sila Lauren nay," napatigil sya sa pagsasalita at nagpatuloy naman ako sa eksplenasyon ko, "Tyaka ung kaibigan nya na si Tine."
Napatango nalang si inay at halatang hindi parin nya maintindihan.
"Kain na tayo nay," nakangiti kong sinabi.
"Hindi ba kayo kumain sa labas?"
"Eh nay alam nyo naman na hindi ako sanay sa berjer berjer na yan, at prench pries" natawa si inay at inilapag ang ulam namin sa lamesa. Piniritong talong, pusit, itlog at kamatis. Kumuha ako ng plato at nagsimula ng kumuha ng kanin.
"Eto ang totoong pagkain!"
Lauren's POV
Pagkarating namin sa bahay eh tumuloy na ako sa kwarto habang si Tine ay kumain sa baba. Nahiga ako saglit at naligo na. Pagkatapos ay nahiga ulit at nag facebook sa laptop.
Hindi ko namalayan na bumukas pala ang pinto at pumasok si Tine.
Nagulat nalang ako ng bigla nyang tapikin ang balikat ko.
"Huy! Bru, kanina ka pa tulala jan ah."
Napakunot ang noo ko, sa lahat eh ayokong ginugulat ako, "Di ah."
"Anong di ah, kanina pa kaya kita pinagmamasdan jan, nag la-laptop ka nga, sa bulaklak ko naman ikaw nakatingin," nakangiting sinabi ni Tine. More of like a smirk than a smile. -_____-
"H-hindi ah," Bakit bigla akong nabulol?
Umupo si Tine sa tabi ko at ngumiti pa lalo ng mas malaki.
"Selos ka noh." Tumaas-taas ang kilay nya at umirap naman ako.
Selos?
Ano naman ang pagseselosan ko?
"Tse. Matulog ka na nga,"
"Nako inlove ang bestfriend ko, sayo nalang ang bulaklak gusto mo?"
Napatingin ulit ako kay Tine.
"Anong inlove ka jan. -______- Ayoko nga, tyaka sayo ibinigay yan, sige at matutulog na ako," natawa si Tine at nagkumot naman ako at tinakpan ng unan ang mukha ko. Kinuha nya ung laptop at ginamit ito. Maya maya lang eh bumigat na rin ang mga ko at nakatulog na.
. . .
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa cellphone ko. 7 30AM. Napatingin ako sa kabilang side ng kama at nakitang wala na si Tine sa tabi ko. Ang aga gumising 'non eh. Tumayo ako sa pagkakahiga at tumuloy sa banyo at nagsalamin muna. Pagkatapos eh naligo narin at gumayak.
As I walked down the staircase, isang pamilyar na boses ang narinig kong bumati sakin, "Goodmorning Lauren," nagmadali akong bumaba at nakita si Stephen, he was smiling while holding up a bunch of flowers in his hands.
Ngumiti naman ako at inabot sakin ni Stephen yung flowers, "Pretty flowers for a beautiful lady."
Nang aabutin ko na ang bulaklak ay dumaan naman si Tine, napabuntong hininga sya, "Corny," at nagtuloy na syang lumakad papunta sa kusina at may hawak na juice. Napatitig naman si Stephen sa kanya na halata namang naasar.
"Are you free tonight?"
"Ahm.." napatingin ako kay Tine and she signalled to say "NO"
"Sumama ka na jan kay Stephen, Lauren, paminsan minsan lang yan," napatingin ako sa taas at nakita si dad na nakangiti.
"Oo nga pagbigyan mo na ako," nakangising sinabi ni Stephen, "I was jealous of that guy with you yesterday," napatingin si Tine kay Stephen at nagsalita ulit si dad habang pababa ng hagdanan palapit sakin.
"And who is this guy?" taas kilay nyang itinanong.
"Kaibigan ho namin tito," mabilis na sagot ni Tine. Napatingin agad si Stephen kay Tine at ngumiti. Nakahalata siguro na hindi pa kilala ni dad ito. O may alam manlang.
I was shocked of what dad said next, "I want to meet him,"
"S-sure dad,"
"Is tomorrow fine?"
"I'll inform him dad,"
"Does this guy happen to be in a good family business?"
Napatingin sakin si Stephen at ngumiti. "Ah.."
Biglang nag ring ang cellphone ni dad at sumagot naman agad sya,
"Excuse me. Yes--Yes--Oh most certainly!--Great, I'll be right over."
Bumalik ang tingin sakin ni dad, "I'll see you tonight darling, after your dinner with Stephen?" And with that, he sped off.
Stephen's POV
Pfft, wala palang alam ang dad ni Lauren tungkol dun sa mahirap na lalaking 'yun. Tss. So they have that dirty little secret, eh?
"You're really an idiot Stephen," biglang sinabi ni Tine. At umirap. Pagkatapos ay lumapit sakin.
"Tine." marahan na sinabi ni Lauren at napatingin sakin, I put on my puppy face and apologized, "Aw, sh*t, sorry I didn't know," And that's the truth.
"You just want us to get into trouble!" galit na sinabi ni Tine. Epal talaga ito kahit kelan. Pasalamat syang kaibigan sya ni Lauren. Kung hindi, kanina ko pa ipina-salvage toh.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Lauren,
"Okay lang, Anyway dad will have to meet him,"
Umirap ulit si Tine at lumakad na papalayo, "Mauna na ko Lauren. Call me,"
Napatingin si Lauren sa relo nya, "Sige Stephen, mauuna na ako at may pasok pa,"
"Gusto mo ihati-"
I was cut off -_____-
"No need," and then she left.
This is harder than I thought.
Patience Stephen..
Magigiging sayo rin yang si Lauren..
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
Storie d'amoreHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?